XII
Pagmulat ng mga mata ko, muli kong narinig ang mga boses na sumisigaw sa aking panaginip. Mga boses ng mga nahihirapan at sinusunog na kaluluwa sa impyerno.
“Iligtas nyo po kami!”
“Nagsisisi na po kami Ama!”
“Mainit! Napakainit!”
“Tulungan nyo ako!”
“AAAAAAAAAHHHHH!!”
“Ayoko dito! Hindi ako dapat dito!”
Ito'ng ito ang laman ng mga panaginip ko. Ang ipinagkaiba lang, ngayon alam ko na totoo na ito at hindi na panaginip. Namatay ako at napunta sa kaharian ni Lucifer ang kaluluwa ko. Pinatay nya ako.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga boses na naririnig ko. Tumayo ako at naglakad patungo sa liwanag. Tila nasa loob ako ng isang kweba. Nagbabagang apoy ang sumalubong sa akin sa labas. Ang buong paligid ay nababalutan ng apoy.
Sobrang init. Ito na ba ang impyerno? Mukhang nasa loob kami ng isang pumutok na bulkan. May mga kaluluwa ng tao na nalulunod sa kumukulong lava. May mga demonyong kulay pula ang buong katawan, may sungay at nakakatakot na mukha ang naglalakad sa paligid. Pinagmamasdan at pinagtatawanan nila ang mga nahihirapang kaluluwa. Ang iba naman sa kanila ay may hawak na latigo at hinahampas sa likod ang ilang kaluluwa na nakatali sa isang malaking bato, pagkatapos ay itatapon nila ang bato na yon kasama ang nakatali sa kumukulong lava.
“Nagustuhan mo ba mahal ko?” ang tanong ng isang pamilyar na boses.
Tumingin ako kay Lucifer. Tila mas umangat ang kapangyarihan nya ngayong nasa mundo na nya kami. May pulang liwanag ang nakabalot sa kanya, mas maliwanag at mas mapula na tila dugo. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang katawan. Mas malaki na rin ang sungay sa ulo nya. Isang ngiti ang rumehistro sa kanyang mala-anghel na mukha. Iniliyad nya sa harap ko ang kanyang palad.
“Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan mo ang kaharian na ginawa ko para sa iyo. Nagustuhan mo ba?”
"Lucci.. Ano'ng ginawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mahal ko," lumapit sya sa akin nang nakangiti "Sa wakas hindi na tayo magkakahiwalay pa. Sabay nating pamumunuan ang kaharian na ito. Ikaw ang magiging reyna ko."
"Hindi.." bulong ko "Hindi.. Hindi.." umiling ako.
Napaupo ako. Nabigo ako. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nabigo ako. Nabigo ako sa misyon ko, hindi ko sya napatay. Hindi ko nagawa. Kasalanan ko 'to. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi marinig ang mga iyak ng kaluluwang sinusunog. Mas dadami pa sila ngayon, dadami ang krimen sa mundo ng mga tao at patuloy na dadami ang mga kaluluwa na susunugin sa impyerno. Hindi dapat ganito.
"LUCIFER!!!!!!!!"
May sumabog na puting liwanag sa harap namin. Mula doon ay lumabas sina Uriel, Miguel at Gabriel. Nakaputi sila at nababalutan ng gintong baluti, nakalabas ang mga pakpak. May mga hawak na espada.
"AAAHHHHHHH!!!!" sigaw ng ilang demonyo sa paligid namin. Nakatakip sila sa mga mukha nila na parang nasisilaw. Maya-maya lang ay nasunog sila at nawala na.
"MGA ANGHEL!! ANO'NG KARAPATAN NYONG PUMASOK SA KAHARIAN KO?!!" sigaw ni Lucifer saka bumunot ng espada. Malaki at kulay pula ang espada nya. Naalala ko na ito rin ang espada na pumatay sa akin dalawang libong taon na ang nakararaan.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of Lucifer
RomanceIsang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin...