Chapter 29: No to Yes

3.7K 74 8
                                    

MTHB20: NO to Yes

                               ~♡~

NAKAKAGULO ng isipan ang sinabi ni Adrian saakin ng araw na'yon.

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay umalis na sya sa mansyon nito ng walang paalam. Hindi nya nagawang magpaalam sa anak nya.

Nakakagago! Ang sama sama ng ugali nito.

Wala sa sariling napahawak sya sa labi na kanina'y hinalikan nito.
Inis naman nyang ginilgil ng daliri ang kanyang labi wari'y inaalis ang bakas ng halik nito sakanya.

Nakakainis, hindi man lang ito naging marahan, marahas ang paghalik nito sakanya kanina. Napaka brutal! Marahil ay wala itong pakielam sakanya kundi sa anak lamang nya ito may pakielam.

Kung gayon ay bakit gusto nitong magpakasal sakanya? Bakit? Naguguluhan sya ng todo!

Hindi naman na sya nagtataka kung bakit alam na alam ni Adrian ang kilos nya. Malamang, may nag iispiya sakanya. Wala syang kawala.

Di nya napigilan ang pag alpas ng luha sakanyang mga mata.
Isioin palang kasi ni Xia na mawalay sa anak ay di na nya kinakaya.

Talaga nga palang walang di kayang gawin ang ina para sakanyang anak.

Hanggang ngayon ay di maalis sa isipin nya at paulit ulit na nag sisink in sakanyang isipan ang sinabi ni adrian na pagpapakasal sakanya.
Kung magpapakasal ba sya rito ay ano ang mangyayari? Hindi naman na nila mahal ang isa't-isa. Kalokohan lang ang gagawin nilang pagpapalasal dahil di naman sila nagmamahalan.

Isa pa sa iniisip nya si Rustine.
Nang nasa America pa kasi sila ay sunabi nya ritong may pag asa ito sakanya, kaya nga nililigawan sya nito ng buong puso. Pinaasa nya ito ngayon. Kung kelan handa na sana syang tanggapin sa buhay nya ang dating kasintahan at maging ama ng anak nya saka pa biglang eeksena si Adrian sa buhay nya. Kung kelan inaayos na nya ang sarili nya mula sa sakit ng nakaraan

Pumikit sya at nilasap ang simoy ng hangin na yumayakap sakanya, kasalukuyan kasi syang nasa rooftop ng isang sikat na condominium.

Nagtungo kasi sya kanina sa lugar ng kaibigang si Lirah
Napalingon naman sya ng saktong pagdating Lirah dala dala ang ilang pagkain. Bumili kasi sya ng beer kanina upang kalimutan saglit ang problema.

"Iinom ka talaga? You know di kita kayang sabayan kasi im preggy" wika naman nito sabay tapik sa kanyang babybump.

"Samahan mo lang ako" sabi nya at nagsalin na sa baso ng beer

"Beer talaga? Di ka nalang bumili ng wine" sabi pa nito

"Wine? Kelan pa ko makakalimot don? Baka lumutin ako di ako nalalasing" pinilit kong tumawa gayun din sya.

"So? Anong plano mo? Papayag ka bang pakasal sakanya?" Tanong nito.

Nilagok ko muna yung baso namay lamang alak, napangiwi ako ng gumuhit ang init at pait ng lasa ng alak saking lalamunan.

"I don't know, di ko naman sya mahal. At ayokong matali sa gaya nyang di marunong magmahal" sabi ko.

"Ang harsh sa di marunong magmahal ha" tumawa pa ito.
Nagsalin lamang sya ng alak muli sa baso at naglagay ng yelo roon.

"Totoo naman. Napaka walang kwenta nyang tao. At napakagago nya para pamiliin at ipitin ako gayung una palang sya ang pumilit na lumayo kami sakanya. Gago sya!" Singhal ko. Di ko naman namalayan ang pagtulo ng luha ko.

"I thought you already move on? Bat may paiyak?" Tinawanan pa sya ng loka.

"Naka move on naman na talaga ako. Naiyak lang ako kasi potek! Ako ang naiipit sa kagagawan ng tarantadong yon" irap ko pa.

Marry the Handsome BruteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon