22: Smile

798 38 8
                                    

EVERYONE brought tuna sandwich, huh?

Napapangiti na lang si Ruma sa simple pero genuine consideration na ipinaparamdam sa kanya ng mga kaibigan niya. Kahit na kina Rabi at Beverly ang atensiyon ng mga ito at hindi naman siya kino-console, ramdam pa rin niya ang concern ng lahat para sa kanya.

"Ruma, look!" excited na sabi ni Jasper nang lapitan siya nito habang naglalagay siya ng pansit sa malaking plato. "Pinagawa ko 'to for you."

Binaba muna ni Ruma ang plato sa mesa para harapin si Jasper. Napangiti siya nang makita ang hawak nitong cute sandwich plush. "This is so cute, Jasper!" Niyakap niya ang plush. "Thank you. Pero bakit ako ang may gift? Sina Rabi at Bev dapat ang binibigyan mo."

"As if I'd give a present to your stupid brother," sagot naman nito. "Saka ikaw lang ang babae na gusto kong bigyan ng gift."

Tinawanan niya lang 'yon dahil sanay na siya sa pagiging clingy sa kanya ni Jasper. Maybe he wants Rabi and I to treat him like our sibling, too.

"Ahem," malakas na sabi ng daddy niya nang pumasok ito sa kusina na may bitbit na plastic bag. "Jasper, you're a guest. Do'n ka muna sa sala at kami na muna ng anak ko ang bahalang maghanda ng food niyo."

"Okay, Daddy," masiglang sagot ni Jasper na 'Daddy' at 'Mommy' ang tawag sa mga magulang niya. He was probably that desperate to be their sibling. "See you later."

At lumabas na nga ng kusina si Jasper.

"That kid is stubborn," natatawang komento ng daddy niya habang nilalabas ang mga paper plates, paper cups, at plastic spoon and fork mula sa plastic bag. "Kahit ilang beses na naming sinabi ng mommy mo na 'wag niya kaming tawagin ng gano'n, hindi pa rin siya tumitigil."

"Just let Jasper be, Dad," nangingiti habang iiling-iling na sabi niya sa kanyang ama. "He's an only child. Gusto lang talaga niyang maging kapatid namin ni Rabi."

Mas lumakas ang tawa ng daddy niya. "I'm glad that you still see it that way, Ruma."

"Hmm?"

"Nothing," sagot ng kanyang ama, saka nito binago ang usapan. "Anyway, ilabas mo muna 'yang pansit. Lalagyan ko lang muna ng plastic 'tong mga paper plate."

"Tulungan na kita, Dad."

"I can manage, daughter," nakangiting sabi ng daddy niya, saka nito pinatong ang kamay nito sa ulo niya. "You're already doing an amazing job."

Alam ni Ruma na hindi lang ang pagluluto niya para sa party na 'yon ang tinutukoy ng daddy niya. Pero ayaw niyang maging emotional kaya dinaan na lang niya sa tawa ang nararamdaman niya gaya ng madalas. "Thank you, Dad." Inangat na niya ang hawak niyang plato ng pansit. "Dadalhin ko na 'to sa labas."

"Ruma?"

"Yes, Dad?"

"You know we are proud of you, right?" tanong ng daddy niya. "Your mom and I will always be proud of you."

Nakangiting tumango siya. "I know, Dad. I'm forever grateful for your support."

Her dad gave him a proud smile as if telling her that she did a good job again.

Natawa lang siya, saka siya lumabas ng kusina. Naabutan niya sa sala si Beverly na nagbibigay ng instructions kay Irene (na halatang iritado na at para bang gusto nang ihagis ang hawak nitong SLR camera) para mapaganda raw nito ang pagkuha ng picture dito at kay Rabi.

Habang si Jasper naman, naka-lotus position sa sahig habang tinitingnan ang photo album niya no'ng baby pa sila ni Rabi. Nakalagay lang kasi 'yon sa coffee table kasi gusto ng parents nila na makita agad 'yon ng mga bisita nila.

