"WHAT'S wrong, Rabi?" tanong sa kanya ni Beverly na nakaupo sa tabi niya pero deretso lang ang tingin sa laptop dahil binabantayan nito ang pagkukulay niya sa costume ng main character nila. "Bigla ka na lang napa-straighten up d'yan, eh."
"I felt a shiver down my spines," sagot naman ni Rabi habang nakahawak sa batok niya. Pero ang kanang kamay niya, patuloy pa rin sa paggalaw sa ibabaw ng drawing tablet. "I only feel this way whenever Ruma is doing stupid things. She must be up to no good again."
"Ohh... is that what they call twins' telepathy?"
"Nah," tanggi naman niya. "Kilala ko lang talaga ang kakambal ko kaya alam kong hindi siya tatagal ng twenty four hours nang walang ginagawang ikakapahamak niya."
"Why don't you just say that you're worried about her?"
"I'm not," mariing kaila niya. "She's with Irene anyway."
"Are you a tsundere?"
He rolled his eyes at that. Ang tsundere eh 'yong mga character na cold sa labas pero eventually eh nagiging warm din naman. "I'm not a 2D character." Huminto siya sa pagkukulay nang matapos niya 'yon, saka niya ginalaw-galaw ang wrist niya para hindi masyadong mangalay. "We're done for today, aren't we?"
"Yeah," pagkumpirma ng babae. "Hindi ka pa natutulog. You should take a break. I don't want you to collapse on me."
"That won't happen. Kilala ko ang katawan ko," sabi niya. "Anyway, I'll walk you home."
Hindi naman siya gano'n ka-ungentleman para hayaang umuwi mag-isa si Beverly ngayong mag-a-ala sais na ng gabi. Isa pa, hindi pa nawawala 'yong takot ng mga residente dahil napasok ang subdivision nila ng magnanakaw nitong nakaraan lang.
"You don't have to," tanggi ni Beverly sa offer niya. "Malapit lang naman dito ang terminal ng mga tricycle, 'di ba?"
"Dadaan din naman ako sa bahay nila Irene para hulihin si Ruma kaya ihahatid na kita," giit niya. "I can't shake off the feeling that my twin sister is being troublesome right now." Inangat niya ang kamay niya at binukas-sara iyon para ma-relax ang mga daliri niya. "My hand is itching to hit her."
"You just miss her," iiling-iling na deklara ni Beverly. "You're a tsundere, Rabi."
"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin," sabi na lang niya para matapos na ang usapan, saka siya tumayo at nag-inat. "Let's go. Baka pagtsismisan tayo ng mga kapitbahay namin kapag nakita kang lumabas ng bahay namin ng ganitong oras. Not that I care. Ayoko lang na kulitin ako ng parents namin kapag nalaman nilang nagpapasok ako ng female schoolmate nang walang ibang tao dito sa bahay."
Tumayo na rin ang babae at sumunod sa kanya. "I understand. I came here unannounced anyway."
Gaya ng sinabi nito, hindi niya inimbitahan si Beverly. Nabigla na lang siya nang nagising siya sa sunod-sunod na pag-doorbell nito kaninang alas-kuwatro ng hapon. Dahil may dala itong coffee at hand sandwich bilang merienda nila, pinapasok niya ito.
Anyway, ipinabago nito sa kanya ang kulay ng costume ng main character nila at binantayan pa nito ang ginagawa niya. Para raw hindi na niya ulit-ulitin ang pag-re-revise ay tiningnan na nito ang lahat ng mga episode na natapos na nila.
"Sorry nga pala kung hindi na kita ma-o-offer na mag-dinner dito sa'min," sabi ni Rabi no'ng naglalakad na sila sa gilid ng kalsada. "Cup noodles lang kasi ang meron sa'min ngayon."
Nakalimutan niyang si Ruma ang nakatoka sa pag-go-grocery ngayong weekend at dahil wala ang kapatid niya sa bahay, hindi rin nito ginawa ang obligasyon nito. Nang sinilip niya ang kusina nila kanina, puro cup noodles lang ang natira sa cupboard.
BINABASA MO ANG
Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)
Teen FictionConfident si Ruma na papayag si Rabi- ang smart at talented niyang twin brother- na maging illustrator ng novel na gusto niyang gawing webcomics at isali sa isang contest. Pero ibang writer ang pinili nitong maging partner! So she looked for a new i...