Sabi ko ayaw ko na,
Sabi ko 'di ko na kaya,
Ito na ba ang tinatawag nilang pagsuko?
Na para bang unti-unting gumuguho ang aking mundo.Tama ba ang bumitaw na?
Tama ba ang sumuko na?
Ang sagot ko'y "ewan",
Ako'y naguguluhan.Sa mapaglarong iko't ng mundo,
Solusyon nga siguro ang pagsuko.
Matatawag kang talunan,
Matatawag kang duwag dahil hindi ka lumaban.Handa ba akong hamakin at talikuran?
Kaya ko bang harapin ang mapanghusgang lipunan?
Ang pagsuko nga ba ang tanging paraan?
Para mabigyan ng sagot ang magulo kong isipan.Nang tumingin ako sa kalangitan,
Binalot ako ng katahimikan,
Pinagdasal ang aking mga alinlangan.
Nabigyan ng sagot ang mga katanungan.Depresyon ang umalipin sa'king kamalayan,
Nakakatakot kung mag-isa lang ako na lumalaban.
Sa mundong ito na mapanlinlang,
Pamilya, kaibigan at Diyos ang yung masasandalan.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PuisiPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...