24: Big Ugly Fight

1.9K 64 27
                                    

Last update for 2018. Happy New Year!

***

THAT BRAT definitely cried last week.

Nakasimangot si Rabi habang nakaharap sa full-length mirror ng kuwarto niya at tinutuyo ng tuwalya ang buhok niya. Isang linggo na ang dumaan simula no'ng party niya pero hindi pa rin sila nakakapag-usap ni Ruma. Halata kasing iniiwasan siya ng kakambal niya.

Why is she avoiding me? But why?

Nang dumating sina Ruma at Greco no'ng party, halata ang pamamaga ng mga mata ng kakambal niya kahit pa umaarte ito na walang nangyari. Kahit si Jasper, sinubukang hamunin ng away si Greco dahil iniisip ng lalaki na si Greco ang nagpaiyak sa kapatid niya. Pero dahil nando'n ang daddy nila na nag-host ng party, wala nang nagtangkang magtanong kay Ruma.

Pagkatapos no'n, iniiwasan na rin ng kakambal niya na maiwan silang dalawa lang. Kapag nasa school sila, madali siya nitong naiiwasan. Kapag nasa bahay naman sila, nagkukulong lang ito sa kuwarto at lumalabas lang kapag dumadating na ang daddy nila.

But now that Dad is in Tagaytay with Mom, I won't let her escape.

Dederetso na sana siya sa kuwarto ni Ruma pero natigilan siya nang tumunog ang notification ng nakabukas niyang laptop. Nakabukas na 'yon kasi ganitong oras nagvi-videocall ang mommy at daddy nilang magkasama sa Tagaytay kapag weekend.

Pero galing sa Webkomix ang notification na natanggap niya at hindi sa videocalling app. Naka-subscribe siya sa Lady Lie Detector kaya nakakatanggap siya ng notification kada update.

Why now?

Nagulat siya sa dahil Saturday night pa lang niyon. Tuwing Sunday ang update ng Lady Lie Detector nito at ni Ruma.

"... we're taking a break."

"What?" hindi makapaniwalang bulong ni Rabi sa sarili nang mabasa ang note sa update. Mahaba ang message pero ang main point, ihihinto raw muna nina Greco at Ruma ang pag-a-update. In short, magha-hiatus ang mga ito. She didn't mention this to me!

Nagpunta siya sa kuwarto ni Ruma gamit ang adjacent door nang hindi kumakatok. Naabutan niya ang kakambal niyang naglalagay na ng face mask habang nakaupo sa harap ng dresser nito.

"Oh, hi, brother," masiglang bati sa kanya ni Ruma habang nakatingin ito sa reflection niya sa katapat nitong vanity mirror. "Bakit ka nandito? Nag-alarm na ko sa phone ko kaya hindi mo na kailangang mag-stay dito para tanggalin ang mask ko."

"Bakit magha-hiatus kayo ni Greco?" sita agad ni Rabi dito para hindi na ito makatakas sa usapang 'yon. "What's wrong?"

"We're just taking a break, Rabi," natatawang sabi nito. "Why are you so worked up?"

"Why are you taking a break?" naguguluhang tanong niya. "LLD is doing great, isn't it? Nakakahinayang naman kung ngayon pa kayo magha-hiatus. Busy ba si Greco ngayon kaya hindi na niya maasikaso ang pag-i-illustrate?"

"No, he's not busy–"

"'Wag mo na siyang ipagtanggol, Ruma," saway niya rito. "Kung hindi na kaya ni Greco na ituloy ang pagiging illustrator mo, then I'll take over. Normal lang naman sa webcomics ang magbago ng art style, eh. I-explain mo na lang ang sitwasyon sa readers mo."

"You can't do that," natatawang sabi nito. "Bev will kill you. Alam mo namang ayaw niyang na-di-distract ka, eh. Baka isipin niyang magsa-suffer ang quality ng Project Eve niyo kung gagawin mo rin 'yong LLD ko. Lalo na ngayong nakapasok na kayo sa Top 10." Tumayo ito at humarap sa kanya habang nakapamaywang pa. "Saka you really have to focus on your work. Sa November na i-a-announce ang final winners sa bawat genre. 'Yong pagpili sa Top 10 eh binase sa dami ng views, votes, at comments. Pero sa pagpili ng Best 3 sa November, 30% na lang ng criteria ang views, votes, at comments. 20% naman sa art style kaya mas kailangan mong galingan ngayon. 'Yong remaining 50%, nakasalalay na sa editorial staff at big boss ng Webkomix. Meaning, they're actually going to read your works and criticize your story this time. Kaya kailangan niyong i-maintain ang quality ng Project Eve– both the art style and storyline."

Our Sixty-Second Gap (Published/Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon