Tired 😢

7 0 0
                                    

Alam mo? Napapagod na ako
Napapagod na ako sa kaka laro mo
Napapagod na ako sa pag papanggap mo
Na mahal mo ako
at mas lalong napapagod na ako
Na paglaruan mo

Hindi naman kase ako laruan
Na kung saan tapos na itatapon nalang
Hindi rin ako sugulan
Para pag pustahan
At mas lalong hindi ako damit
Na kapag sawa kana papalitan mo ng ganun nalang

Hindi naman ako computer
Na kung kelan ayoko na ma rereformat
Hindi rin ako isang memory card
Na kung napuno na ibubura nalang
At mas lalong hindi ako gadget na kung saan sawa kana
Papalita mo ng mas maganda

Sana sinabi mo nalang
Sana ipinaalam mo nalang
Para aware naman ako
Aware sa mga gagawin mo
Sa mga kalokohan mo
Para hindi naman ako nagmukhang tanga
Na kakaisip na may namamagitan sa ating dalawa
Ngunit hanggang imahe lang pala
Hanggang panaginip lang lahat
Lahat ng aking nadama

Nakakatawa talaga
Ipanag mukha mo akong tanga
Tanga sa lahat ng bagay
Mga bagay na akala ko totohanan na
Yun pala lokohan lang pala
At masasabi ko na
Wala ka talagang ipinag kaiba
Sa mga manloloko kong kakilala
Ngunit anong magagawa ko?
Tapos at wasak na
Tapos na tayo at
Wasak na ang puso ko

Kaya paalam na
At sa susunod nating pagkikita
Sisiguraduhin kong wala na
Wala na ang dating iyong nakilala
at nagbago na
Dahil sa kalokohang iyong ginawa
At sa pagtapo nating muli
Akoy nakaahon na
Naka ahon sa sakit na nadama.

ThoughtsWhere stories live. Discover now