LDR

44 4 0
                                    

Nang dahil sa social media,
Nabuo ang pag ibig sa ating dalawa..
Videocall at chat naibahagi ko ang lahat lahat.
Ang magkalayong distansya,
Hindi naging hadlang upang makilala ang isa't isa.

Hindi naging madali ang ating relasyon
Pagmamahal ang ginawang pundasyon,
Taon at buwan ang hinintay,
Yakap at halik mo'y nakaroon ng buhay.

Dahan dahang kikilalanin ang isa't isa,
Sabay haharapin ang mga problema,
Pagmamahal ay hindi basta bastang isusuko,
Ipaglalaban natin hanggang sa dulo.

Sana Hindi ka magsawa,
Na mahalin ako bawat umaga,
Dahil ako'y nangangako,
Ikaw lang ang laman nitong puso.

Ano man ang mangyari sa hinaharap,
Ikaw ang bumuo sa aking mga pangarap.
Ako'y umaasa,
Na tayong dalawa parin hanggang sa pagtanda.

#sanaAll
#satulanalangakokinikilig
#satulanalangmayforever..hahaha
#feb-ibig

Koleksyon Ng Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon