Ang istoryang ito ay masasabi kong kontrobersyal. Tinutukoy dito ang istorya ni Lucifer na prinsipe ng kadiliman. Paunawa na ito ay isang kathang isip lamang ng isang taong may malawak na imahinasyon. Kung hindi tanggap ang ganitong kategorya ay kung maaari lamang inyo na itong isara at hwag ipagpatuloy ang pagbabasa. Maraming salamat.
***@@#@@***^#~o0o~#^***@@#@@***
Naririnig ko na naman sila. Ang iyak ng kanilang paghihinagpis na parang sinusunog ang kanilang mga katawan sa mainit na apoy. Ang mga kaluluwa na humihingi ng kapatawaran sa langit upang sila ay mailigtas mula sa madilim na mundo ng impyerno.“Iligtas nyo po kami!”
“Nagsisisi na po kami Ama!”
“Mainit! Napakainit!”
“Tulungan nyo ako!”
“AAAAAAAAAHHHHH!!”
“Ayoko dito! Hindi ako dapat dito!”
Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi sila marinig. Nanginginig akong napaupo sa sahig at ipinikit ang aking mga mata upang mawala sila. Hindi ko man sila nakikita sa gitna ng kadiliman, naririnig ko naman ang kanilang mga boses.
“Nagustuhan mo ba mahal ko?” ang tanong ng isang pamilyar na boses.
Tumingin ako sa kanya. Sa gitna ng dilim, nakikita ko parin sya. May pulang liwanag ang nakabalot sa kanya. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang katawan. Isang ngiti ang rumehistro sa kanyang anghel na mukha.
Iniliyad nya sa harap ko ang kanyang palad.
“Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan mo ang kaharian na ginawa ko para sa iyo. Nagustuhan mo ba?”
***
AURA. Ito ang pangalan na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Hindi pangkaraniwan. Iilan lang ba ang may ganitong pangalan?“Aura anak! Bumaba ka na rito,” tawag sakin ni Mama.
Tumingin ako sa orasan. Tanghali na pala. May isang oras nalang ako para maghanda at pumasok sa eskwela.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na rin akong bumaba mula sa kwarto ko. Nakahain na ang pagkain sa mesa.
“Happy birthday Aura!” bati sakin nila Mama at Papa na may hawak na chocolate cake at isang kandila sa gitna.
Nakangiti naman sa akin ang aking kuya.
“Make a wish baby, then blow the candle,” excited na sabi ni Mama.
“Hilingin mo na magka-boyfriend ka na. Pfft!” asar sa akin ni kuya.
“Hep! Bawal pa! Kahit na eighteen ka na Aura, bawal parin ang boyfriend,” pagbabawal ni Papa.
"Papa, hindi pa po ako magbo-boyfriend," natatawa kong sabi.
Nakahinga naman nang maluwag si Papa.
"Hay, hayaan mo nga na magka-boyfriend si Aura. Malaki na sya," sabi naman ni Mama.
Sumimangot nalang si Papa at tumawa si kuya.
"Ako ang bahala Pa. Bantay sarado 'yan si bunso," sabi ni kuya.
"Isa ka pa Gabriel. Kailan ka ba magkaka-girlfriend?" tanong ni Mama.
"Mama. Hindi naman po kami nagmamadali. Mabuti nang handa dyan, hindi ba bunso?" tanong sakin ni kuya.
Napangiti nalang ako. Alam naman nila na wala pa akong panahon para sa mga bagay na yon. Hindi ko rin alam, pero hindi ko pa gustong makipag-relasyon.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of Lucifer
RomanceIsang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin...