Lovely
Pagdating namin ni Paul sa bahay ay agad akong nagpaalam para matulog. Pero ang totoo ay gusto ko lang makalayo sakanya. Hindi kasi normal ang tibok ng puso ko mula pa kanina sa restaurant ng magpakilala siyang asawa ko sa lalaking nang-gulo sakin.
Mula noon ay hindi na bumalik sa normal ang lintik na puso ko. Siguro ay dahil naramdaman kong para kaming isang buong pamilya. Bagay na inasahan ko mula sa tunay na ama ng dinadala ko sa sinapupunan ko.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang patuloy akong humahanap ng eksplanasyon kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Ang lalim nun ah." Napapitlag ako nang may magsalita. Napalingon ako sa pinto ng kwarto na bahagyang naka-bukas at nandoon ang kambal.
"Pasok kayo." Sabi ko sakanila sabay upo sa kama.
"Nagising ka ba namin? Sisilipin ka lang sana namin kung maayos ang tulog mo." Sabi ni Lexa habang sinasara ang pinto.
"Hindi nga ako makatulog eh." Nakasimangot na sagot ko.
"Bakit? Iniisip mo si Boss noh?" Tudyo niya sakin.
"Pwede ba, Alexa?" Inirapan ko naman siya.
"Pwede naman. Pwedeng pwede. Walang bumabawal sayo." Pamimilisopo niya.
"I mean, pwede ba tigilan mo 'ko!" Tinawanan nila ako pareho.
"Pero seryoso El, sa lalim ng iniisip mo kanina, be honest. Si Paul ang iniisip mo noh?" Seryosong tanong ni Lexie.
"Nasabi na samin ni Boss yung mga ganap sainyo ngayong araw." Dagdag naman ni Lexa.
"And?" Tanong ko sakanila na nakapag-pakunot ng noo nila.
"I mean, anong sabi niya? Nainis ba siya dahil napilitan siyang mag-panggap na boyfriend at asawa ko? Badtrip ba siya? Nagrereklamo ba?" Sunod-sunod na tanong ko. Aligaga talaga akong malaman kung ano naging pakiramdam nito sa nangyari. Para kung malagay ulit ako sa ganoong sitwasyon sa susunod ay alam ko na kung hindi ko na dapat siya idamay.
"El! El, relax will you? Walang ganon." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Lexie.
"Nainis siya, oo. Pero hindi sayo. Doon sa mga taong nang-stress sayo. And yes, nagalit siya. But no, hindi sayo. Galit na galit siya sa ex mo at sa babaeng nanampal daw sayo." Paliwanag ni Lexa.
"Kung hindi ka nga lang daw niya iniisip, bibigwasan niya ung ex mo eh. Naisip lang niya na baka umawat ka at makasama sainyong mag-ina. Sa nakita ko ngang galit niya sa ex mo, baka nasa ospital na yung ex mo ngayon kung hindi ka lang niya iniisip pati si Aki." Dagdag pa niya.
Napangiti ako nang maalala kung pano niya ako prinotektahan. Kung pano niya ako inasikaso. Kami ni Aki.
"Ganda ng ngiti ah. Inlove ka teh?" Biro ni Lexa pero natigilan ako.
"Ayy, pak! Inlove nga!" Tumatawang patuloy niya.
"Pinagsasabi mo?" Patay-malisyang sabi ko.
"El, yang ningning sa mga mata mo, kilala namin yan. Ganyang ganyan mag-ningning ang mga mata namin pag kinikilig kami sa mga asawa namin." Sabi naman ni Lexie.
"Hindi ako kinikilig!" Giit ko sakanila.
"Ayieh, talaga? Tutmu!" Patuloy na pang-aasar ni Lexa na inirapan ko lang.
"El, kung sakaling ligawan ka ni Boss, may pagasa bang sagutin mo siya?" Exited na tanong ni Lexa.
"Alexa, mag-tigil ka nga!"
"Bakit ba, nag-tatanong nga eh! Ano nga? May pagasa ba?" Giit nito.
"Unang una may pagasa bang ligawan niya ako? Wala. Di mo ba nakikita, lumalaki na nga tiyan ko oh! Buntis ako. Dalagang ina. So tingin mo magkaka-gusto siya sakin?" Tinaasan ko siya ng kilay pero tinaasan din niya ako ng kilay.