VII

141K 4.8K 1K
                                    

VII

Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak. Hindi ako lumabas sa kwarto ko nang makabalik ako. Sa tuwing papasok si Mama sasabihin ko lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Nahihiya ako na harapin sya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nahihiya ako na nagsisinungaling ako sa kanya.

Nagpasalamat ako nang umulan nang malakas kinabukasan. Agad na sinuspinde ang mga klase sa mga paaralan. Kahit papaano may oras ako para makapag-isip. Hindi ko pa sya mahaharap agad. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko.

May mga bagay akong hindi masagot. Ako ba talaga ang Aura na sinasabi ni Lucci na mahal nya? Hindi kaya kamukha ko lang sya? Pero kung hindi ako, bakit ko sya napapanaginipan? Bakit parang totoong totoo na ang mga panaginip ko kung saan namatay ako?

Namatay nga kaya ako noon? Muli akong nabuhay bilang isang mortal?

Kung totoo yon, isa akong anghel? Ganoon din sina Kuya at Miguel..? Natatandaan ko na nakita ko sila sa panaginip ko. Sila ang dalawang anghel na tumutulong sa iba pang nasugatan habang nakikipaglaban.

Isang reincarnation.

Napaupo ako sa kama ko. Namatay din kaya sila kaya naman nabuhay silang muli bilang mortal naman?

Higit sa lahat na ipinagtataka ko. Magkaibang demonyo si Satanas at Lucifer. Hindi katulad ng sinasabi ng iba na iisa sila.

Pero sa pagkakatanda ko, isang anghel si Lucci sa panaginip ko. Bakit naging demonyo na sya ngayon?

***

"Bunso," tawag sa akin ni kuya bago ako lumabas ng bahay "may sakit ka ba?"

Umiling ako. "Wala naman kuya."

"Hay nako Gabriel yang kapatid mo mukhang masyadong natututok sa pag-aaral kaya nagkakasakit," sabi ni Mama habang inaayos ang pagkain sa mesa.

Kakatapos ko lang mag-almusal. Ngayon palang kakain si kuya. Mamaya pa ang pasok nya kaya naman hindi kami sabay.

Nagtaka ako nang hindi inaalis ni kuya ang tingin nya sa akin. Nakakunot ang noo nya at tinitignan ako na parang may nagbago sa akin.

"Aura magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na ba?" tanong nya.

"H-Huh?"

"Para kasing..." ibinulong nya ang kasunod na salita kaya naman hindi ko narinig.

"Ano 'yon kuya?"

"Wala, ingat ka sa pag-pasok. Gusto mo bang sumabay sa pag-uwi?"

"Hindi na kuya. Bye Ma! Alis na po ako."

"Sige Aura, yung payong mo nilagay ko sa bag mo. Hwag kang magpapa-ulan."

"Opo Mama."

Medyo madilim parin ang langit paglabas ko ng bahay. Mukhang uulan ulit mamaya.

***

Mga nakatayo at nagke-kwentuhan ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa loob ng room. Wala pa ang GenPsy instructor namin.

"Kyaah! Lucci hwag dyan, nakikiliti ako," may narinig akong tumili.

Agad na napadako roon ang tingin ko. Pakiramdam ko sinampal ako nang malakas sa mukha. Doon sa dulo ng room, si Lucci may kasamang babae na nakakandong sa hita nya.

Mukha silang normal na magkasintahan na naglalambingan.

Hindi ako makahinga, parang may bumara sa dibdib ko at bigla iyong sumakit. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit sila magkasama?

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon