"IT'S BEEN a week since you had a fight with your sister but she's still ignoring you, son?"
"Apparently," sagot ni Rabi sa daddy niya na kasalo niya sa dining table habang kumakain ng breakfast na si Ruma ang naghanda pero dahil galit pa rin ito sa kanya, kumain ito sa kuwarto nito. Mahilig sa karne ang kakambal niya kaya heto, beef tapa at sinigang na kanin ang niluto nito ngayon. Siya dapat ang nakatoka sa pagluluto sa umaga pero dahil sa deal nilang magkapatid no'ng summer vacation, ito na ang umako ng lahat ng house chores niya bilang dagdag sa binabayad nito sa kanya para sa webcomics nito. "But don't worry about it, Dad. You know Ruma can get overdramatic most of the time. Mahihimasmasan din 'yon."
He wasn't convinced himself, though. Kapag nalaman ni Ruma ang dahilan kung bakit gusto na niyang i-drop ang Dazzling World, siguradong magwawala ito. Dahil kambal sila, alam niyang hindi ito mag-ho-holdback at talagang sasaktan siya nito physically. That was how they fight since they were kids after all.
But since I'm mature now, I'll try not to hit her back.
Natawa ang daddy niya habang iiling-iling, saka ito sumimsim muna ng kape bago muling nagsalita. "If that's the case, then I won't meddle anymore. Alam ko namang maaayos din niyong magkapatid ang problema niyo."
Tumango lang siya dahil bukod sa inuubos na niya ang natitirang ilang subo ng sinangag ay tinatamad na rin siyang magsalita.
"By the way, your sister said she doesn't want a party for your eighteenth birthday, too," nag-aalalang sabi ng daddy niya mayamaya. "That surprised me because I know that Ruma has been planning her debut since she was sixteen."
That surprised him, too. Gaya ng sinabi ng daddy nila, matagal nang na-plano ng kakambal niya ang debut nito mula sa dress na isusuot hanggang sa venue ng dream party nito. What made her change her mind?
"Ang sabi niya, cash na lang din daw ang gusto niyang regalo," pagpapatuloy ng daddy niya. "Sigurado ba kayong magkapatid d'yan sa decision niyo? Alam niyo naman na dahil sa sitwasyon ng family natin ngayon, maliit lang ang maibibigay namin sa inyo ng mommy niyo."
Maraming gastos ang pamilya nila nitong nakaraan. Early this year, inoperahan sa puso ang lolo nila sa father side at bilang ang daddy nila ang nag-iisang anak ng mga ito, ang ama niya ang gumastos at gumagastos para sa grandparents nila.
'Tapos, buntis pa ang mommy nila ngayon at maselan daw ang kondisyon nito dahil nasa late thirties na. Kaya nga kahit three month pregnant pa lang ito ay nagdesisyon nang mag-stay sa Tagaytay kung saan mas maalagaan ito ng grandparents nila sa mother side. Ayon kasi sa kanilang ina, hindi raw nito makukuha ang complete bed rest na advice ng doktor nito kung mag-i-stay ito sa bahay.
His mommy was an amazing housewife after all. Dahil do'n, hindi nito mapipigilang kumilos at gumawa ng house chores kung nasa bahay ito kaya sinuportahan ng daddy nila ang desisyon ng mommy nila na sa Tagaytay muna mag-stay.
Pero gabi-gabi naman, hindi pumapalya sa pag-video chat ang mommy nila. Tuwing weekend, nag-da-drive ng malayo ang daddy nila para bumisita sa kanilang ina. Naiiwan silang kambal sa bahay dahil natatakot daw ang mommy nila na baka raw gustuhin na nitong umuwi agad kapag nakita sila sa personal.
"Daddy, hindi maliit ang twenty five thousand pesos each na ibibigay niyo sa'min ni Ruma," pag-console ni Rabi sa kanilang ama na halatang nag-aalala sa feelings nila ng kakambal niya. "To be frank, it's too much for a simple birthday celebration."
Noong hindi pa nila nalalaman na buntis ang mommy nila, nagsabi ang parents nila na ibibigay ng mga ito ang engrandeng dream birthday party ni Ruma. Wala siyang pakialam sa celebration pero apparently, importante daw sa mga babae ang eighteenth birthday. Pero nang malaman na ng mommy niya na buntis ito at maselan ang kondisyon, nagdesisyon ang parents nila na mag-ipon para sa paglabas ng baby dahil hindi naman matatapos ang gastos ng mga ito sa panganganak lang.
BINABASA MO ANG
Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)
JugendliteraturConfident si Ruma na papayag si Rabi- ang smart at talented niyang twin brother- na maging illustrator ng novel na gusto niyang gawing webcomics at isali sa isang contest. Pero ibang writer ang pinili nitong maging partner! So she looked for a new i...