"YOU MEAN, hindi ka rin nagpapabayad kay Ate Paisley kahit nag-o-offer naman siya sa'yo na magbabayad siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Ruma kay Greco habang magkaharap sila sa mesa at kumakain ng lunch habang nagkukuwentuhan. "Bakit naman?"
"Because I don't really need extra money?"
Sumimangot siya at marahang pinisil ng mga daliri niya ang ilong niya. "You reek of privilege, Kuya Greco."
Greco obviously forced a laugh to probably conceal his embarrassment. Pero hindi naman nito maitatago ang pamumula ng mukha. "Just thinking about accepting money from my friends feels weird to me. I mean, I don't consider doing my art as a job or career. This is just a hobby I developed while watching my mom work."
Umiling-iling siya. "Ah, rich kids can really be annoying, huh?"
Hindi na siya nagulat na malamang mayaman si Greco dahil bukod sa na-mention naman ni Paisley kanina na anak ito ng owner ng Javier Art School, eh may "yayamanin" vibes na talaga ito. Saka no'ng biglang kumalam ang sikmura niya, nag-aya ito na ililibre siya ng lunch sa paborito daw nitong restaurant.
Pero siyempre, tiningnan niya muna kung anong klase ng restaurant ang sinabi nito gamit ang data ng phone niya. Nang makita niya ang presyo ng mga pagkain do'n, nag-aya siya na sa fast food chain na lang na ilang metro lang ang layo sa pinanggalingan nilang café. Nag-offer si Greco na isakay siya sa luxury car nito pero hindi siya pumayag kaya naglakad lang sila. Hindi siya gano'n ka-careless para sumakay agad sa kotse ng lalaking ngayon niya lang nakilala.
"Did I sound arrogant?" nag-aalalang tanong ni Greco mayamaya. "I'm sorry. Aware naman ako na privileged ako kaya nga hindi ko na sinisingil ang mga kaibigan ko na alam kong wala ng privilege na meron ako. I just want to help them."
"I see. Pero nag-offer naman si Ate Paisley, 'di ba? It means she has budget for it."
"But she has to work part-time to earn extra money," katwiran ng lalaki. "Paisley only has her mom. Scholar na siya simula no'ng nasa high school kami hanggang ngayon nasa college na kami. Although they're an average family and don't necessarily need my help, I'd still want her to save her extra money instead of using it to pay for my service."
Sinubo at nginuya niya muna ang kinakaing chicken fillet bago siya nagsalita. "I'm being offended in Ate Paisley's place. Ngayon lang kami nag-meet pero na-feel ko agad na sincere at nice girl siya. She doesn't deserve this. Pero siguro, hindi na siya nag-insist kasi best friends kayo, eh. Alam niya ang intention mo kahit hindi mo 'yon na-execute sa mas maayos na way."
Nanlaki ang mga mata nito na parang nagulat sa sinabi niya. "You think I offended Paisley when I turned down her offer to pay me?"
"Of course, you did," tumatango-tango at mariing sagot niya. "To be frank, it was really insulting. The intention is nice but still, it was unnecessary. Sometimes, kindness hurts..." Unti-unti siyang natigilan nang mag-flash sa isipan niya ang resting bitch face ni Rabi, saka niya marahang tinapik-tapik ang bibig niya. "Sorry sa pagiging tactless at nosy ko. Ngayon lang tayo nagkakilala kaya hindi dapat kita i-judge. Just forget everything I said." Para ibahin ang usapan, tiningnan niya ang chicken fillet nito (dahil ginaya lang nito ang in-order niya no'ng nasa counter sila kanina) at napansin niyang hindi na nito iyon ginalaw pagkatapos ng dalawang subo. "Bakit hindi mo na ginagalaw 'yang food mo?" Kunot-noong tiningnan niya ang lalaki. "Hindi mo ba gusto ang chicken fillet? Hindi mo na dapat ginaya ang order ko."
Isang awkward smile lang ang sinagot nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya nang may ma-realize siya. "Wait. First time mo bang kumain sa fast food chain?"
"Of course not," mariing kontra naman nito. "But it's my first time to try their chicken fillet. I just usually buy fries or burgers here."
"Hindi mo nagustuhan 'yong chicken fillet?"
![](https://img.wattpad.com/cover/159415891-288-k162286.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)
TienerfictieConfident si Ruma na papayag si Rabi- ang smart at talented niyang twin brother- na maging illustrator ng novel na gusto niyang gawing webcomics at isali sa isang contest. Pero ibang writer ang pinili nitong maging partner! So she looked for a new i...