Pandemic Love

13 0 0
                                    

Di ko alam kung paano sisimulan,
Kwento ng ating pag iibigan,
Para tayong aso't pusa,
Opinyon nati'y hindi magkatugma.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana,
Ang tulak ng bibig ay kabig ng dibdib nga talaga,
Sinumpa natin ang isa't isa..
Sa bandang huli magiging tayo pala.

Kahit di pa tayo nagkikita,
Kahit di pa kita lubusang kilala,
Peru ang puso ko'y naniniwala,
Ikaw ang gusto kong makasama..

Hindi ako perpektong tao,
Maraming alinlangan sa buhay ko,
Komplikado man ang mundo,
Peru salamat kasi minahal at pinili mo pa rin ako.

Di man maganda ang simula
Pinaglaruan man tayo ng tadhana
Sa gitna ng kinakaharap nating pandemya,
Natagpuan natin ang isa't Isa..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Koleksyon Ng Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon