Lovely
"Jerome, you can't do this to me!"
"El, I'm not ready for this! I'm sorry."
"Sorry?! Tangina mo, Jerome! Ilang beses kitang tinanggihan dahil hindi pa ako ready, pero ginawa mong batayan yun ng pagmamahal ko sayo! Tapos nang maibigay ko na sayo, at nabuntis mo ako, sasabihin mo hindi ka pa ready?!" Hinihingal ako galit sa hayup na boyfriend ko. Ginagago niya ba ako?!
"Hindi ka pa pala ready, bakit mo ako binuntis?! Bakit hindi ka gumamit ng condom? Oo nga't ginusto ko din yung nangyari satin dahil sabi ko ikaw na ang gusto kong makasama sa buhay! Eh kung hindi ka pa naman pala siguradong hayup ka, sana manlang naging responsable ka at gumamit ng proteksyon!" Masama talaga akong ginagalit dahil tumatalim ang dila ko.
Yun nga lang hindi ako galit, wala ng filter ang bibig ko eh. Ngayon pa kayang galit na galit ako? Lalo tuloy sumasama ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
Lumaki kasi akong mga pinsan kong lalaki ang kasama ko. Kaya naman nakuha ko ang kagarapalan magsalita ng mga pinsan ko.
"Jerome, kung financial lang, kaya ko namang mag-isa toh eh. Pero kilala mo ang parents ko, masyadong conservative ang mga yun. At itatakwil nila ako pag nalamang buntis ako. Tapos malalaman pa nilang ayaw akong panagutan ng nakabuntis sakin?!"
"I'm sorry, El. You're on your own."
"Eh isa't kalahating gago ka pala eh! I'm on my own?! Bakit, ginawa ko bang mag-isa toh?! Fuck you, Jerome! You know what, you're right. Mas mabuti pa nga kung sarilinin ko nalang toh. Dahil hindi deserve ng batang toh ang isang amang tulad mo! Wala kang kwenta. Alam mo, sana kinondom ka nalang ng tatay mo eh!" Nanlisik ang mata niya sakin. Inilang hakbang ko ang distansya namin at dinuro ko siya.
"Eto ang tandaan mo, Jerome. Wag na wag kang lalapit sakin at hihingi ng karapatan sa anak ko kahit kailan. Dahil ngayon palang sinasabi ko na sayo, wala kang mapapala. Sa pagtalikod mo sakin ngayon, binura mo na lahat ng karapatan mo sakin at lalo na sa bata. Mula ngayon, anak ko lang toh, Jerome. Anak ko lang." Tinalikuran ko siya. Pero nakakailang hakbang palang ako ay muli ko siyang binalikan.
Nangangating manampal ang kamay ko. Sinampal ko siya ng malakas at napatanga lang siya sa gulat.
"Para yan sa pagkuha mo ng virginity ko!" Sinampal ko ulit siya ng malakas.
"Para yan sa pambubuntis mo sakin!"
Di pa ako satisfied. Sinampal ko ulit siya.
"Para naman yan sa pagtalikod mo sakin."
Isa pa.
"Para yan sa pag-abandona mo sa isang walang kamuwang muwang na sanggol!"
Last na.
"At yan? Wala lang, ang sarap mo lang sampalin. Para ka kasing tanga, nakarami na ako ng sampal sayo, di ka parin umilag? Ano yan, ang daming kapansanan? Gago na nga, tanga pa?" Nginitian ko siya ng matamis saka siya tinalikuran.
Masakit ang ginawa niya sakin pero hinding hindi ako iiyak sa harap niya. Ipapakita ko sakanyang kaya ko na wala siya.
"Oh, I forgot to tell you," Sabi kong muling humarap sakanya. "You suck at foreplay." Tinakasan siya ng kulay sa mukha.
Totoo naman yun eh. Kung di ko nga lang siya mahal, baka nag-walk out na ako ng oras na yun.
"You just said na ginusto mo rin yung nagyari satin." Sarkastikong sabi niya ng makabawi sa pagkapahiya.
"Oo. Ginusto ko. Pero hindi ko sinabing na-enjoy ko." Nakangising sabi ko na nagpapula sa buong mukha niya. "You didn't even took me to my orgasm. You were my first, but just so you know, you didn't make it worthwhile. Well, atleast I can tell my future husband that he is my first orgasm. Thanks to you." Kumuyom ang kamao niya at lalo pang namula ang mukha.