Hindi titigil ang oras at panahon,
Hindi mababalik ang dating samahan noon,
Sumuko nalang dahil sa sakit ng kahapon,
Nakalugmok sa isang sulok at nahihirapang bumangon.Lahat yan nagsimula sa isang simpleng batian
"Hi at hello" muna sa simula,
"Ingat ka mahal" sa pang gitna,
At nagtapos sa salitang "paalam na".Wala ngang forever sabi nila,
Nagpa tugtug ka nga mga hugot song na kanta,
Lumaklak ka ng beer para makalimutan sya
Umiyak ka ng isang baldeng luha,
Sabi mo pa sa mag jowa "maghihiwalay din sila"..Naging bitter ka ng bigla,
Di makita ang liwanag kundi ang ambon ng umaga..
Sinumpa ang mga kalahi ni adan at eba,
Naging leader ka pa ng mga hugotera.Sa lahat ng yung mga ginawa..
Nabawasan ba ang sakit ng paglisan nya?
Natuyo ba ng luha ang iniwan nyang ala ala?
Tinulungan ka ba ng beer na kalimutan sya?Lahat ng tanong ang sagot ay hindi.
Hindi magagamot ng pagluha at alak,
Ang sakit na dulot ng relasyong nawasak.Anu nga ba ang kahulugan ng pagmamahal?
Kung sa bawat pagtibok ng puso'y kailangang masaktan?..
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PoetryPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...