VI
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lupa. Masyado itong malapit sa kinaroroonan ko. Agad kong hinagilap ng tingin si Lucifer. Nakita ko syang nakikipaglaban sa isang demonyo.
May naramdaman akong papalapit sa akin kaya naman agad kong itinaas ang espada na hawak ko para sanggain ang atake nya. Isa syang mababang uri ng demonyo ayon sa laki ng sungay nya. Ginamit ko ang mga pakpak ko para dagdagan ang pwersa ng atake na gagawin ko. Nahati ang espada nya at bumaon ang espada ko sa dibdib nya.
"AAAAAAAAAAHHH!!" sigaw nya bago sya nasunog sa puting apoy at naglaho.
Kapag namamatay ang mga demonyo walang pinupuntahan ang mga kaluluwa nila. Nawawala nalang sila sa mundo. Ang tanging may kakayahan na mapatay sila ay kami, ang mga anghel.
Isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid.
Naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa kung saan. Ilang segundo akong natigilan, ilang minuto akong walang narinig at nanlalabo ang mga mata ko.
Sa unti-unting pagbalik ng mga pakiramdam ko ay unti-unti ko ring naramdaman ang sakit ng katawan ko. Malala ang naging epekto sakin ng pagsabog. Malala ang pagkakabagsak ko. Nadaganan ko rin ang mga pakpak ko kaya hindi ko magawang igalaw sila.
Nanatili akong nakahiga.
Naririnig ko ang mga sigaw ng mga demonyo at anghel na naglalaban. Naririnig ko ang tunog ng mga nagbabanggaang espada nila.
Nakita ko si Gabriel at Miguel na tinutulungan ang ibang anghel na nanghihina na.
May isang anghel akong hinahanap. Ang mahal ko. Si Lucifer. Nasaan sya?
Wala pa akong nakita na kasing perpekto nya. Sya ang pinaka-perpektong anghel na nakita ko. Ang mahal kong Lucifer. Napakaganda nyang pagmasdan habang nakikipaglaban.
Mabilis nyang tinalo ang kalaban nyang demonyo. Lumingon sya sa pwesto ko kanina kung saan ako huling pumatay ng demonyo. Lumapit sya roon at lumingon sa paligid habang hinahanap ako.
"AURA!!" sigaw nya sa pangalan ko.
"Lucifer.." pilit kong isinigaw ang pangalan nya ngunit isang mahinang tawag lang ang nagawa ko.
"May buhay pa palang anghel dito" isang boses ng demonyo ang narinig ko.
Lumapit sya at tumayo sa kung saan ako nakahiga. Pinagmasdan ko sya. May sungay sya na mas malaki kaysa sa ibang demonyo, kulay pula ang balat nya at mas malaki sya kumpara sa karaniwang demonyo. Sya na siguro si Satanas, ang anghel na bumuo ng hukbo laban sa Dyos.
Ito ang ikalawang digmaan na ginawa nya. Hindi namin inaasahan na magiging ganito kalakas ang pwersa nila. Gumawa sila ng paraan para makakuha ng lakas mula sa mga tao.
"AURAAAA!!" narinig kong sigaw muli ni Lucifer.
Tinignan ko kung nasaan sya. Humahangos sya nang takbo papunta sa akin. Nababalot ng takot ang mukha nya habang nakatingin sa mukha ko.
Ngumiti ako sa kanya.
'Huli na ang lahat mahal ko.'
Naramdaman ko ang espada na tumusok sa dibdib ko.
Isang sigaw na puno ng pighati ang narinig ko mula kay Lucifer bago ko ipinikit ang mga mata ko.
'Mahal kita.. Lucifer.. Paalam mahal ko..'
***
Nagising ako bigla at napaupo sa kama. Pinagpapawisan ako at parang tumakbo ako nang napakalayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang totoo.
BINABASA MO ANG
Reincarnation of Lucifer
RomanceIsang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin...