Chapter 20

617 29 9
                                    

AUTHOR's POV

"I'm such a stupid person for LIKING YOU..." bulong mo pero alam na alam mo na rinig nya yun.

Yumuko ka at nilabas ang mga luha na pinipigilan mo kanina pa.

Alam mong nakatitig lang sya sayo, nararamdaman mo yung titig nya, yung titig nya na parang tumatagos sayo, yung titig nya na nakaka-paralyze ng tao.

Nandun lang sya nakatayo, nakatitig sayo at hindi alam kung anong gagawin, hindi nya alam kung magsasalita ba sya o hindi, hindi nya alam kung lalapitan ka nya, hindi din nya alam kung aalis na sya. Pero parang ayaw nyang umalis dun sa kinatatayuan nya, hindi din sya makagalaw.

Nabigla ka din dun sa sinabi mo na NAGUGUSTUHAN MO SYA, parang hindi mo na alam kung anong gagawin mo nung nasabi mo yun. Wala ka ng magagawa dahil nasabi mo na yun, hindi mo na yun maibabalik, narinig nya na rin yun.

Sa sobrang inis mo at sa sakit na nararamdaman mo, hindi mo na namamalayan na may nasabi ka na ayaw mong sabahin, hindi mo na ma-control yung sarili mo sa pagsabi ng mga ayaw mong sabihin, hindi mo na din mapigilan yung sarili mo na masabi yun.

Nailabas mo na kung ano yung nararamdaman mo, na nagugustuhan mo nga sya, na nagseselos ka din pag kasama nya si Suran, kaya nung nalabas mo na lahat nung tunay nararamdaman mo, parang wala na yung sakit na nararamdaman mo sa puso mo, dahil sinisisi ka nga nung puso mo, kung bakit madami kang nararamdaman sakit, kung bakit ka nasasaktan, dahil alam mo ngang may iba na sya, bakit ka pa aasa? bakit mo sya nagustuhan?

"W-what?... You l-like me?" sabi ni Yoongi, halatang nauutal sya dahil dun sa sinabi mo.

"I---... no.." binulong mo yung last word na sinabi mo, hindi mo alam kung anong sasabihin at gagawin mo

Iniwasan nya yung pagtitig nya sayo at ngumisi lang.

Tinitigan ka nya ulit at huminga ng malalim.

"Y/n..." bulong nya, yung boses nya na parang napaos, yung expression nya na parang nakakita ng multo.

May gusto syang sabihin sayo pero ayaw nya sabihin, ang dami kasi nung iniisip nya kaya hindi nya alam kung ano yung unang sasabihin nya sayo, naguguluhan na sya kung ano ba ang gagawin nya, kung ano bang sasabihin nya.

Wala na syang masabi maliban lang sa pangalan mo, iniisip nya kase na baka masaktan ka pag sinabi nya sayo yung gusto nyang sabihin, natatakot sya na masaktan ka, natatakot sya na baka pag nasaktan ka nya, baka lumayo ka na sakanya, natatakot sya na baka hindi ka na makipagkaibigan sakanya, natatakot sya na baka mas lalo pang mabasag yung puso mo.

Hindi lang ikaw ang natatakot, pati din sya natatakot.

Parehas kayo na may takot na MASAKTAN ANG ISA'T-ISA.

Pero kailangan nya talagang sabihin yung gusto nyang sabihin sayo.

Alam nyang masasaktan ka pero kailangan nya talagang sabihin.

Dahil pag hindi nya ito sinabi sayo, baka mas lalo ka pang masaktan, baka mas lalo pang mabasag ang puso mo. Mas lalo ka pang aasa dahil hindi ka nya pinipigilan sa pagkagusto mo sa kanya.

Huminga ulit sya ng malalim at lumapit ng konti sayo. Naramdaman mo sya na lumapit sayo kaya lumayo ka agad, nakayuko ka parin, ayaw mong ipakita na umiiyak ka dahil lang sakanya.

"Y/n... Alam kong masasaktan ka..." sabi nya ng mahinhin.

