Chapter 7

378 11 0
                                    

Lovely

Masaya ako sa naging pagkaka-ayos namin ni Paul. Sa totoo lang ay nawala lahat ng bigat sa dibdib ko.

Bakit ganun? Bakit para akong na-mamagnet pag nginingitian niya ako? Mukhang napaglilihan ko nga siya ah.

Tama. Yun lang yun.

Palabas na kami ng pinto nang marinig namin ang pagtawag samin ng anak ni Lexie.

"Tita El, Tito Paul!" Nilingon namin ito.

"Yes, baby?" Sagot ko dito.

"Saan po kayo pupunta?"

"May bibilhin lang kami ni Tito Paul mo."

"Sama po ako!" Napatingin ako kay Paul pagkuwan ay sabay kaming tumango.

"Sige, paalam ka muna kay Mommy mo." Si Paul ang sumagot

"Yey!" Masayang sabi nito sabay takbo patungo sa direksyon ng ina.

Mayamaya pa ay tumatakbo na ulit ito palapit samin.

"Baby, dahan dahan baka madapa ka!" Sabi ko dito. Nang makalapit ito ay itinaas nito ang dalawang kamay para magpakarga sakin. Kinarga naman ito ni Paul.

"Ako na kakarga sayo, bawal ka na kargahin ni Tita El kasi big boy ka na. Maiipit si baby sa tiyan niya." Sabi dito ni Paul na sunod sunod namang tinanguan ni Aki.

Nang makalabas kami ng pinto ay nagkatinginan ang pinsan ko at si Lexa. Bakas sa mukha nila ang pagtataka dahil magsakama kami ni Paul at hindi kami iritado.

"Lalabas lang kami sandali." Sabi ni Paul sa dalawa. Napaangat naman ang kilay ni Lexa.

"Saan kayo pupunta?" Tanong nito.

"May date kayo?" Nakangising sabi naman ni A.J.

"Fu—" Lumapad ang ngisi ni A.J dahil alam nitong mapapagalitan nanaman namin si Paul.

Lumingo sakin si Paul at tinaasan ko siya ng kilay.

"Hehe! Sorry!" Sabi niya sabay peace sign. Gusto kong matawa sa itsura niya. Kalalaking tao, pumi-peace sign. Pero ang cute niya.

"Baby, pikit ka sandali. May dumi sa mata mo, tatanggalin ko." Sabi ni Paul kay Aki na agad naman nitong sinunod.

Nang makapikit si Aki ay agad siyang nag-dirty finger kay A.J na tinawanan lang nito. Naiiling naman kami ni Lexa sakanila.

Hinawakan niya sa mata si Aki at kunwaring may inalis doon pagkuwan ay bumaling sakin.

"Let's go." Sabi niya at pinauna akong maglakad. Ipinatong niya sa likod ko ang palad niya upang alalayan akong maglakad.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kapayapaan dahil sa ginawa niya.

I feel safe.

"Love, okay lang ba sayo na hindi tayo sa fastfood pumunta? May restaurant akong alam na masarap ang fries." Sabi ni Paul habang inaalalayan akong makasakay ng sasakyan niya.

"Tito Paul, dun nalang po ako sa likod. Baka maipit si baby pag nikandong ako ni Tita El." Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Aki.

"Aww, thank you Kuya." Nakangiting sabi ko dito na ikinatuwa naman nito. Gustong gusto talaga nito pag tinatawag siyang kuya.

"Kahit saan, basta may fries." Baling ko kay Paul na inaayos na si Aki sa backseat.

"Great." Tipid na sagot niya pagkuwan ay bumalik sakin at dumukwang upang abutin ang seatbelt ko at isinuot iyon sakin.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon