7: Sunshine Gone

661 36 1
                                    

Author's Note: Advance updates ito kasi magpapahinga muna ako ng one week. Malaking time kasi ang kinakain/kino-consume sa time ko kapag nag-a-update ako sa Wattpad. Kailangan pa kasing i-edit ang mga pino-post ko para mas madaling basahin ng readers. Pasensiya na sa biglaang one week break. Kelangan lang bumawi sa work ko na hindi ko masyadong mapag-focus-an kapag daily ang pag-update ko sa Wattpad. Hope you enjoy the advance updates. Happy reading. Babalik ako sa September 10th. :)

***

"ARE YOU mad at me, Irene?" tanong ni Rabi habang nakahalukipkip siya at nakasandal sa doorframe ng nakabukas na pinto ng classroom ng babae. "You're being extra cold to me."

"Mad is a strong word," sagot ni Irene nang hindi siya nililingon dahil nagbubura ito ng white board. "I'm just upset."

Napabuga siya ng hangin habang iiling-iling. "You really like Ruma, don't you?"

"Yeah, I like her more than I like you."

"That's called favoritism," sumbat niya rito. "Lagi mong kinakampihan si Ruma kahit alam mong ako naman ang tama. You're spoiling her while being unfair to me."

"Because you're mean to her," katwiran ng babae. "Binitawan mo ang Dazzling World niyo para gumawa ng webcomics ng ibang tao. If I were Ruma, I would never forgive you."

"I don't get why you and Jasper are being upset in her place," naguguluhang sabi niya. "Ruma is fine, trust me. I'm her twin brother so I know best."

Tumigil ang babae sa pagbubura ng white board, saka nito binaba sa teacher's desk ang ginamit na bilog na basahan.

Pumasok naman si Rabi sa loob ng classroom habang kinukuha mula sa sling bag niya ang rubbing alcohol na lagi niyang baon. Nang makalapit siya kay Irene, nilabas niya ang maliit na bote at inabot iyon sa babae na kinuha naman agad ang rubbing alcohol mula sa kanya. "Meron din akong wet wipes kung kailangan mo no'n."

Hindi ngumiti si Irene pero nag-soften up naman ang mukha nito habang iiling-iling. "Ikaw lang siguro ang high school boy na may dalang rubbing alcohol at wet wipes sa bag niya. Para kang mommy na laging may baong panlinis ng baby niya, eh."

"If you have a sibling like Ruma, you'll understand. That girl eats like she's five years old. Ah, no." Umiling-iling pa siya for emphasis. "Baka nga mas malinis pang kumain ang mga baby kesa sa kanya, eh."

Tumaas ang kilay ng babae, saka nito sinoli sa kanya ang rubbing alcohol. "So you care for Ruma, huh?"

"It's my responsibility to make sure that she doesn't embarrass herself in public," paliwanag niya habang sinisilid ang bote sa bag niya. "Magkamukha kami kaya kapag nakikita ko siyang madusing, na-i-imagine ko ang sarili ko na gano'n din ang hitsura."

"I grew up with the two of you but I still can't tell if you have a good sibling relationship or not," iiling-iling na komento nito, saka nito kinuha ang backpack nito sa ibabaw ng teacher's desk. Pagkatapos, nilingon nito ang mga kaklase nitong nag-aayos pa rin ng mga armchair. "Guys, I'll go ahead."

"Sure!" sagot ng isang female classmate nito na nag-thumbs up pa. "Enjoy your lovely date with Rabi."

Hindi siya nag-react dahil sanay na siya sa gano'ng assumption ng mga schoolmate nila simula nang nanalo sila ni Irene bilang prom king and queen.

"I'm dating the other twin," deklara naman ni Irene sa flat na boses. Then, she jabbed a thumb at his direction. "Not this one."

Tinawanan lang ng mga kaklase nito ang sinabi nito– halatang sanay na sa mga sinasabing weird ng babae kung minsan.

"You know, people might start believing that you're dating my sister if you keep on saying that," komento ni Rabi no'ng naglalakad na sila palabas ng ABM Building. Alam nito kung saan sila nagkikita ni Ruma kapag uwian kaya kahit hindi niya sabihin, doon ang direksyon nila. "Alam ko namang running joke niyo lang 'yan ni Ruma pero hindi naman lahat ng tao eh mataas ang comprehension. Nasty rumors about you and my twin might spread again."

Nagkibit-balikat lang ang babae. "I don't care–"

"That's not gonna happen again because everyone knows that I'm pursuing Ruma."

Napabuga ng hangin si Rabi nang sumingit sa pagitan nila si Jasper na nagmula sa likuran. Umusad palayo dito si Irene pero hindi 'yon napansin ng lalaki na ginamitan siya ng armlock sa leeg (pero hindi naman seryoso). Bukod sa malaki ang katawan nito kesa sa kanya, wala na rin siyang lakas na lumaban kaya hinayaan na lang niya ito.

"You liar," sumbat sa kanya ni Jasper. "Ang sabi mo kanina, nagpunta sa Burger Patrol si Ruma. I went there but I didn't find her!"

"Ah, really?" komento niya sa flat na boses. "That's strange."

"You lied to me again!" sumbat nito sa kanya. "Bakit ba lagi mo kong nililigaw kapag hinahanap ko si Ruma, ha?"

"You should blame yourself for being gullible," sagot niya, saka niya inalis ang mga braso nito sa leeg niya.

"I know that," pag-amin naman ng lalaki. "Kaya nga nag-decide ako na hanapin at sundan ka ngayon para malaman ko kung saan ang meeting place niyo ni Ruma kapag uwian. You're always hiding your sister from me."

Hindi na siya sumagot nang napansin niyang huminto si Irene sa paglalakad kaya napahinto rin siya para tingnan ang babae. "What's wrong, Irene?"

May tinuro si Irene sa Freedom Park. "It looks like Ruma is being bullied."

"What?!" reklamo agad ni Jasper, saka nito sinubukang sumugod sa mesa kung saan nakita niya si Ruma na may kaharap na kung sino. Likod lang ng babae ang nakikita nila pero pamilyar ito sa kanya. "That's your new partner, isn't she?"

"Yeah, seems like Beverly," pagkumpirma naman niya, saka niya hinawakan sa kuwelyo si Jasper para pigilan ito sa pagsugod. Gano'n din si Irene na halatang tatakbo na sa direksyon ni Ruma. Dahil sa ginawa niya, sabay siyang nilingon at tinitigan ng matalim ng dalawa kaya nagpaliwanag agad siya. "Calm down. Hindi naman tayo sigurado kung binu-bully nga ni Beverly si Ruma, eh."

"You know how dense your sister is," katwiran ni Irene. "Hindi nga niya na-realize na 'yong hostility sa kanya ni Beverly eh form of bullying na rin."

"Bitawan mo nga ko," sabi naman ni Jasper sa iritadong boses. "I need to protect Ruma. Kung wala kang pakialam sa kakambal mo, ako meron!"

Bumuga siya ng hangin habang iiling-iling. "Guys, I know Beverly has an attitude but she's not a bad person. I won't accept her work proposal if I don't like her personality." Binitawan na niya ang dalawa nang mapansin niyang kumalma at na-assure ang mga ito sa sinabi niya. "Masyado lang kayong overprotective kay Ruma kaya hindi niyo nakikita ang bigger picture. Pero ako ang kakambal niya kaya ako lang ang may karapatang maging involved sa kanila." Nang hindi nakakontra sina Irene at Jasper, nagpatuloy na siya. "Stay here. I'll deal with this."

Bago pa magkaro'n ng chance sina Irene at Jasper na kontrahin siya, mabilis na niyang iniwan ang dalawa para lapitan sina Ruma at Beverly.

I'm pretty sure that Ruma is the one bothering Beverly.

Alam naman kasi niya kung ga'no kakulit at ka-annoying ang kakambal niya.

Masyado yata silang seryoso sa conversation nila?

Hindi kasi siya napapansin ng dalawang babae. Hindi niya sigurado kung tahimik ba talaga siyang maglakad o talagang engrossed lang sa pinag-uusapan ang mga ito. Kahit nga na si Ruma na nakaharap sa direksyon niya ay hindi pa siya napapansin dahil nakatingin ito kay Beverly.

And oh, his twin sister looked strange.

Her usual sunny disposition is gone and she looks weird when she's quiet.

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon