"RABI, bakit hindi mo kasama si Ruma na makipag-videocall sa mommy niyo kanina?"
"She's busy talking to Greco, Dad," sagot ni Rabi nang hindi inaalis ang tingin sa laptop habang nag-do-drawing siya sa drawing tablet. "But she said she'd call Mom later."
"Ohh... that Greco guy is her new partner, isn't he?" tanong ng daddy niya, saka ito umupo sa kama niya habang kumakain ng tuna sandwich bilang dessert. Yep, dito nagmana ang kakambal niya ng kakaibang taste sa panghimagas. "Magaling ba talaga ang artist na 'yon?"
"Yes, Dad," sagot niya. "Nakita ko na ang mga ginawa niyang illustration for a huge publishing company. Most importantly, his art style suits Ruma's story. Hindi ko pa nakikita ang sample ng ginagawa nilang webcomics pero sigurado akong magko-complement ang art style ni Greco at ang storyline ni Ruma. They're good."
"That's a relief then," sabi ng daddy niya. "Buti sinamahan mo ang kakambal mo na makipag-meet sa artist na nakilala niya sa isang art school. You're a minute younger than Ruma but you act like a big brother to her. That makes me and your mom happy, Rabi."
"A minute gap is nothing, Dad," iiling-iling na komento niya. And I still feel guilty for lying to you and Mom.
Isang linggo na ang dumaan simula nang umalis si Ruma nang hindi nagsasabi sa kanya. Wala namang masamang nangyari dito at nakakilala pa ito ng artist na pumayag maging partner nito kaya hindi siya nagsumbong sa parents nila.
Nang umuwi ang daddy nila kung ano ang ginawa nila ng weekend na 'yon, sinabi niyang sinamahan niya si Ruma sa isang art school para i-meet si Greco. Napagalitan sila ng kanilang ama dahil hindi sila nagpaalam nang lumabas sila ng Bulacan.
But Ruma used her charm to make our parents forgive us without being grounded.
"Son, do you want a new drawing tablet?" tanong ng daddy niya mayamaya. "Medyo luma na 'yang ginagamit mo, 'di ba? Nakita ko 'yong ginagamit na drawing tablet ni Greco no'ng ipakilala siya sa'kin ni Ruma via videocall. Iba 'yon, 'no?"
"Greco uses a display drawing tablet," paliwanag niya. "'Yong mga gano'ng tablet, meron nang monitor wherein puwede nang deretsong mag-drawing ang mga artist."
"That's more convenient, isn't it?"
"I guess."
"We can buy you a new tablet, son," seryosong sabi ng kanyang ama mayamaya. "Plus, I work in a bank. I can get loan anytime so you and your sister don't have to be so considerate about our situation. 'Yong birthday party niyo lang naman ang pinag-aalala namin ng mommy niyo, eh. Pero other than that, we can still spoil you a bit."
"I don't need a new drawing tablet yet, Dad," gentle na tanggi niya, saka niya nilingon ang daddy niya na halatang nakikinig sa mga sinasabi niya. "Saka 'wag kayong ma-guilty ni Mommy kasi as soon as she gives birth to our new sibling, babawi kami ni Ruma. Puwede niyo na kong ibili ng bagong gadget kapag okay na sina Mommy at Lolo."
His father laughed at that. But what he said was half-joke, half-meant. Nagsimula lang naman ang pagtitipid nila no'ng nagbuntis ang mommy niya kasabay ng pagkaka-ospital ng lolo nila. Pero blessing in disguise na rin siguro 'yon kasi natuto silang magtipid ng kakambal niya. Marami rin naman silang ipinapabili noon sa parents nila pero parati naman nilang sinisiguro na hindi sobrang mahal ng mga gusto nilang material things.
"Alright, sasabihin ko 'yan sa mommy niyo," sabi ng daddy niya, saka ito tumayo at nilapitan siya para tapikin sa balikat. "Son, don't stay up too late. Saka mayamaya, katukin mo na rin si Ruma at patulugin. She yelled at me when I tried to enter her room while she's talking to that Greco guy."
"You should have whacked her in the head, Dad," iiling-iling na sabi niya. "Masyado niyo kasing ini-spoil 'yang si Ruma kaya lalong nagiging brat."
Tinawanan lang 'yon ng daddy nila na masyadong soft-hearted pagdating kay Ruma. Saka hindi niya maalala na pinalo sila ng kanilang ama kahit no'ng bata pa sila. "Rabi, hindi mo pa rin ba sinasabi kay Ruma ang tungkol sa 'plano' mo?"
"She doesn't need to know, Dad."
"Alright, son," sabi ng kanyang ama. "Good night."
"'Night, Dad."
