V
Simula nang sabihin sakin ni Lucci na interesado sya sa kaluluwa ko at may balak sya na patayin ako, dumistansya ako sa kanya. Hindi ko sya tinitignan o pinapansin. Hindi ko sya maintindihan, bakit nya ako sinagip kung may balak syang kunin ang kaluluwa ko?
Ni minsan hindi nawala ang tingin nya sakin.
Hindi nya ako kinakausap o nilalapitan pero lagi lang syang nakasunod sa kung saan ako magpunta.
Kung minsan napapagod na rin ako sa kakasunod nya. Para kasi akong nakakulong, palagi akong hindi makakilos nang malaya. Natatakot rin ako na makipag-usap sa kahit na sino kapag nandyan sya. Baka kasi pumatay syang muli.
Ang mga nabiktima kasi nya ay mga tao na nakausap ko.
Magpapasalamat ba ako dahil hindi pa nadadagdagan ang mga tao na pinatay nya sa harap ko?
Isang linggo na ang nakalipas simula nang huli kaming nag-usap.
Nasa bahay ako ngayon at nag-rereview. Umpisa na ng midterm exam namin.
Abala ako sa pagbabasa nang may narinig akong malakas na sirena ng ambulansya. Napatayo ako at sumilip sa labas ng bintana.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Mama na may kausap sa labas ng bahay. Maya-maya lang ay pumasok na sya.
"Aura hwag kang lumabas ng bahay," agad na bilin ni Mama.
"Bakit po Ma? Ano po ang nangyayari sa labas?" tanong ko.
"Yung anak ni Tilde na si Atong, namatay sa aksidente."
"N-Namatay po sya?"
"Oo, pupuntahan ko muna si Tilde ikaw na muna ang bahala dito sa bahay Aura. Delikado nag-iisa ka pa naman. I-lock mo ang pinto paglabas ko," kinuha lang ni Mama ang pitaka nya mula sa cabinet at umalis na.
Ini-lock ko ang pinto katulad ng bilin nya.
Si Atong ay isang trenta anyos na lalaki na may pag-iisip ng isang walong taong gulang na bata. Palagi ko syang nadadaanan sa labas ng tindahan nila at nakikipaglaro sa ibang mga bata doon. Si Aling Tilde ay kaklase ni Mama at kaibigan mula Higshschool, may-ari sila ng isang sari-sari store sa kabilang kanto.
Napaka-lapit ng aksidente pero ano kaya ang nangyari?
Biglang pumasok sa isipan ko si Lucci.
Umiling ako. Hindi ko dapat isisi sa kanya lahat ng pagkamatay ng mga kakilala ko. At ang isang pa, hindi ko naman nakakausap si Atong kaya hindi nya 'yon papatayin. Pero pumatay parin sya ng maraming tao kamakailan lang sa isang sunog hindi ba? Hindi ko tuloy masabi kung aksidente ba ang pagkamatay ng anak ni Aling Tilde o sinadya.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Ipinatong ko ang baso sa lamesa ko at umupo na.
Napatingin ako sa bintana. Nakasara.
Napatayo akong muli nang maalala na nakabukas ko iyong iniwan. Sumilip pa nga ako sa labas.
"Napakalinis ng kwarto mo mahal ko"
Ang boses na 'yon. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit hindi ko sya napansin kanina nang pumasok ako?
Tumingin ako sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Dumadalaw," simpleng sagot nya bago humiga sa kama ko.
Kinakabahan na napahawak ako sa kwintas ko.
"Papatayin mo na ba ako?"
Tumingin sya sakin.
"Naiinip ka na ba? Gusto mo na ba akong makasama nang habangbuhay mahal ko?" may inilabas syang gintong punyal.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of Lucifer
RomanceIsang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin...