Chapter 24

632 20 1
                                    

"Happiness? Happiness ka jan? Baka mamaya may nangliligaw sayo, tapos hindi mo pa sinasabi sa amin ha. " sabi nya bang nakahalukipkip ang mga braso nya.

Nagulat ka dun sa sinabi nya sayo.

'Nangliligaw?'

'Pfft, walang kwenta yang salita na yan pagdating sa akin'

'Kahit sabihin nyo na bitter ako, then sabihin nyo pero wala talagang kwenta yung salitang NANGLILIGAW para sakin'

Ngumisi ka lang at tumalikod para titigan si Taehyung.

"Nangliligaw? Sa akin? Pfft.. " tumalikod ka ulit para iwasan yung pagtitig mo at yung pagtitig nya sayo.

"Bakit naman nila ako liligawan? "

"In fact, ayaw naman nila sa akin"

"Palibhasa kasi yung pangliligaw nila ay wala rin naman ding kwenta... " sabi ko at agad-agad umakyat para pumunta sa kwarto mo.

-----

Kinabukasan ay gumising ka ng parang napilitan lang pumasok.

Tinignan mo yung alarm clock mo kung anong oras na.

›7:16am‹

Nanlaki ang mga mata mo dahil malapit ka na malate.

Agad-agad kang umalis sa kama mo at tumakbo papunta sa banya para maligo, pagkatapos mong naligo ay nagbihis ka agad sa uniporme mo at bumaba agad. Hindi ka na kumain at umalis nalang kaagad. Hindi mo na din hinintay si Taehyung dahil mas lalo ka pang male-late.

Pagkalabas mo ng bahay ay tumakbo ka na agad papunta sa school nyo, hindi mo na hinintay yung service nyo para ihatid ka.

Tinignan mo yung relo mo.

›7:30am‹

Tumakbo ka ng mabilis at binigay ang lahat ng lakas mo para bumalis yung pagtakbo mo pero hindi mo kaya isagad pa ito.

Nawala na ang lahat ng lakas mo dahil sa kakatakbo kaya bigla ka na lang napaupo dun sa sidewalk, hinihingal at pagod na pagod.

Hindi mo alam kung paano ka makakapunta sa school ng sakto sa oras. Nawala na lahat ng lakas mo at hindi mo alam kung saan ka kukuha.

Tinignan mo yung relo mo

›7:36am‹

Late na late ka na, 5 minutse na lang at magsisimula na ang klase nyo at pag hindi ka naka-abot sa saktong oras ay mapapa-detention ka.

Sinubukan mong tumayo pero natumba ka lang dahil sa sobrang pagod ng paa mo at hindi mo na itokayang itayo, hindi mo na kayang dalhin yung sarili mo papunta sa school nyo.

"A-ano.... Na a-ang g-ga-gawin ko???" Bulong mo sa sarili mo.

Ipipikit mo na sana yung mata mo pero may narinig kang paparating na kotse.

Pinikit mo parin ang mata mo pero naramdaman mo tumigil yung kotse sa tabi mo.

Binuksan mo ng dahan-dahan ang mga mata mo at nakita mo ang isang pamilyar na kotse sa tabi mo.

Naramdaman mong may nagbukas ng pintuan nung pinto kaya nanginig ka ng konti.

Pinikit mo ulit ang mga mata mo para ilayo yung pag-iisip mo dun sa taong bumababa sa kotse.

Nararamdaman mo sya, papalapit sayo.

Mas lalo la pang nanginig at namula ang mga pisngi mo.

Narinig mo ang bawat apak nya sa matigas na semento.

My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon