Chapter 2

654 11 0
                                    

Paul

"Boss!" I groaned. Kahit hindi ko tignan ay kilala ko ang tumawag sakin. Siya lang naman ang nag-iisang tumatawag sakin ng 'boss'. Si Alexa.

Ang babaeng nagpa-bago ng madilim kong mundo. Dahil sakanya ay muling sumigla ang buhay ko. She's annoying sometimes, but she's like a little sister to me.

Siya ang babaeng minsan ay inakala kong minahal ko. Well, mahal ko naman talaga siya, pero hindi sa paraan na inakala ko noon.

Akala ko kasi noon ay may pagtingin ako sakanya dahil sa kauna-unahang pagkakataon mula ng mamatay ang mga magulang at kapatid ko ay natuto akong ngumiti at makipag-usap. At siya ang dahilan.

Pero habang tumatagal ay lalo kong napapatunayan na kapatid lang siya para sakin. Dahil ganitong ganito ako sa kapatid ko noon. Yun din siguro ang dahilan kaya kahit na noong akala ko ay mahal ko siya, ay hindi ko ipinilit.

"Alexa, busy ako." Napasimangot siya.

"Okay." Tila maiiyak na sabi niya.

Nakalimutan ko, buntis nga pala siya, kaya masyadong sensitive.

"I'm sorry. May kailangan ka ba?" Masuyong tanong ko sakanya.

Napangisi siya na unti-unting nauwi sa tawa.

"Gotcha! Sabi na nga ba, di mo ako matitiis." Tumatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin na lalong nagpalakas ng tawa niya.

"Naka-sumpong ka nanaman." Pairap na sabi ko sakanya. "Ano bang ginagawa mo ditong buntis ka? Di ba dapat nag-aayos ka ng gamit mo dahil babalik ka na sa bahay?"

"Tapos na po. May binili lang kami ni Drew. Gusto ko lang dumaan dito para guluhin ka." Nakangising sagot niya.

Mag-sasalita pa sana ako nang pigilan niya ako.

"Hep! Buntis ako, bawal awayin!" Inikutan ko lang siya ng mata na tinawanan niya.

"Boss, hihintayin ka ba namin? Sasabay ka samin umuwi?" Isa sa dahilan kung bakit mahal na mahal ko toh kahit makulit ay dahil sa buong pamilya niya.

Nakanap ako ng bagong pamilya sakanila. Pamilyang limang taon kong kinasabikan. Sila ang nagbigay ng sigla muli sa buhay ko. Pamilyang minsan ay nakakalimutan kong hindi nila ako kaanu-ano dahil kung ituring nila ako ay parang isa na talaga ako sakanila. Mommy at daddy na nga rin ang tawag ko sa mga magulang niya.

Doon narin ako umuuwi pag weekend.

"Anong oras ba kayo aalis?" Tanong ko.

"Mamaya pa naman. Guguluhin ko pa si Gab eh." Nakangising sagot niya.

"Ewan ko sayo. Ang wierd mong magbuntis." Naiiling na sabi ko. "Sasabay na ako sainyo. Patapos narin naman ako dito. Teka, eh asan si Drew? Baka salubong na ang kilay nun, kakahintay sayo."

"Try niya lang. Buntis ako, kaya di siya makakapag-reklamo. Love ako nun eh!" Nakangising sagot niya. Nailing nalang ako sakanya.

"Charot lang, pinauwi ko na muna siya sa apartment. Sabi ko sasabay nalang ako sayo." Binelatan pa ako.

"Okay. Osiya, sige na, dun ka na muna kay Gab, para matapos na ako dito. Shoo!"

"Grumpy! Kaya kumukulo ang dugo sayo ni Lovely eh!" Sabay tawa ng malakas at naglakad palayo.

Napa-ngiwi naman ako pagkarinig sa pangalang binanggit niya. Ewan ko nga ba kung bakit ang init ng dugo sakin nun. Palibhasa ay buntis din. Napaglilihan pa yata ako.

The feeling is mutual though. Mainit din ang dugo ko doon dahil hindi maganda ang first impression ko dito dahil sa nagawa nito kay Lexa noon.

Pero ang hindi ko mintindihan ay kung bakit sa simpleng pag-banggit ni Lexa sa pangalan nito ay parang may pananabik akong naramdaman. Pero naiirita rin ako at the same time.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon