Chapter 6

410 10 0
                                    

Paul

"Wala namang tao sa labas ah!" Inis na sabi ni Drew.

"Baka umalis na, tagal mo kasi!" Sagot ko na tinawanan niya ng malakas.

"Urur! Ako pa lolokohin mo? Wala naman talagang tao eh! Natakot ka lang mabuking ni Lovely." Tumatawa pa ring sabi niya.

"Pinag-sasasabi mo?" Maang-maangan ko sabay tingin sa direksyon ni Lovely. Napansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti na para bang may kung anong nakakapag-pasaya dito.

Lalo naman nalukot ang mukha ko sa isipin kung ano ang dahilan ng kislap ng mata niya.

"Ewan ko sayo, Sandoval! Pag ako talaga nainis sa kaartehan mo, sasabihin ko na kay Lovely yung mga ginagawa mo pag tulog siya o pag hindi siya nakatingin." Nakangising sabi niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nakasimangot na sagot ko.

"Talaga? Gusto mo, isa-isahin ko? Bukod pa sa pag-buhat mo sakanya kanina, gusto mo ipaalala ko lahat sayo?" Pag-hahamon niya sakin.

"Fuck you, Sevilla!" Madiing sagot ko.

"Boss!" I groaned when I heard Lexa's voice. Hindi ko namalayan ang paglapit niya samin. Ang lakas talaga ng pandinig nito! Di na ako nakaligtas.

"Sorry." Nakangiwing sabi ko dito ng lingunin ko. "Ito kasing boyfriend mo, kung anu-ano ang binibigyan ng kahulugan!"

"Asawa." Pagtatama nito sa sinabi kong 'boyfriend'. Bagay nga sila ni Drew, parehong pareho sila.

"At hindi niya binibigyan ng kahulugan yun, Boss. May kahulugan talaga yun. At alam mo iyon, ayaw mo lang aminin. Bahala ka Boss, ikaw din. Alam mo bang tumatawag na sakanya yung talentadong ex niya?" Bigla ang naging paglingon ko dito kasabay ng pag-angat ng kilay ko dahil sa sinabi nito.

Minsan ay hindi ko maintindihan ang sariling dictionary ng dalawang buntis. Pero ngayon ay naintindihan ko. Talentado naman kasi talaga yung gagong iyon eh.

Tinaasan ako ng kilay ni Lexa na para bang sinasabing 'See? Apektado ka di ba?'. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Pero tama siya. Apektado nga ako sa hindi ko malamang dahilan.

Naiinis ako sa ex ni Lovely dahil may kapal pa ito ng mukha na tumawag sakanya matapos ng ginawa nito.

Naiinis ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng takot na baka balikan ito ni Lovely. Bakit? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Nag-aalala lang siguro ako. Ayoko lang sigurong masaktan nanaman siya. Kahit naman para kaming aso't pusa, napalapit narin siya sakin dahil para na kaming isang pamilya sa bahay na toh.

Tama. Yun lang iyon. Wala ng iba.

"Boss, walang masama kung aamin ka. Bakit ka ba naduduwag? Samantalang noon, malakas ang loob mo. Umamin ka nga sakin kahit may boyfriend ako. Bakit ngayon kay Lovely, pinipigilan mo ang sarili mo?" Seryosong tanong niya.

"Dahil baka katulad lang din ito ng naramdaman ko sayo noon. Na akala ko may pagtingin ako sayo pero narealize ko na kapatid lang pala ang pagtingin ko sayo. Baka yun lang din ang nararamdaman ko ngayon kaya nag-aalala ako sakanya." Seryosong sagot ko din.

"Trust me man, iba yang nararamdaman mo ngayon. Mas maaga mong tatanggapin sa sarili mo yun, mas gagaan ang dibdib mo." Sabi naman ni Drew.

"Pano kung mahal niya pa yung ex niya? May anak sila, at alam kong mas uunahin ng isang ina ang ikabubuti ng anak niya. Kaya hindi malabong tanggapin niya ulit yung ex niya. Kaya wala ding saysay na malaman niya kung anuman ang nararamdaman ko dahil magkaka-ilangan lang kami." Nagkatinginan silang dalawa pagkuwan ay nagkibit-balikat.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon