AUTHOR's POV
"I'm her boyfriend" sabi ni Yoongi at bigla nalang nagbackhug sayo.
"U-uh?" Nanlaki ang mga mata mo at halos hindi ka na makapag salita dahil sa ginawa nya, hindi ka din makagalaw dun sa ginawa nya.
"Oh, you didn't tell me you have a boyfriend, noona" sabi nung bata at ngumiti lang sya dunbsa nakikita nya ngayon.
"Uhm.." Hinawakan mo yung mga kamaya ni Yoongi.
"Anong ginagawa mo?" Bulong mo sa kanya
"Niyayakap ka, ano pa nga ba?" Bulong din nya at pinikit nya yung mga mata nya.
"No, I mean hindi mo dapat ginagawa toh" bulong mo sakanya
"Shh, just let me hug you for a while" bulong nya sayo at nanginig ka "tignan mo yung bata oh, ang saya pa nya dahil nakikita nya tayo na magkayakap" bulong ulit nya at huminga ka ng malalim
"Yoong..."
"Hmm?"
"Please let go."
"No."
Pinikit mo yung mga mata mo at hinigpitan ang paghawak sa mga kamay nya "Yoongi, may girlfrien---"
"Yah, girlfriend girlfriend girlfriend. If you're talking about Suran then don't. I don't want to hear that name right now." Bulong nya sayo at nagulat ka dun sa mga sinabi nya
'I don't want to hear that name right now'?
Pero may girlfriend na sya, pinili ka parin nya.
Sinabi nya pa na boyfriend mo sya.
So tatanggapin mo ba kahit KUNWARI lang yon.
O hindi na dahil alam mo naman na hindi yon totoo?.
Litong-lito ka nanaman ngayon dahil hindi mo nanaman alam kung anong gagawin mo.
Dapat nagagalit ka na ngayon pero bakit hindi? Imbis na maglit ka kinikilig ka pa.
Yung parang may mixed emotions ka nanaman ngayon.
Nawala ka sa pag-iisip mo dahil bigla nalang nya ipinatong ang kanyang ulo dun sa balikat mo at hinigpitan ang pagyakap sayo.
Nararamdaman mo yung paghinga nya.
Nararamdaman mo yung pagtibok nung puso nya.
Yung may rhythm yung pagtibok ng puso nya.
Yung sumasabay rin sa pagtibok ng puso mo.
Nanginginig ka na ngayon at hindi mo na alam kung ano yung gagawin mo.
Yung hindi ka makaalisbdunbsa yakap nya dahil sa sobrang higpit.
Or ayaw mo lang bumitaw?
Nakikita mo yung bata na ngiting-ngiti dun sa nakikita nya ngayon.
Yung parang kinikilig din sya dahil sa inyong dalawa ni Yoongi.
Yung sobrang saya nya dahil may nagmamahal sayo.
Pero ang totoo.
Wala.
Nung naisip mo yun ay bigla kang nalungkot.
Pero nakalimutan mo na yakap-yakap ka parin ni Yoongi.
Tinignan mo yung mukha nya.
Nakapikit parin sya pero nakangiti.
Naalala mo yung ngiti nung bata.
Yung ngiti nya na parang ganun kay Yoongi.
BINABASA MO ANG
My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FF
Fanfiction"Kailan ba ako magigising sa REALITY? "