CHAPTER 2: The Real Identity

498 3 0
                                    

MALALIM na ang gabi. Hindi pa rin mapakali si Bianca kaiisip sa nangyari kanina. Parang may kakaiba na kay Olive. Ibang-iba na sya habang tumatagal ang panahon.

Nakaharap sya sa bintana kung saan nakaharap sa bintana habang tumatama ang sinag ng buwan sa tahimik na dagat. May dala-dalang alak si Bianca habang nag-iisip sya. Napalingon sya kay Olive na mahimbing na natutulog. Tutok na tutok sya sa babae.

"Sino ka ba talaga Olive? Sino ka?", tanong ni Bianca sa kanyang sarili habang maigi nyang tinutukan ng paningin ang babae.

Hanggang sa biglang pumasok sa kanyang isipan ang panahong una nyang nakita ang babae.

Three years ago..

Sa isang tahimik na isla ng Pulang Bato.

"Bianca, pumunta ka muna sa bayan at bumili ka ng mga sangkap. Nagkakaubusan na tayo", utos sa kanya ng kanilang tagapagluto sa resto bar na iyon.

Kaagad na ibinigay sa kanya ang pera at listahan ng bibilhin nila. Kasama nya ang dalawang dalaga para pumunta sa bayan. Sakay sila sa bangkang de motor na pinagmamay-arian ng resort na pinagtatrabahuan nila. Ang The Red Sea. Na syang pinagmamay-arian ng isang mayamang babaeng negosyante. Ngunit bago pa sila makaalis ay may nakita silang babaeng nag-aagaw buhay sa may bandang kabatuhan ng isla na tila humihingi at nangangailangan ng tulong. Dali-dali silang bumaba ng bangka at nilapitan ang babae. Napakaraming sugat at sariwa pa ang sugat nito sa mukha. Bigla silang nabahala at kaagad na isinama nila ang babae papunta sa bayan na pupuntahan nila.

Sa hospital makikita si Bianca na tila alalang-alala sa babaeng iyon. Ni hindi nya ito kilala ngunit alam nyang kailangan nito ang tulong nila.

"Kayo na lang ang pumunta sa pamilihan. Nariyan na ang mga listahan ng bibilhin nyo. Ako muna ang magbabantay dito", tugon ni Bianca sa kanyang mga kasamahan at saka umalis sa kwartong iyon.

Pinagmamasdan nya ang babaeng balot na balot ang mukha sa gauze. Ilang sandali ay biglang nagising iyon at tila nagulat sa mga nangyari sa kanya. Napalingon sa kanya ang babae na walang reaksyon sa mukha at saka tumingin papunta sa kisame.

"Miss, nakita ka namin sa mga kabatuhan. Napakarami mong sugat. Ano ang nangyari sa iyo?", tanong ni Bianca sa babae. "Kailangan namin malaman ang nangyari at kung sino ka para maiparating namin ito sa munisipyo at matulungan ka".

Walang sagot na sinumbat ang babae. Napansin nya na tumutulo ang luha nito mula sa mga mata. Biglang lumambot ang puso ni Bianca sa kanyang nasaksihan. Naaawa sya sa babaeng iyon.

"Isang pagsabog...", panimula ng babae. Napatayo si Bianca na tila interesadong makinig. "Maraming namatay..."

"Ano ang pangalan mo?", tanong ni Bianca sa kanya.

Isang makahulugang paningin ang ibinigay ng babae sa kanya.

"O...Olive. Olive Marasigan..", nahihirapang sumagot at magsalita ang babae dahil sa kanyang kalagayan.

Biglang bumalik ang diwa ni Bianca nang bigla syang tinawag ni Olive na tila naalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"Bianca? Anong ginagawa mo? Bakit gising ka pa?", tanong ni Olive sa kanya. Tila masakit pa ang mata dahil namamaga pa ito mula sa mabigat na pag-iyak.

Napalingon si Bianca sa kanya. Isang makahulugang tingin ang kanyang pinakawalan na tila naghahanap ng kasagutan.

Sino ang babaeng kausap nya?

Lumapit si Olive sa kanya dahil tila napapansin nito na kakaiba ang tono ng pagtingin sa kanya ni Bianca.

"Olive", mahinhin na sinabi ni Bianca sa kaibigan. "Naging kaibigan kita sa loob ng tatlong taon. Kailangan ko lang ng kasagutan ngayon".

Napahinga ng malalim si Olive. Hindi nya pwedeng ibulgar ang tunay nyang pagkatao. Na sya ang dating VICTORIA CUENVILLA na minsan nang nakilala ng lahat.

"Ang sugat mo sa mukha...",

Napatitig si Olive. Tila may pwersang humihila sa kanyang dila para sabihin na ang katotohanan sa kaibigan. But she has a plan. Kailangan secure ang lahat ng kanyang actions dahil baka dito na ang kanyang katapusan na maging malaya. If Bianca would know her as Victoria, maaaring isumbong siya sa mga pulis.

Niyakap lang ni Olive si Bianca.

"Bianca...", tila nag-iipon ng lakas ng loob si Olive na sabihin na kay Bianca ang katotohanan. "I trusted you since the day that we first met. Galing ako sa maningning na mundo ngunit bigla na lang naguho at bumagsak. I know you already knew me".

Napakunot-noo si Bianca. May tila nais syang marinig mula sa babaeng kaharap nya.

"I am not that Olive that you know..", tila kinakabahan si Olive na sabihin ang katotohanan sa kaibigan. "I was once a queen who was dethroned away from her own kingdom. At ginagawa ko ito para makabangon at makapagsimulang-muli".

"Teka—", nalilito na si Bianca sa mga sandaling iyon dahil hindi nya alam kung ano ang pinagsasasabi ni Olive sa kanya. "Kailangan ko nang diretsahang sagot. Sino ka ba talaga? Sino ka?", medyo tumaas ang boses ni Bianca dahil naiinip na sya na malaman ang totoo.

"Ako si Victoria Cuenvilla..."

Nanlaki ang mga mata ni Bianca nang malaman na ang kanyang taong kaharap ay isang kriminal na tumago sa ibang pangalan at ibang pagkatao. Ngunit hindi sya natakot o nagalit man lamang sa babae. Bagkus, ay niyakap nya ito nang napakahigpit at napahagulhol dahil sa sinapit ng babae.

Nagtaka si Olive sa kinilos ni Bianca. Buong akala nya na magagalit ito sa kanya at matatakot at magsusumbong sa mga pulis, pero hindi.

"B-Bianca?", nagtatakang sinabi ni Olive sa babae.

Biglang napatahan si Bianca at may sinabi sya sa babae.

"Tutulungan kita, Victoria. Ikaw ang idolo ko na matagal ko nang mahawakan. Masayang-masaya ako na ikaw pala ang babaeng matagal ko nang pinapangarap na makita. Gusto ko ring maging kagaya mo!", tila hindi makapaniwala si Bianca sa mga nalaman.

Biglang napangiti si Olive. Sa wakas ay may kakampi na sya. May kakampi na sya para bumangon muli.

"Magtutulungan tayo, Bianca. Tutulungan kita para maging isang katulad ko. We will build our own kingdom together", sagot ni Olive sa kanya.

"Bakit mo ito ginagawa?", tanong ni Bianca.

"Dahil gusto kong makuha ang minsan nang inagaw sa akin ng mga taong minsan ko nang pinagkatiwalaan. At ngayon, babawiin ko sa kanila iyon" tugon ni Olive kay Bianca na tila pursigido sa kanyang paghihiganti.

"Hintayin mo ako Tanya, dahil babalikan kita"







Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon