Sa nalulumbay na diwa,
Pag-asa'y hindi makita,
Tumutulo ang mga luha,
Habang nakamasid sa bintana.Minahal kita ng buo
Ngunit puso ko'y winasak mo.
Napakasaklap ng nalasap,
Ang akala kong mahal ako isa plang mapagpanggap.Hindi ko lubos maisip,
Kung paano ang puso mo'y nag iba ng ihip.
Ikaw lang ang minahal ko,
Ngunit ako'y iyong niloko.Sabi mo tigilan na natin 'to,
Bakit ayaw maniwala ng puso ko.
Na ang lalaking minahal ko
Ang s'yang guguho ng aking mundo.Sana noong una palang,
Hindi mo na ako niligawan.
Masakit kasing umasa,
Bibitawan mo lang pala.Nahulog ako ng todo,
Naniwala sa mga pangako mo,
Ngunit bakit nagkaganito?
Ang dating tayo ay naging kayo!Wala kang masagot sa mga tanong ko,
"I'm sorry" lang ang naririnig ko sayo,
Sana nga magamot ng salitang yan,
Ang pusong nagmahal ngunit iyong sinaktan.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Mga Tula
PoetryPilit kong isinusulat Mga katagang hindi maisiwalat Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas. Sa bawat letrang magkarugtong, Ay ang mga salitang patanung. Di ko alam kung mabibigyang halaga, Ang bawat bi...