Nang lumabas ang daddy niya ng kuwarto niya, tinapos niya muna ang pag-i-ink sa panel na tinatrabaho niya. Pagkatapos, tumayo siya at nag-inat. Hindi na siya nag-abalang kumatok sa adjacent door bago niya 'yon binuksan. Gusto niyang hulihin off-guard sina Ruma at Greco. Wala na siyang pakialam kung rude 'yon.
"Hey, Ruma–" Natigilan si Rabi nang pagpasok niya sa kuwarto ni Ruma ay naabutan niya itong nakadapa sa kama habang natutulog. Pero ang laptop na kaharap nito ay bukas pa rin. In fact, nakita agad niya sa screen ang mukha ni Greco. "She slept on you."
"Yeah, she did," natatawang sagot ni Greco. "Nakatulog siya while I was showing her the light novels I promised to give her."
"Bukas na ang gising niyang si Ruma kaya 'wag mo na siyang hintayin," sabi niya rito, saka siya lumapit sa kama para alisin ang laptop sa ibabaw ng unan. Pagkatapos, nilapag niya iyon sa bedside table kung saan makikita pa rin naman sila ni Greco habang inaayos niya ng higa ang kakambal niya. Well, kung inaayos ngang matatawag ang pagpapagulong niya kay Ruma hanggang sa nakahiga na ito at hindi nakadapa. "It's 10PM now, Greco. Hindi mo dapat pinapatagal ng ganito ang videocall niyo ni Ruma kapag weekdays kasi maaga pa ang pasok namin. Our schedule isn't as flexible as college students like you, you know."
"Ah, right. I'm sorry. I'll keep that in mind."
"Kumusta na pala ang comics niyo?" tanong niya habang nilalagyan ng comforter si Ruma dahil malamig na ang kuwarto nito mula sa nakabukas na AC. Nang masiguro niyang komportable na ang puwesto ng kakambal niya ay umupo siya sa edge ng kama at hinarap si Greco. "May natapos ka na ba?"
"Yes. Nakaisang episode na ko," nakangiting sagot nito. "Sinend ko na kay Ruma ang copy at wala naman siyang ipapabago. Pero gusto niyang maka-dalawang episode muna ako bago niya i-post sa Webkomix ang story namin. Do you want to see it?"
"Nah," tanggi niya. "She'll probably show it to me tomorrow morning. Maiinis 'yon kapag nakita niyang hindi na ko nagulat."
"I'm jealous that you see her everyday."
Sumimangot siya. So, Jasper wasn't the only guy who finds his sister attractive, huh? Pero dahil ayaw niyang i-acknowledge 'yon, pinigilan na lang niya ang sarili niyang mag-comment. Baka kasi hindi rin aware si Greco na obvious ang pagka-crush niya sa kakambal ko.
"Anyway, I heard from Ruma that you're going to launch your webcomics this weekend," sabi ni Greco mayamaya. "I already made an account in Webkomix. I'll definitely subscribe to your story as soon as it gets published."
"Oh, thanks," sincere na sabi niya. "That will be a huge help."
"Are you also collaborating with your writer?"
Tumango siya. "I don't know if Ruma is aware of this but if we win, Beverly and I will split the cash prize to the two of us."
Hindi naman kasi lahat ng desisyon niya sa buhay eh sinasabi o kinukunsulta niya kay Ruma dahil lang kambal sila.
Napangiti ang lalaki habang iiling-iling. "You sound confident, Rabi. Ganyan ba kalaki ang tiwala mo sa story ng writer mo kaya mas pinili mo siya kesa sa kakambal mo?"
"Yeah, and you should do the same," sagot niya. "Tinanggap mo ang pitch ni Ruma kaya ina-assume ko na malaki rin ang tiwala mo sa story niya."
"That's correct," pagkumpirma nito. "Ruma said that this is a competition between you and her. I don't want's on the line but I'll definitely help her win against you, Rabi."
Ohh, he's declaring war.
"I don't intend to lose to anyone– especially not to my twin sister," sabi niya. "Good night, Greco. Sasabihan ko na lang si Ruma na mag-sorry sa'yo bukas kasi tinulugan ka niya."
"Thanks, Rabi, but please don't scold Ruma. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya napuyat," nakangiting sabi ni Greco. "Good night and see you soon."
And right after saying that, the videocall ended.
"'See you soon?'" iritadong pag-uulit ni Rabi sa huling sinabi ni Greco kanina. "What the hell does it mean?"
BINABASA MO ANG
Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)
Подростковая литератураConfident si Ruma na papayag si Rabi- ang smart at talented niyang twin brother- na maging illustrator ng novel na gusto niyang gawing webcomics at isali sa isang contest. Pero ibang writer ang pinili nitong maging partner! So she looked for a new i...