Congrats kay Neodge Wattpad. Sya ang nanalo sa contest with 400+ likes sa kanyang drawing entry =)
XIII
Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagta-type sa keyboard ng laptop nang pumatak ang luha ko. Pinunasan ko ang pisngi ko pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Ang alalahanin ang lahat at isalaysay ang mga pangyayari ay isang napakasakit na bagay para sa akin. Muli nitong binuksan ang malalim na sugat sa puso ko. Kahit na lumipas ang napakaraming taon, hindi nabawasan ang sakit at pangungulila ko para sa lalaking minahal ko nang lubos. Minahal ko sya at nagawa ko syang patayin gamit ang sarili kong mga kamay.
Tumigil ako sandali at tinitigan ang screen ng laptop ko. Ito ang huling kabanata ng istorya ni Lucifer. Ano na ngayon ang gagawin ko? Natapos ko na ang nobela na isinusulat ko. Hindi ito ang ending na gusto ng mga readers ko online.
Bumuntong hininga ako bago ko pindutin ang 'Save and Publish'. Ilang minuto lang ay nagdagsaan na ang notifications ko, marami na ang nakabasa at nag-komento sa huling kabanata na in-upload ko.
Hindi ko kayang basahin ang mga 'yon.
Isinara ko na ang latop ko. Kahit na sabihin pa nila na umiyak sila at nasaktan, alam ko na makakalimutan din nila ang istorya ni Lucifer. Madali lang silang makakapag-move on dahil istorya lang naman ito para sa kanila. Hindi totoo sa paniniwala nila. Hindi katulad ko, araw-araw walang oras na hindi ko naalala ang mahal ko.
Makalipas ang dalawang daang taon, hindi na tumanda ang katawan ko. Matapos kong bumalik mula sa impyerno, nakulong na ako sa imortal na katawan na ito. Ito ang katawan na nilikha ni Hecate kapalit ng mga pakpak ng mahal ko. Isang imortal na katawan at buhay na walang hanggan.
Isang sumpa.
Ang paulit-ulit na makita na ang mga taong malalapit sa akin ay namamatay at ako ay hindi. Paulit-ulit kong kailangan lumayo sa mga kaibigan ko makalipas ang ilang taon kasama sila para lang hindi malaman na hindi ako tumatanda. Kung minsan natatakot ako sa sarili ko.
Bakit pa nga ba ako nabubuhay? Ano ang dahilan ko para mabuhay?
Hindi ko kayang patayin ang sarili ko. Ang buhay na ito ay bigay sa akin ng mahal ko kaya bakit ko itatapon? Dahil lang sa kalungkutan?
*beep.beep*
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa lamesa. Binasa ko ang text message.
[Ms. Otor =( un na po ba tlga ang ending ng s2ry? bakit po reincarnation of lucifer ang title? dba dapat mabubuhay xa ulit? T_T huhu please upload pa kau ng 1 chap]
Napahinga nalang ako nang malalim. Bakit ko nga ba naisip ang ganong title? Iniisip ko ba.. hinihiling ko ba na muli syang mabuhay bilang isang mortal? Naalala ko ang tanong nya sa akin noon. Kung naging mortal ba sya, magagawa ko ba syang mahalin?
Sana naging mortal nalang kami. Sana naging mas simple ang buhay para sa amin.
Maswerte ang mga tao. Ang mga iniisip nilang mahirap na sitwasyon ay hindi kasing hirap nang sa amin. Hindi nila alam kung gaano sila kaswerte na naging mortal sila. Na kaya nilang tumanda at mamatay. Hindi nila naranasan ang mapagod dahil sa tagal ng buhay nila. Hindi rin nila naranasan ang mga naranasan ko.
Hindi ko alam kung bakit lumikha si Ama ng mga tao. Para ba magkaroon ng silbi ang mga anghel o para may mangalaga at tumira sa mundo?
Bakit sya lumikha ng mga tao? Kahit na alam nyang may pagkasakim ang mga ito. Hindi dalisay ang puso ng mga tao, hindi sila kasing puro ng mga anghel. Pero bakit mahal ni Ama ang mga tao?
BINABASA MO ANG
Reincarnation of Lucifer
RomanceIsang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin...