NAGULAT si Lance nang habang abala siya sa kaniyang table sa office niya at nakaharap siya sa computer ay biglang pumasok si Karla. Nakasuot ito ng very revealing na damit. Kita ang cleavage at napakaili ng suot na palda. Dire-diretso ito sa paglapit sa kaniya at huminto sa unahan ng kaniyang lamesa. Nameywang ito doon at tila nang-aakit na tiningnan niya. May pagkindat pa ito sa kaniya.
Dinampot ni Lance ang telepono at tinawagan ang kaniyang secretary. "Michelle, 'di ba, ang sabi ko sa iyo ay busy ako kaya huwag kang magpapapasok ng kahit na sino dito sa office ko?" Malamig na sabi niya habang masamang nakatingin kay Karla.
"Oo nga po, sir... Alam ko po 'yon."
"E, bakit may nakapasok na tao dito kung alam mo naman pala?"
"Ang sabi niya po kasi friend ninyo daw po siya. Saka kilala ko naman po si Ma'am Karla kaya I thought okay lang po sa inyo, sir."
"Next time, kapag sinabi ko sa iyo na huwag magpapapasok, sundin mo. Kahit sino pa 'yan, 'wag mong papapasukin dahil naiistorbo ang trabaho ko. Okay?"
"Okay po. I am so sorry, sir."
Matapos iyon ay ibinaba na niya ang telepono. "What are you doing here, Karla? Alam mo naman na working hours ko, 'di ba? Wala ka bang ginagawa sa buhay at you're always have a free time?" Naiinis niyang sabi dito.
Itinuon ni Karla ang dalawang kamay sa table na para bang ipinapakita nito ang dibdib. "Ang init naman ng ulo mo, Lance. I always have free time for you. And besides, ilang araw na tayong hindi nagkikita. After nating umalis sa bahay nina Alice, hindi ka na tumatawag. Don't tell me, may iba ka nang pinaglalabasan ng init ng katawan mo?" Sa tono nito ay para bang inaakusahan siya nito.
"That is not true. Busy ako sa work ko, okay? Kaya you can leave now."
"No. I won't..." Lumipat ito ng pwesto sa tabi niya. Bigla itong umupo sa hita niya at pilit siya hinalikan ngunit umiiwas siya. "Bakit ba pakipot ka today, Lance? Oh... Gusto mo ba ng drama? Iyong parang pinipilit kita tapos ayaw mo?"
"I am serious, Karla. Umalis ka na--" Hindi na niya nituloy ang sasabihin dahil hinalikan siya nito sa labi.
Hindi na siya nakapagpigil pa. Pilit siyang tumayo at nang nakatayo na sila ni Karla ay saka niya ito itinulak. Napaatras ito at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Ngunit hindi ito sumuko. Muli siya nitong nilapitan at itinulak niya ulit ito.
"Ano bang problema mo?!" Galit na sigaw nito
Tinuro niya ang babae. "You! Ikaw ang problema ko. Ayoko na, Karla. Itigil na natin 'to. This is wrong dahil girlfriend ko ang bestfriend mo at ayaw kong masaktan siya. I love her at alam mo 'yan!" bulyaw niya.
"Nakokonsensiya ka? Ngayon pa? After so many years ngayon ka pa nakonsensiya?"
Umiling siya. "I know, nagkamali ako. Kaya ng itigil na natin ito bago pa malaman ni Alice ang ginagawa nating panloloko sa kaniya!"
Ngumisi si Karla. "We'll stop then sasabihin ko sa kaniya. 'Wag mo akong subukan, Lance. Kaya kong sirain ang relasyon ninyong dalawa!"
"Are you out of your mind?!"
"Oo. Matagal na! Napakatanga ko dahil nahulog ako sa iyo! I am so stupid!" Bumalong ang luha sa mata ni Karla ngunit mabilis nitong pinalis iyon. "You'll regret this, Lance! Ako ang magsasabi sa kaniya o ikaw?! Answer me!"
"Baliw ka na! Subukan mo lang or I'll break your neck!"
"I am serious, Lance. Kung hindi mo sasabihin kay Alice, then I will do it! Ayaw mo na, 'di ba? Gusto mo nang itigil itong ginagawa natin, 'di ba? Pwes, hindi ako papayag na tayo lang ang magtapos. Dapat pati rin kayo ng mahal mong si Alice!" anito at mabibigat ang mga hakbang na nilisan nito ang kaniyang opisina.
BINABASA MO ANG
Ominous
HorrorMay mga nawalang alaala si Alice. At sa pagbabalik niya sa kinalakhang bahay dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama ay dalawang kaluluwa ang gagambala sa kaniya. Sino ang dalawang kaluluwang ito at bakit nasa bahay nila ito? Parte ba ito ng alaala niya...