[[CLASSROOM]]
Uupo na sana ako sa upuan ng...
'KNOCK! KNOCK! KNOCK!'
May kumatok ng sobrang lakas sa pinto at halos mabingi na ako dun sa lakas nung katok.
'Huta, kaylangan bang kumatok ng malakas ha? pwede naman mahina lang eh...'
"SAGLIT LANG HO, USO PO MAGHINTAY, PATIENCE LANG PO ANG KAYLANGAN HA, KAYA MAGHINTAY KAYO, TSAKA DI PO NAKA-LOCK YUNG PINTO, PEDE NYONG BUKSAN YAN, HAYYYSSSS" sigaw ko para marinig nung kumakatok
Bubuksan ko na sana yung pinto pero...
"IKAW!!" sigaw ni... 'Suran'
"Tsk, ano nanaman ang kaylangan mo sakin Suran?" inis na sabi ko sa kanya
Lumapit sya sakin pero lumayo ako hanggang sa ma-trap ako dun sa pader.
"IKAW!" sigaw nya ulit
"AKO NGA!" Sigaw ko din
Sasampalin nya na sana ako pero hindi nya to itinuloy.
"NAKITA MO KO KANINA KASAMA YUNG LALAKI NOH?!" sigaw nya, aba'y kingama naman at bakit sigaw toh ng sigaw? parang naka megapown na si ateng ha, putanginer lang talaga nakakabingi lang, akala mo parang binge yung sinisigawan eh, di nagiisip ih, sira utak nya huehue di na gumagana -___-...
"Tsk, ano bang meron at bakit kaylangan mong sumigaw ha? hindi naman ako binge ah? pero mabibingi na ako dyan sa pagsigaw mo, sisirain mo ba ang mga tenga ko? or sadyang gusto mo lang sumiga---"
Hindi ko na natuloy yung sinabi ko dahil bigla nya ako sinampal ng malakas, hinawakan ko yung pisngi ko na sinampal nya, sobrang sakit nung sampal nya, parang nasusunog na yung pisngi ko dahil sa lakas ng sampal nya, pinigilan ko yung pag-iyak ko dahil sa sobrang sakit nung pagkasampal nya sakin. Ayaw ko ng umiyak at ipakita ng mahina ako pag nandyan sya, ayaw kong ipakita na weakness ko sya, ayaw kong ipakita na humihina ako dahil sa kanya.
"HOY! Wala kang karapatan para hindi ako respetuhin at insultuhin ako ha! at tinatanong kita kung nakita mo ko na may kasama na ibang lalaki!" inis na sigaw nya
Hindi ako nagsalita dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Sasagot ka o hindi?!" inis na sigaw nya
"O--oo" nagawa ko paring magsalita
Ngumisi sya at sinabi na "Well, kung nakita mo ko dun na nakikipag-halikan sa ibang lalaki, wala lang yon..."
Tumango ako at nagsalita ulit sya "At wag na wag mong sasabihin yung lahat ng nakita mo kay Yoongi, kahit na tanungin ka pa nya" Tumango ulit ako, hindi na ako nagsalita dahil hindi ko talaga kaya, sobrang sakit talaga nung pagkasampal nya sakin.
"Dahil pag sinabi mo lahat nung nakita mo kanina sa kanya, hindi lang sampal ang aabutin mo, at mas malakas pa kaysa sa sampal ko kanina, at mas lalong masakit pa, naiintindihan mo!" sigaw nya
Tumango ulit ako,
"Hindi pa tayo tapos Y/n." Sabi nya at umalis na.
Nung pagka-alis nya ay dun ko binuhos lahat nung luha ko, hindi ko na talaga mapigilan, hindi ko talaga magawang pigilan, yung sakit, yung nararamdaman kong sakit everytime na nanjan sya, sadyang mahina lang talaga ako pag nanjan sya, tama nga yung sinabi nya, WEAK lang talaga ako.
Umupo ako sa sahig, hawak-hawak parin ang pisngi, umiiyak parin, at sumasakit parin.
Narinig ko na bumukas yung pinto,
"Y/N!"
Yung boses na narinig ko, alam ko yung boses na yun...
'Yoongi...'
BINABASA MO ANG
My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FF
Fanfiction"Kailan ba ako magigising sa REALITY? "