Hinawakan mo yung uniform mo at hinigpitan ang hawak mo dito, sa sobrang higput nung hawak mo ay bumabakat na yung mga ugat sa kamay mo.

Alam mo na masakit yung sasabihin nya pero kailangan mong tiisin yung sakit, wala ka ng magagawa kundi tiisin nalang yung bawat salita na lalabas sa bibig nya.

"P-pero..." bulong nya, ayaw nyang ituloy dahil hindi pa sya handa na sabihin yun sayo.

Kinagat mo yung labi mo, sa sobrang lalim ng pagkagat mo ay naramdaman mo na may dugong pumatak sa labi mo.

Huminga ulit sya ng malalim at pinikit yung mga mata nya, hindi nya muna ito binuksan.

Hindi ka parin tumitigil sa pag-iyak mo at halos malunod ka na sa mga luha na sunod-sunod na lumalabas sa mata mo.

"M-meron akong iba, alam mo naman yun eh, I felt guilty dahil nasaktan kita, I felt sad dahil nakasakit ako ng tao, at unknowingly mas lalo ko pang nabasag ang puso mo, I'm really sorry Y/n, But I just wanted you to know that I like you too, but we're only friends, I already have a girlfriend, and baka pag nalaman nya na nililigawan kita, masasaktan din sya, but hindi sya yung nasaktan ko eh, ikaw and I'm really sorry for hurting your feelings, ayokong masaktan yung gf ko at ayoko din na masaktan yung kaibigan ko pero nasaktan kita, Now I hate myself for hurting my friend's feeling." sabi nya ng mahinhin.

Mas masakit pa yung sinabi nya kaysa dun sa sinabi sayo ni Suran, mas masakit pa yung sinabi nya, kaysa dun sa sampal sayo ni Suran. Nabasag nanaman yung puso mo at parang hindi na ito mababalik sa dati, hindi na ito maaayos.

"I'm really sorry fur hurting you..." sabi nya at yumuko sya, nahiya ya dahil dub sa sinabi nya, imbis na umalis na sya at samahab si Suran, andun parin sya sa room, nakatayo lang sya dun habang nakayuko, hindi din sya makagalaw, ayaw ka nyang iwanan, imbis na si Suran yung kasama nya dapat ngayon, ikaw parin yung pinili nya, gusto ka nyang lapitan at yakapin pero ayaw nya gawin, natatakot sya dahil baka pag niyakap ka nya lalayuan mo sya, at magagalit sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na yakapin ka nya for one last time, baka kasi hindi na sya lumapit ulit sayo.

Nilapitan mo nalang sya at agad-agad na niyakap.

Nanlaki ang mga mata nya dahil bigla mo nalang syang niyakap.

Sinandal mo yung ulo mo dun sa dibdib nya, at umiiyak ka parin.

Pinakinggan mo yung pintig ng puso nya na parang melody sa mga tenga mo.

Ayaw mong bumitaw sa yakap dahil gustong-gusto mo talaga syang yakapin.

Hinigpitan mo yung pagyakap mo sakanya, para hindi sya bumitaw.

"Please wag ka muna bumitaw.." bulong mo pero narinig nya yun

Hindi na sya nagsalita at niyakap ka nalang din nya pabalik, at pinatong nya yung ulo nya sa ulo mo.

"Don't worry, I won't..."

---

YIIIEEEEE HAHAHAHA AKO LANG BA?! AKO LANG BA YUNG KINILIG AT UMIYAK HABANG TINATYPE KO TONG CHAPTER NA TOH?!! I-COMMENT NYO NALANG HAHA PARA MAY KADAMAY AKO HIHIHI. I hab a message ulit hehe and yes hugot nanaman sya:

Gusto mo sya, gusto ka din nya pero bawal na maging kayo dahil meron syang iba.

YIIEE HAHAHAHA okay tama na yan hehe sa next chapter nalang hehe. Don't forget to comment and vote mga best pars ko jan hehe. KAMSARANGHAE PO 😘💕

My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon