Sa nakakuyom na mga kamao,
Ang daing ng isang mamamayang pilipino,
Si juan dela cruz na inaapi sa batas,
Pati ba naman konsensya ibebenta pa kay satanas?Kawawang inang bayan,
Kawawang mamamayan,
Kawawang lipunan,
Punong puno ng kasamaan.Sa bukang liwayway,
Pag asay unti-unting namamatay,
Masisilayan pa ba ang bukas?
Kung ang ngayon ay magwawakas.Pinaghahandaan ang susunod na henerasyon,
Ngunit napapabayaan ang tunay na kalagayan ngayon,
Paano makakaahon? kung sunod- sunod ang mga alon.
Magpapadala nalang ba sa agos ang isang Juan dela Cruz?Sa mga mambabatas,
Gawin nyo ang patas,
Ipatupad ang para sa lahat,
Upang bansa'y hindi na maghirap.Isa na sa pahirap ang CPD law ng pinas,
Iba nlang sana ang isinabatas,
Tunay na suliranin dinagdagan lang din,
CPD law sana'y tanggalin, sahod nami'y bigyang pansin.Sa mahal na mga bilihin,
Si Juan dela Cruz ay naninimdim,
Anu ang kanyang gagawin?
Sahod nya'y Hindi sapat sa mga gastusin.Bigyan ng pagkakataon upang si Juan dela Cruz ay makabangon,
Ginawa nya na ang lahat ngunit pagsisikap ay hindi sapat.Sa mga lider ng bayan,
Tigilan na ang makasariling tunggalian, pagtuonan ang problema ng sambayanan.
Tama na ang mga pabida,
Hindi ito isang pelikula,
Kayo mismo ang sumisira,
Sa pagkakaisa ng ating bansa.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PoesíaPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...