3: Rival

1.2K 50 5
                                    

"YOU REALLY don't know when to give up, huh?"

Tinawanan ni Ruma ang sinabing 'yon ng best friend niyang si Irene habang magka-holding hands sila at naglalakad sa hallway. Nasa ABM Strand ito dahil pangarap nitong maging tax accountant. Pero kahit magkahiwalay sila ng klase, nagkikita pa rin sila tuwing uwian para mag-hang out kapag hindi sila busy. Just like today. "We're twins so we're supposed to succeed together. Walang sense ang paggawa ko ng webcomics kung hindi si Rabi ang artist ko."

"Is Rabi really interested to be a comic artist?" curious na tanong ni Irene mayamaya. "I mean, I know he's good at drawing since we were kids. Pero ang akala ko, mas gusto niyang maging engineer kaya nga sa STEM Strand siya nag-apply, 'di ba?"

"Rabi is good at everything he does and he probably just chose STEM because he doesn't want to be in the same strand as me," natatawang sabi niya. "Why do you know so much about Rabi. Huh, Irene?"

"We grew up together, duh," paalala nito sa kanya. "Both of you are my childhood friends. Nasubaybayan ko kayo kaya kahit ayoko, kilala ko na kayong magkapatid."

Lalo siyang natawa dahil may point ito. Sa isang subdivision lang sila nakatira at 'yong pinakamalaking bahay do'n ang tinitirhan ni Irene. Ang pamilya kasi nito ang may-ari ng subdivision nila. Nasa real estate din ang family business nito kaya masasabi niyang prinsesa ang best friend niya simula pagkabata.

And she really looks like a princess.

Irene had long and silky black hair, fair complexion, and slender figure that most girls envied, including her. Bukod do'n, maganda rin ang mukha nito. 'Yon nga lang, nakaka-intimidate ito dahil gaya ni Rabi, may "resting bitch face" din ang babae.

That's why she's called the Ice Princess.

"Irene, do you like Rabi?" biglang tanong ni Ruma. "I just remembered that you and my brother won as prom king and queen last year. Then, our schoolmates began calling you as the 'Ice Couple' after that night."

"Of course not, you dummy," cold na tanggi ni Irene pero namumula naman ang mga pisngi nito. "Rabi is like a bro... ther..."

"You don't have to force yourself to say that Rabi is like a brother to you if he isn't," nakangiting sabi niya sa best friend niya. "Hindi na kita tutuksuhin."

Her best friend just rolled her eyes at her. "Hmp."

Hindi na siya nag-comment dahil mabilis mapikon si Irene kapag tinutukso niya kay Rabi. Saka para sa kanya, biruan lang 'yon. Hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling magkatotoo ang pang-aasar niya. Pero malamang, kumontra siya.

My angel Irene is too good for my annoying brother.

"Rabi!" masiglang bati ni Ruma sa kakambal niya pagpasok niya sa classroom nito. Uwian na rin ng klase nito at nagsisilabasan na ang mga estudyante. Binitawan niya ang kamay ni Irene para makatakbo siya papunta kay Rabi na biglang tumayo at sinalubong siya habang matalim ang tingin sa kanya. Oops... did I do something wrong?

"Ruma Agustin," cold na bati sa kanya ni Rabi, saka siya nito kinutusan sa ulo na ikinareklamo niya. "I told you not to run, didn't I? What are you, a ten?" Pagkatapos siya nitong sungitan, nilingon naman nito ang male classmates nito sa tabi ng bintana na napansin niyang nakatingin sa kanya. "Stop staring."

"Let them stare," sabi naman niya. "I'm cute so it can't be helped."

Hinarap siya ng kakambal niya para tingnan ng masama. "You–"

"Let me do the honors, Rabi," sabi ni Irene nang tumayo ito sa tabi niya, saka siya binigyan ng mahinang karate chop sa ulo. "They're not staring at your face, stupid."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon