Chapter 31

691 22 6
                                    

Y/N's POV

Kakatapos lang ng klase nyo at hinatid ka ni Yoongi sa bahay nyo dahil nauna na si Taehyung at may pinuntahan kasama ang mga ibang kaibigan nya.

Ngayon ay maayos na ang lahat---

Well, hindi naman lahat...

May nararamdaman ka na parang hindi pa okay ang lahat.

Maybe, kayo lang ni Yoongi ang okay...

'Hindi ko alam...'

Pero one hundred percent sure ka na hindi pa talaga okay o maayos ang lahat.

Parang may strange feeling o may strange thing na nagsasabi sayo na parang...

Maghintay ka lang...

Dahil may babalik parin sayo...

'Urrrghhh...'

Pinikit mo ang mata mo at inalis lahat ng mga iniisip mo ngayon.

Ayaw mo mag-isip ng ganito lalo na at maayos na kayo ni Yoongi.

Pero hindi mo magawang mapigilan ang sakit ng mga sugat na natanggap mo galing kay Suran.

Halatang-halata ang mga marka ng kanyang kuko sa braso mo dahil sa sobrang higpit ng hawak nya sa at parang pagkagat na ang nararamdaman mo kanina.

Masakit parin ang ulunan mo dahil sa malakas na pagsabunot ni Suran sa buhok mo.

At nanginginig parin ang mga paa mo sa takot dahil baka bigla ka nalang lapitan at saktan ni Suran.

Pero hindi na yun mangyayari.

Andyan lang si Yoongi.

Andyan lang sya para tuparin ang kanyang pangako na po-protektahan ka nya.

Ngumiti ka nalang at tiniis ang sakit at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa bahay nyo kasama si Yoongi.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na din kayo sa bahay nyo.

Binuksan mo ang pinto at pinapasok si Yoongi sa loob.

"Pumasok sila tita?" Tanong ni Yoongi at tumango ka lang, hindi ka nakapagsalita dahil sa sobrang sakit parin ng braso at ng ulunan mo.

Sinusubukan mong maging okay at ipakitang okay ka lang kay Yoongi para hindi na sya mag-alala ng masyado kaso nararamdaman ni Yoongi na hindi ka makagalaw ng maayos.

Pupunta ka na sana sa taas papunta sa kwarto mo pero bigla nyang hinawakan ang braso mo, kaya napatalon ka at natulak yung kamay ni Yoongi.

"A-ah sorry..." Mahinang sabi mo at tumalikod para ipagpatuloy ang paglakad mo kaso hinawakan nya yung kamay mo kaya lumingon ka sa likod para tingnan sya.

"Is there something wrong?..." Sabi nya.

Hindi ka nakapag-salita at tinuloy ang pagtitig sa mga mata ni Yoongi.

Somehow, ay nawawala ka just by staring at his sparkling eyes.

Hindi ka nakakapag-isip ng maayos dahil sa mga mata nya na nagniningning pabalik sa mga mata mo.

"Wala naman..." Bulong mo at narinig nya parin yun.

"Y/N, sabihin mo yung totoo..." Nag-aalalang sabi nya.

Kitang-kita mo ang pag-alala sa mukha nya at halatang hindi nya ito maitago.

Umiwas ka ng tingin sa kanya at pinikit ang mga mata mo para hindi nya makita at mapaghalataan ang nararamdaman mo.

My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon