Chapter 16

18 0 0
                                    

Paul

"Oh, teka, dahan-dahan ka naman. Ako ang natatakot sayo eh bat ba masyado kang excited makapasok ng bahay?" Natatawang alalay ko kay Love.

"Excited talaga ako noh, namiss ko kaya tong bahay." Sagot niya na nagmamadali parin sa paglalakad papasok ng bahay.

Dumeretso siya sa kusina at huminga ng malalim.

"Hmn, namiss ko tong amoy ng kusina ni mommy." Nakangiting sabi niya pagkuwan ay biglang napahinto at suminghot singhot. "Teka, amoy kare-kare!"

Natawa naman ako nang dali-dali siyang lumapit sa mesa at binuksan ang mga pagkaing naka takip doon. Nangislap ang mga mata niya ng makita ang hinahanap.

"Sabi na eh, di talaga ako pwedeng magkamali!" Pumapalakpak pa nyang sabi.

"Maka-react ka naman para namang miss na miss mo yan eh kagabi lang yan ang pinakain ko sayo." Naiiling na sabi ko.

"Iba parin kasi yung lutong bahay. Una, hindi tipid kaya hindi nakaka bitin." Natawa ako sa sinabi niya. "Pangalawa mas masarap ang lutong bahay. Lalo na kung luto ni mommy yan, nakuuuu natatakam ako!"

"Sige na mag palit ka na dun para makakain na tayo." Natatawang sabi ko sakanya.

Lumabas kami ng kusina at para pa syang nagulat ng makita ang mga tao sa sala.

"Oh ano, di mo sila napansin noh? Dinaanan mo lang sila kanina na parang wala kang nakita eh. Kusina ang pinuntirya mo agad." Nagtawanan naman lahat kami.

"Hala, hindi ko talaga kayo napansin lahat sorry po." Tila nahihiyang paumanhin nya na tinawanan lang ulit namin.

"Sya sige na magpalit ka na kakain na tayo." Sabi naman sakanya ni mommy.

"Yey!" Bulalas nya na parang batang excited maglaro.

Cute.

Nagmamadali pa itong tumakbo sa kwarto.

"Love, dahan-dahan baka madulas ka!" Napatapik nalang ako sa noo ko nang di ako pansinin nito.

"Kulit noh?" Natatawang sabi ng ina nito. "Ganyan talaga yan pag paborito nya ang pagkain."

"Mamimiss namin yung kakulitan at kamalditahan nung batang yun." Nakangiting sabi ni mommy.

"Oo nga." Sabay na sabi naman namin ni Lexa.

"Salamat ng marami sainyong lahat. Alam kong kayo ang dahilan kaya hindi masyadong na stress ang anak namin. Kundi siguro dahil sainyo, baka kung ano ng nangyari sakanila ng apo ko." Seryosong wika naman ng ama ni Love.

"Naku balae, wala yun. Dahil nga sakanya kaya hindi ko naramdaman na bumukod itong kambal ko eh. Kasi sya ang pumalit." Sagot naman ni mommy.

"Balae?" Naka kunot ang noong tanong ko kay mommy.

"Oo nak." Mama ni Love ang sumagot. "Eh parang anak ka na daw nila eh. Pag nagka tuluyan kayo ng anak ko, mag-balae na kami." Nakangising dagdag pa nito na tinawanan naman nilang lahat.

Napatapik nalang ako sa noo ko.

"Ligawan mo na kasi anak." Panunukso naman ng ama nito.

"Oh may blessings ka na pala nila tito eh." Gatong naman ni Drew.

"Fuck you, Sevilla!" Pagigil na bulong ko kay Drew.

"I heard that!" Sabay na sabi ng dalawang buntis— si Lexa at Lovely.

Dang it! Narinig pa nila yun? Tsk, umay!

"K-kanina ka pa diyan?" Nauutal na tanong ko kay Love.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon