X
Araw ng byernes nang napagdesiyunan kong sabihin kay Lucci ang pagbabalik ng aking mga alaala. Napakalaki ng pagbabago na nakita ko ngayon sa mundo. Iba'ng iba na ito kumpara sa kapanahunan ko noon. Noon bilang isang anghel na nakatanaw lang mula sa langit.
Masyado nang moderno ang panahon ngayon. Napakaraming bagay ang naimbento ng mga tao na nakamamangha para sa akin.
Pumasok ako sa loob ng classroom. Sinadya kong agahan ang pagdating. Gusto ko syang makausap.
Pagka-upo ko sa upuan ko, lumingon ako sa likod. Wala pa sya. Nakapagtataka. Madalas ay sya ang laging nauuna.
Tumingin ako sa pinto. Inaabangan ko ang pagpasok nya.
"Aura pupunta ka sa acquaintance party diba?" tanong sa akin ng kaklase kong si Kara.
"Uhm. Oo bukas 'yon diba?" sagot ko.
"Oo," may inilapag sya sa lamesa ko na listahan. "List yan ng mga siguradong pupunta. Pa-sign nalang sa tapat ng pangalan mo."
"Okay," kinuha ko ang ballpen at nilagyan ng pirma ang tapat ng pangalan ko.
"Oo nga pala, magiging formal ang theme."
"Formal?"
"Oo, dapat kasi overnight swimming lang ang acquaintance pero dahil tag-ulan ngayon ginawa nalang party. So i-ready mo na ang dress mo," nakangiti nyang sabi.
Kinuha na nya ang list at ipinapirma sa iba pa naming kaklase.
Nakapangalumbaba akong bumalik sa ginagawa ko kanina. Nakatingin sa may pintuan. Hinihintay pumasok si Lucci. Ang tagal nya yata.
Napa-ayos ako ng upo nang maramdaman sya.
Lumingon ako sa likod ko. Sa dulo ng classroom nandon sya, nakaupo at nakatitig ulit sa akin katulad ng palagi nyang ginagawa noon. Kanina pa ba sya roon?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita sya. Ang mahal kong si Lucifer. Nabalot ng saya ang puso ko nang makita sya. Ngumiti ako sa kanya.
Dala ang mga gamit ko ay tumayo ako at nilapitan sya. Ito ang unang beses na ako ang kusang lalapit sa kanya.
Inilapag ko ang gamit ko sa mesa na katabi ng kanya, umupo ako sa tabi nya.
Tinignan ko sya at hinawakan sa kamay. Nahapit nya ang hininga nya nang gawin ko 'yon. Naramdaman ko ang init ng kamay nya pati na rin ang sensasyon na dumaloy sa akin nang hawakan ko sya.
Tila napakatagal na panahon na rin simula nang magsama kami, dalawang libong taon. Kahit kakakita palang namin kahapon, hindi ko maiwasan na hanap-hanapin ang presensya nya. Gusto ko palagi ko syang kasama.
Ngayon alam ko na kung bakit kahit wala ang alaala ko sa kanya ay kakaiba na ang nararamdaman ko kapag wala sya o kapag malapit sya. Mahal ko sya. Hindi ko maitatanggi 'yon. Mahal ko si Lucifer. Mahal na mahal ko sya.
"Bakit ka dito palaging umuupo mahal ko? Bakit hindi sa tabi ko?" tanong ko sa kanya.
Nakatingin sya sa magkahawak na kamay namin na nasa lamesa. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. Inangat ko yon at marahang idinampi sa labi ko. Pinagmamasdan lang nya ako habang ginagawa ko 'yon.
Binitawan ko ang kamay nya, hahawakan ko sana ang mukha nya pero mabilis nyang kinuha ang kamay ko pabalik at mahigpit iyong hinawakan.
Ngumiti ako sa kanya nang tignan nya ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of Lucifer
RomanceIsang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin...