Chapter 4

470 10 0
                                    

Paul

Napa-kunot ang noo ko nang makita kong naka-yupyop si Lovely sa mesa nang pumasok ako sa kusina.

"Naku, nakatulog pala diyan yan, hindi namin napansin." Gulat na sabi ng mommy ni Lexa.

Nilapitan ko si Lovely at hinawakan sa balikat.

"Love?" Mahinang tawag ko pero mahimbing ang tulog nito. May kung ano namang humaplos sa puso ko nang makita ko ang mukha niyang payapang natutulog.

"Hayaan mo nalang siya, ganyan talaga ang buntis, takaw tulog." Sabi ni Lexie.

"Ililipat ko nalang siya, baka mangalay dito." Dahan-dahan ko itong binuhat at dinala sa sala.

Inihiga ko siya sa sofa. Natigilan ako nang napatitig ako sa mukha niya. May kung anong humihila sa kamay ko upang haplusin ang buhok niya. Mayamaya ay hindi ko namalayang hinahaplos ko narin ang tiyan niyang medyo malaki na.

Napangiti ako matapos kong haplusin iyon. Parang nabura lahat ng stress ko matapos kong haplusin ang tiyan niya.

Mayamaya ay natigilan ako. Anong nangyayari sakin?

"Aminin mo na kasi sa sarili mo. Kahit sa sarili mo lang. Dahil kusang lalabas yan kahit anong tanggi mo sa sarili mo." Napapitlag ako nang magsalita si Lexa na hindi ko namalayan ang paglapit. Agad kong binawi ang kamay ko na nasa tiyan ni Lovely.

"Boss, hindi mo kailangang magtago sakin. Basang basa kita. Hindi mo maitatago sakin yang nararamdaman mo kay Lovely. Ayan na nga oh, hindi mo na kayang pigilan." Seryosong sabi nito.

"Anong aaminin ko sa sarili ko? Eh hindi ko nga maintindihan ang nangyayari sakin. Naiinis ako sakanya pag gising siya. Pero pag tulog siya, lumalambot ako pag tinitignan ko siya." Seryoso ko ring sagot sakanya.

"Boss, kaya ka naiinis sakanya pag gising siya, kasi nga ayaw mong ipakita sakanya yung nararamdaman mo. Kaya pag tulog siya saka umaalpas yung nararamdaman mo. Ang problema kasi sayo boss, kahit sa sarili mo, ayaw mong aminin. Bakit? Dahil ba buntis siya sa ibang lalaki? Ano bang dahilan bakit hindi mo matanggap sa sarili mo na may nararamdaman ka sakanya?"

"Of course not. Alam mong hindi ako mapang-husga. Kung totoo nga na may nararamdaman ako sakanya, walang kaso yung nakaraan niya. Siguro hindi ko lang matanggap na may nararamdaman nga ako dahil alam kong malabo namang magkaroon ng katugon kung sakali. Kaaway ang tingin niya sakin." Sagot ko sakanya.

"Eh ikaw naman kasi nauna eh. Sinusungitan mo palagi. Boss, hinay-hinay ka lang sa pagsusungit sakanya. Buntis yan, bawal yan naiistress. Lalo na't hindi ganon kalakas ang kapit ng baby niya."

"I know. Hindi ko naman siya sinusungitan eh. Hindi ko nga siya kinakausap, siya tong laging nagtataray sakin. Napapagalitan ko lang naman siya pag nag-aalala ako sakanya."

"Tulad kanina? Nung hindi natin siya abutan dito? Pinagalitan mo nanaman?" Tumango ako.

"I felt guilty afterwards. Nagulat ko kasi siya. Ayoko naman siyang stress-in eh. Sadyang naiistress lang siya sakin pag nakikita ako kahit wala akong ginagawa." Nilingon ko si Lovely at muli akong napatitig sa mukha niya.

"Just take it easy on her, boss." Tumango lang ako. "And boss?"

"Hmm?"

"Aminin mo na sa sarili mo. Para hindi mo na siya kailangang sungitan para lang pagtakpan yang nararamdaman mo. Kahit sa sarili mo lang muna aminin kung hindi ka pa ready. Tanggapin mo lang sa sarili mo na may pagtingin ka sakanya." Lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat saka na ako iniwan.

Muli kong tinignan si Lovely at kusang umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya.

Gusto nga ba kita? O katulad lang ito ng naramdaman ko noon kay Lexa? Baka akala ko lang din ulit. Baka pag nagtagal, marerealize ko rin na bilang kapatid lang din ang nararamdaman ko?

The More You HATE, The more You "LOVELY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon