Ako'y nahahapo, nakatingin sa malayo.
Hindi ko alam kung saan tutungo,
Mga paang pagod na sa kakatayo,
Magtatapos na ba ang paglalakbay ko?Hanggang dito nalang ba ang mararating ko?
Mga katanungang iniiwasan ko.
Gusto ko pang humakbang, ayoko pang sumuko.
Ngunit paano? Pagod na nga ako.Para akong kandilang nauupos,
Ang lakas ko'y unti-unting nauubos,
Kahit ang hangin ay kakapitan kong lubos,
Marating lamang ang nais kong maabot.Mga paa ko'y nasagi ang dahong nahulog,
Para akong nagising sa pagkakatulog.
Ang lupa ay nandyan kahit na malugmok,
Magbibigay pag-asa sa tulad Kong pagod ng sumubok.Lupa ang sumalo sa katawan kong nanghihina,
Sandali akong magpapahinga,
Gigising bukas ng umaga,
Muling ihahakbang ang mga paa.Nang ako'y magising nagsimulang maglakad,
Luha at pawis namalisbis kaagad,
Agam-agam sa sarili'y umusad,
Hindi na alam kung saan mapapadpad.Parang bula, pag asa'y nawala.
Hanggang dito nalang ang tulad kong bigo,
Hindi lahat ng lumalaban ay nananalo,
Minsan kailangan din ng PAGSUKO!
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PoesíaPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...