XI

123K 4.2K 717
                                    

XI

Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng engrandeng Green Leaf Hotel. Sa loob nito idaraos ang kasiyahan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Aura?" puno ng pag-aalala na tanong sa akin ni Gabriel.

Napag-usapan na namin ang plano, pero palagi nya parin akong tinatanong. Parehas sila ni Miguel na di sangayon sa gagawin ko. Mas gusto nila na sila ang gumawa ng misyon ko. Masyado daw itong delikado, ngayon pa na isa lamang akong mortal. Iniisip nila ang posibilidad na malaman ni Lucci ang tungkol sa pagtataksil ko sa kanya at sa plano ng pagpatay ko sa kanya.

"Ilang beses ko ba'ng kailangan ulitin Gabriel?" napapagod na sagot ko "Hindi ko hahayaan ang isa man sa inyo na galawin sya. Sa akin nakapatong ang responsibilidad na ito. Ako lang dapat ang tumapos nito, hindi nyo kailangan makialam."

"Pero--" 

"Ibigay mo na sa kanya ang gintong punyal Gabriel," utos sa kanya ni Hecate.

Magkatabi silang dalawa sa unahan ng kotse, nasa likod naman kami ni Miguel. Bumuntong hininga si Gabriel bago kunin ang punyal at ibigay sa akin. 

"Sasamahan kita sa loob," sabi ni Miguel.

"Kaya ko'ng mag-isa," sagot ko. Itinago ko ang punyal sa maliit kong hand bag.

"Aura," pigil sa akin ni Miguel bago ko buksan ang pinto ng kotse 

 Nilingon ko sya.

"Manonood parin kami sa mangyayari, kung hindi umayon ang lahat sa plano," tumigil sya sandali para titigan ako sa mga mata "Pasensya na pero kami ang tatapos sa nasimulan mo."

Dumilim ang tingin ko sa kanya. Hindi ako anghel, isa na lamang akong mahinang mortal ngayon pero hindi ako kasing hina nang iniisip nila. Alam ko ang ginagawa ko.

"Hinding hindi mangyayari 'yan," sagot ko saka lumabas ng kotse.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kotse. May isang valet na lumapit sa akin at pinayungan ako, umaambon. Inangat ko ang laylayan ng palda ko. Nakasuot ako ng pinaghalong teal at gold na dress. Mahaba ito na abot hanggang sa paa ko, nakabukas ang likod nito at hugis puso ang disenyo ng sa harap. Isang eleganteng damit para sa isang epesyal na okasyon. Ngayong gabi, mababahiran ng dugo ng mahal ko ang aking mga kamay.

Nilunok ko ang sakit na gustong umahon sa puso ko, muli ko iyong ibinaon sa pinakamalalim na parte ng puso ko. Hindi ako maaaring magkamali ngayon, hindi ako maaaring matakot. Malaking pagkakamali ang ginawa nya, mahal ko man sya o hindi, ito ang tamang gawin. Nabubuhay lamang kami para protektahan ang mga mortal. Kami ang mga taga-gabay nila. Pero si Lucci, napakarami na nyang inempluwensyahan na mga mortal upang gumawa ng masama. Napakarami na ng mga kaluluwa na kinukuha nya, halos doble noong si Satanas pa ang hari.

Hindi ko alam na magiging ganito sya kasama.

Hindi ko kailanman naisip na darating sa punto na ako pa ang kailangan tumapos sa kanya.

"Mahal ko," bati nya nang makita ako.

Ngumiti ako sa kanya. Pormal ang suot nya, wala ang bonnet sa ulo nya. Pero hindi naman 'yon pansin ng mga  tao. Hindi nila pansin ang dalawang maliit na sungay sa ulo ni Lucci na bahagyang natatakpan ng pulang buhok nito. Sa tingin ko ay dahil ito sa pagkontrol nya sa isip nila.

Reincarnation of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon