AUTHOR'S POV
Pinikit mo ang iyong mga mata dahil sa sakit na binibigay sayo ni Suran ngayon.
In fact, hindi lang sa labas ang may sakit kundi sa loob rin.
Sinabihan ka nya ulit ng mga masasakit na salita.
Paulit-ulit nalang.
Paulit-ulit nalang ang mga nangyayari sa buhay mo.
Yung pakiramdam na magiging masaya ka ngayon tapos kinabukasan mawawala na ang kasiyahan mo.
Mawawala ulit yung ngiti mo.
Mawawala ulit yung ngiti na gustong makita ng mga tao.
Yung ngiti na hindi madalas makita ng mga tao sa mukha mo.
Paulit-ulit nalang.
Paulit-ulit nalang na lagi kang nasasaktan at nakakadanas ng sakit.
Halos araw-araw ay matumba ka na dahil laging bumabalik ang sakit na nararamdaman mo araw-araw.
Yung pakiramdam na gustung-gusto mo nang lumayo at matumba nang tuluyan.
Paulit-ulit nalang at halos mahilo ka na.
Bawat araw, hindi mo maipaliwanag ang emosyon mo.
Kung masaya ka ba, kung nagagalit ka ba, kung nalulungkot ka.
Ano ba?
Ano nga ba ang ipanapakita mong emosyon araw-araw?
Yung tipong litong-lito ka na din dahil hindi mo maramdaman ang mga emosyon na ipinapakita mo.
'Bakit ayaw mo ilabas ang tunay na nararamfaman mo?'
'Natatakot ka ba?'
'Nahihiya ka ba?
'Ano ang dahilan?'
'Para kang isang baliw na hindi maipakita ang tunay na nararamdaman'
Sa totoo lang hindi mo din maintindihan ang sarili mo.
Pero sige, ilalabas mo na ang tunay na nararamdaman mo.
Pero hindi mo parin mailabas.
Siguro dahil andyan si Suran at baka pagtawanan o insultuhin ka pa nya.
Pero alam mo na dadating dun sa point yung mailalabas at mapapakita mo rin ang tunay na nararamadaman mo sa loob.
At sawakas makakahinga ka na din nang maayos.
Pero oo nga isa lang naman ang nararamdaman mo ngayon.
'Nasasaktan ako'
Patuloy ang pagbuhos ng bawat luha mo galing sa iyong mga mata.
Nakapikit parin ang mga mata mo habang kinakagat mo ang labi mo at hinihintay nalang dumapo ang kamay ni Suran sa iyong pisngi at hinihintay na maramdaman ang sakit.
Sasampalin ka na nya sana pero--....
"SURAN NO!!!"
Isang boses ng lalake ang narinig mo.
Isang boses ng lalake ang pamilyar sayo.
Isang boses ng lalake na parang paulit-ulit na nagriring dun sa ulo mo.
BINABASA MO ANG
My Swag Classmate: Min Yoon Gi Tagalog FF
Fanfiction"Kailan ba ako magigising sa REALITY? "