Tama na ang isang beses na pinaasa mo ako,
Tama na ang isang beses na sinaktan mo ako,
Tama na ang isang beses na naging tanga ako,
Tama na ang isang beses na minahal ko ang isang tulad mo.Ang second chance ay Hindi para sayo,
Ang second chance ay para sa sarili ko...
Ang second chance na lumigaya sa piling naman ng iba..
Ang second chance na mahalin muli ang isang tulad ko.Ang panahon natin ay tapos na,
Ayoko ng balikan dahil ayoko ng masaktan.
Hindi ako magbubulagbulagan sa katotohanan,
Minsan na kitang minahal ngunit hindi mo pinahalagahan.Sabihin mo nga sakin kung paano pa ako magtitiwala?
Sa relasyon natin ay ikaw ang unang sumira...
Wag mong ikatwiran na kasalanan ko,
Ikaw ang nagkamali at hindi ako.Pinatawad na kita sanay maging sapat na..
Wag mo nang ipagpilitan ang second chance,
Tapos na tayo..hanggang dun nalang ang kayo ko.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PoesíaPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...