"Do it properly this time," mariing sabi ni Beverly kay Irene, sabay yakap sa braso ni Rabi. "I want Rabi and me to look good in the picture, okay? Ipapadala ko 'yan sa school publication natin kasi ang sabi ng Features Editor nila, gagawin nila kami ng article."

"You should have hired a professional photographer instead," reklamo ni Irene sa iritado nang boses. "If you complain again, I'm out of here."

"I'll do it, I'll do it!" prisinta ni Ruma dahil napansin niyang magrereklamo rin si Beverly. Kapag nag-away ang dalawang 'to, siguradong merong magwo-walk out. "I'm good at taking photos," sabi niya, saka niya ipinatong ang plato sa coffee table. Pagkatapos, lumapit siya kay Irene para kunin dito ang camera. "Irene, ako na bago mo pa ibato 'tong camera."

"Thanks, Ruma," halatang relieved na sabi ng best friend niya. "Tutulungan ko na lang si Tito sa kitchen."

"You don't have to, Irene," kontra naman ni Rabi. "You're a guest, too."

That seemed to piss off Irene even more. "I'm not just a simple guest, Rabi. As Ruma's best friend, I'm almost like a family here."

At hindi nakapagsalita si Rabi hanggang sa makapasok na sa kusina si Irene.

Ang dense talaga nitong kakambal ko.

"Alright, look here you two," sabi ni Ruma kina Rabi at Beverly na nakatayo sa harap ng dingding nila na may nakasabit na painting. Pastel ang kulay ng mga wall nila at aesthetic ang mga painting at vase sa paligid kaya masasabi niyang maganda ang napiling background ng mga ito. Plus, their house had also nice lighting. "Tapusin na natin 'to para makakain na tayo."

"Tayo naman ang mag-picture after that, ha?" sabi ni Jasper. "I want a new selfie with you, Ruma."

"Sure," pagpayag niya, saka niya inangat ang camera at itinapat ang lense sa mga mata niya. Nasa frame naman sina Beverly at Rabi na magandang tingnan pero parehong nakakatawa ang facial expression. "Hey, guys. Smile naman kayo d'yan. Parang hindi kayo nakapasok sa Top 10 ng W Challenge, eh. I should be the one having that look."

Parang biglang naging awkward dahil sa huli niyang sinabi.

Oops.

"Sorry, that was a terrible joke," natatawang bawi niya. "Anyway, smile a bit."

Ngumiti si Beverly. Halatang hindi 'yon sincere pero dahil maganda ang mukha nito, naging disente pa rin ang resulta ng pagngiti nito.

But her twin brother remained stoic– stoic, but handsome.

Nasa kanya na talaga ang lahat.

She counted one to three before she took the picture.

"Oh, it came out nice," komento ni Beverly nang hawak na nito ang SLR camera at tinitingnan ang kinunan nitong picture. "Buti na lang at hindi blurred. Puro blurred kasi 'yong kuha sa'min ni Irene kanina, eh."

Natawa siya do'n. Irene is probably trembling from anger and jealousy.

"Ruma, let's take a selfie now," sabi ni Jasper habang kinakalikot ang phone nito.

"Move," sabi ni Rabi kay Jasper, sabay tulak sa lalaki nang subukan nitong lumapit sa kanya. But her twin didn't flinch at Jasper's string of curses. Nanatili lang nakatingin pababa sa kanya. "Ruma, we need to talk."

"We can talk later," sabi niya rito dahil hindi niya gusto ang pagiging seryoso nito. "After the party, okay?"

Halatang kokontra pa si Rabi pero buti na lang, nag-ring ang phone niya dahil sa isang text.

"It's Greco," excited na sabi niya, saka niya tinapik ang balikat ni Rabi bago siya naglakad ng mabilis. "Nagpapasundo siya kasi ayaw daw siyang papasukin ng mga guard."

"Ruma–"

"Continue the party," malakas na sabi ni Ruma. "I'll bring Greco ASAP!"

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon