Chapter 8

382 11 0
                                    

Paul

Palapit kami kay Lovely nang makita kong may kausap itong lalaki. Kanina pa kami sa malapit sakanya. Hindi lang ako lumapit dahil akala ko ay yung ex niya ang kausap niya.

Pero nagulat ako nang magpakilala ito sakanya at bahagya akong natawa sa sagot niyang 'not interested'.

Patuloy na nangulit ang lalaki at lalapitan ko na sana sila nang marinig ko ang sagot niya.

I'm... Pregnant and I'm with my husband.

Hindi ko alam kung bakit tumalon ang puso ko sa narinig ko.

Nang marinig kong may pinapabura siyang picture dito ay doon na ako lumapit. Pero bago ako lumapit ay kinausap ko muna si Aki.

"Baby, may ipapagawa ako sayo, okay?" Tumango ito.

"Nakita mo yung kausap ni Tita El?" Lumingon ito doon at tumango. "Kinukulit niya kasi si Tita El. Eh naiinis na si Tita El sakanya. Bawal kay Tita El ang mainis dahil masa-sad si baby sa tiyan niya." Sumimangot ito.

"Ganito gawin mo. Paglapit natin sakanila, tawagin mong mommy si Tita El, okay?" Nang tumango ito ay saka na kami lumapit.

"Love, do you know him?" Tanong ko kay Lovely.

"Mommy, I'm hungry na." Sabi ni Aki sabay yakap sakanya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkabigla niya. Natigilan din ang lalaking kausap niya.

Lihim naman akong napangiti. Hindi ako nagkamali, maaasahan talaga si Aki. Nang tignan ko si Aki ay nakatingin ito sakin kaya pasimple ko itong kinindatan na nginitian naman nito.

Nilipat ko ang tingin ko sa lalaking kausap ni Lovely na ngayon ay nakatingin kay Aki.

Nang tumingin ito sakin ay tinitigan ko ito ng matalim. Mukhang nasindak ito dahil medyo nataranta.

"Ahm, I think I got the wrong table." Sabi nito sabay tayo pero humarang ako sa dadaanan nito.

Walang sabi-sabi kong kinuha ang cellphone na hawak nito at nakita ko ang picture ni Lovely na nakayuko at natatakpan ng ilang hibla ng buhok ang kalahati ng mukha.

"Love, do you know this picture?" Baling ko kay Lovely sabay abot ng cellphone sakanya. Umiling siya.

"He took that without my permission and when I asked him to delete it, he refused." Paglingon ko dito ay may takot na sa mata nito. May ilan-ilan naring nakatingin samin.

Binura ko ang picture at padabog ba ibinalik iyon sakanyan. Akmang tatalikod na ito pero hinawakan ko siya sa kuwelyo ng suot niyang polo.

"Next time, pipili ka ng babaeng haharassin mo. Malas mo, asawa ko ang napili mo. What you did was harassment. At pwede kitang ireklamo for that." Marahas ko siyang binitawan.

"Sorry. Please, hindi naman kailangang umabot sa ganon. Sorry, na-attract lang ako sakanya kaya ko siya nilapitan. Akala ko wala siyang kasama."

"Hindi porket walang kasama ang isang babae eh pwede mo ng harassin! Lumayas ka na, bago pa kung anong magawa ko sayo." Dali-dali itong tumakbo palabas.

"Sorry about that." Paumanhin ko kay Lovely habang umuupo ako sa tapat niya.

"No. Sorry. Napa-away ka pa dahil sakin. Thank you nga pala ha. Buti nalang dumating ka agad. Naii-stress na kasi ako sakanya eh, ayaw akong lubayan." Bahagya niya akong nginitian.

"Dapat tinawagan mo ako para mas nakabalik kami agad. Are you okay?" Tumango siya.

"Medyo kinabahan lang ako nung ayaw niya akong iwanan kahit sinabi ko ng may kasama akong asawa. Pero sakto lang din naman ang dating niyo. Thank you pala dahil sinabi mong asawa kita. Pasensiya ka na din dahil kinailangan mong sabihin yun." Nahihiyang sabi niya.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon