16: "Interview"

694 37 8
                                    

"SO, MAGKA'NO ang singil mo kay Ruma?" seryosong tanong ni Rabi kay Greco habang magkaharap sila sa mesa ng maliit na dining area ng condo. Meron silang tig-isang cup ng kape na pina-deliver pa nila kanina. Sa gitna naman, nakalagay ang plato na naglalaman ng dalawang tuna sandwich. "Kilala ko ang kakambal ko kaya alam kong hindi siya gano'n ka-shameless para hindi magbayad sa'yo."

Speaking of her stupid twin sister, he asked her to wait in the room and write a reflection paper. Nakadepende sa isusulat nitong apology letter ang bigat ng parusang ibibigay niya rito kaya sigurado siyang sineseryoso ng kakambal niya ang pagsusulat ngayon.

And that's exactly what I want while I'm interrogating this dude.

"I asked her to pay me the exact amount she used to give her former artist," nakangiting sagot ni Greco. "Ah, nakalimutan ko palang itanong sa kanya kung magka'no 'yon."

"She used to pay me five hundred pesos per episode," sagot niya na halatang ikinagulat nito. "Yeah, I'm her former artist."

"You asked her to pay you?"

"Yeah, why?"

"But she's your twin sister..."

"So what?" tanong niya. "Am I supposed to do free things for her just because we're twins? I'm doing this to earn money, you know."

"You're too scary for your age, Rabi," natatawa pero halatang kabadong komento nito. "Shouldn't you show me some respect since I'm older?"

"You're older?" gulat na tanong niya. "Why is an older guy like you letting my sister wrap him around her fingers, huh?"

Bago siya umalis ng Bulacan kanina, na-i-"report" na sa kanya ni Irene ang ginawang plano ni Ruma. Ibinigay din nito sa kanya ang address at eksaktong room number ng unit na tinutuluyan ng kakambal niya.

As soon as he got all the information he needed from Irene, he went home to change clothes and bring his ATM card. Pagkatapos no'n, saka siya umalis ng bahay.

Mahigit isang oras siyang nakasakay sa bus at pagbaba niya ng terminal, nag-taxi na siya para mas mabilis kahit pa malaki ang binayaran niya. Pagdating niya sa condo building, dumeretso agad siya sa kuwarto ni Ruma. Pero nakailang doorbell na siya ay wala pa ring sumasagot. Kahit ang mga text at tawag niya ay hindi rin sinasagot ng kakambal niya.

Pero pagkatapos lang ng limang minutong paghihintay ay dumating na si Ruma.

With this suspicious dude.

"I just genuinely want to help Ruma," sagot ni Greco, saka ito sumimsim muna ng kape bago nagpatuloy. "Your sister helped me out earlier. I simply wanted to return the favor."

"Five hundred pesos per colored episode with 30-40 panels each isn't enough and as an illustrator, you know that," sita ni Rabi dito. "Sabihin mo sa'kin kung magka'no ang totoo mong talent fee. Ako na ang magbabayad ng kulang. 'Wag mo na lang 'tong sasabihin kay Ruma."

"But why would you do that?"

"Because I don't want my sister to be indebted to you," deretsong sagot niya. "Mas lalo na ang mabaon siya ng utang sa'yo. Malay ko ba kung modus mo lang 'to. Ayoko namang dumating ang time na singilin mo siya sa ibang paraan."

"You two are really twins," iiling-iling na komento nito. "Ganyan ba talaga kahirap para sa inyo ang magtiwala sa ibang tao?"

"Sigurado akong hindi lang kami ang ganito mag-isip."

"Wala akong masamang plano kay Ruma."

"I still find it hard to believe," matapat na sabi niya. "Ngayon lang kayo nagkakilala ng kakambal ko pero ganyan ka na kabait sa kanya? Hindi joke ang pagiging illustrator kaya hindi ko ma-gets kung bakit sobrang lenient mo pagdating sa pera."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon