IX

124K 4.4K 659
                                    

IX

Pagkagising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog ko, agad kong napansin ang dalawang bagay. Una, nawala na ang sakit sa dibdib ko na dulot ng pagkakasaksak sakin ni Hecate, ang ikalawa ay ang mga boses na nag-uusap sa di kalayuan.

May isang boses sa isip ko na nagsasabing hwag ko munang ipaalam na gising na ako. Binuksan ko ang mga mata ko nang kaunti upang silipin ang paligid. Nasa loob ako ng kwarto ko. Sa labas ng bahagyang nakabukas na pintuan, sa tapat ay may mga nag-uusap, nagtatalo.

Pinilit kong mabuti na pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ni Lucifer sa oras na malaman nya na pinagtangkaan mo ang buhay ni Aura? Naisip mo ba na palalalain mo lang ang sitwasyon Hecate?" boses ni Miguel.

"May hindi magandang epekto sa mga mortal ang muling pagkabuhay ni Aura. May mas malaking bagay na mangyayari sa hinaharap. Mas malaki pa kaysa sa digmaan ng mga demonyo at anghel," sagot ni Hecate.

"Pero hindi mo dapat ginawa 'yon kay Aura!" sigaw ni kuya Gabriel "Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa kanya kung sakaling hindi ako lumabas mula sa kwarto ko. Mabuti nalang at nandito ako sa bahay at hindi umalis! Ano nalang ang mangyayari kung sakaling napatay mo nga ang kapatid ko--"

"Nakakalimutan mo na ba kung sino ka Gabriel? May misyon ka!" matigas ang pagkakasabi ni Hecate. "Hindi mo sya totoong kapatid. Hindi ka mortal. Ipinadala ka lang dito para bantayan sya. Alam nating lahat na mangyayari ito. Darating sa punto na kailangan humantong ang lahat sa kamatayan nilang dalawa. Sila ang isinumpang magkasintahan! Hindi sila maaaring magsama."

"Ang isinumpang dalawa ayon sa propesiya?" usisa ni Miguel.

"Oo, ang mga isinumpang anghel na hindi maaaring magsama. Sa oras na magkasama sila, magiging impyerno ang mundong ito. Magugulo ang mundo ng mga mortal," paliwanag ni Hecate.

May nakabibinging katahimikan ang sumunod. Hindi ko maintindihan.. Isinumpang magkasintahan?

"Kung ganon ano ang dapat nating gawin? Wala sa propesiya na isa sa atin ang dapat pumatay kay... Aura, ibig sabihin ay nakatakda syang mabuhay," si Miguel ang bumasag sa katahimikan.

"Kailangan nyang mamatay," ang matigas na sagot ni Hecate "Pinagsisisihan ko kung bakit ko sya binuhay pa. Nasira ko ang balanse ng mundo kaya naman magkakagulo sa lupa. Maraming mortal ang mapapahamak. Maraming anghel ang mamamatay."

"Si Lucifer ang dapat na mamatay. Bakit hindi sya ang patayin mo Hecate?" tanong ni kuya Gabriel.

Hindi kami maaaring magsama ni.. Lucci.. May kailangang mamatay sa amin?

"Hindi ko kayang tumapak sa mundo nya," sagot ni Hecate "Hindi ko kayang pumunta sa purgatoryo. Masyado na rin syang lumakas simula nang huli naming pagkikita. Dala nyo ba ang gintong punyal?"

"Oo, maingat ko iyong itinago. Yun nalang ang tanging sandata na maaaring pumatay kay Lucifer. Masyado syang naging malakas sa paglipas ng dalawang libong taon," sagot ni kuya Gabriel sa kanya. 

"Sadyang lalakas sya kung araw-araw ay ilang libong kaluluwa ang nakukuha nya," seryosong sabi ni Miguel. Nakakapanibago na marinig ang ganitong tono nya.

"Masyado nang dumarami ang mga masasamang mortal kung ganon," kumento ni Hecate.

Muli silang tumahimik. Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakatingin sa akin si Hecate.

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon