CHAPTER 11: Mask

175 4 0
                                    

Makikita sila Tanya na kausap ang ilang mga negosyante habang nasa round table sila at kumakain. Naroon sa kanila sina Ruby Red at Vicky. Saktong magkaharap sina Tanya at Vicky na kay sarap pagmasdan.

"I love the food here", ani ng isang kaibigang babae ni Tanya.

"I chose the best catering services", sagot ni Ruby Red. "Because I know na hindi pangkaraniwang tao ang makakaharap ko ngayon".

Napalingon si Ruby kay Tanya. "Especially, Ms. Tanya Heralva".

Nagtinginan ang lahat kay Tanya. Napangiti naman si Vicky habang nakatingin sa babae.

"Thank you, Ms. Ruby", sagot ni Tanya. "And sa kapatid mo rin".

Ruby replied her with a smile. "Sa maniwala ka o sa hindi, my sister really likes you. You're her number one idol when it comes to fashion and style".

Nagtitigan naman si Tanya at Vicky. Tanya sip a bit of wine at saka nagsalita. "O really? Wow! Thank you, Vicky". Isang ngiti ang ibinigay ni Tanya kay Vicky.

"Yes, and ngayon she is now happy to finally meet you", sagot ni Ruby.

"That's pretty great!", sa tono pa lang ni Tanya ay mukhang babanat na ito. "You know, I remember someone na kagaya mo, Vicky. Hindi lang kagaya ha, parang magkamukha kayo".

Nagtinginan ang lahat sa sinabi ni Tanya. Nagsisimula na naman ang babae na bumanat.

"Kilala mo ba si Victoria Cuenvilla?", seryosong mukha ang ipinakita ni Tanya kay Vicky. "Because she was once my number enemy. Malaki ang kasalanan nya sa akin, and I will make sure na sa oras na makita ko sya, ako mismo ang magdadala sa kanya papunta sa rehas na dapat nyang kalagyan!".

Pasekretong hinawakan ni Alexis ang kamay ni Tanya. Napatingin naman si Tanya sa kapatid.

Napangiti lang si Vicky at biglang bumanat. "Don't worry, Tanya, because I am here para hindi maging kalaban mo, kundi maging isang kakampi".

Tanya shows her smile. "Really? How nice to hear that!".

"Magkakampi tayo sa business, and maybe someday, we will become bestfriends!", sagot ni Vicky.

"What if hindi lang bestfriends ang gusto ko?", napataas ng kilay si Tanya.

"What do you mean?", tanong ni Vicky.

Napatawa lang si Tanya. "You know Vicky, I don't make friends easily. Kinikilala ko muna ang bawat hibla at dulo ng kuko ng isang tao bago ko sya kaibiganin".

Napangisi lang si Vicky at kaagad na napatayo ito. "Excuse me, I need to go to the restroom". Isang seryosong tingin ang ibinigay ni Vicky kay Tanya habang nakikipag-usap ito sa iba.

Dali-daling pumunta sa rest room si Vicky at kaagad na humarap sa salamin. Hindi sya makahinga dahil sa sobrang galit na nararamdaman nya. Kinakausap nya ang kanyang sarili habang inilalabas nya ang galit sa babae.

"I will never let you to win again Tanya! Ako si Vicky Red at ako mismo ang sisira sa mundo mo! Humanda ka sa matindi kong paghihiganti", pabulong na sinabi ni Vicky.

Ilang sandali ay bigla nalang sumulpot si Tanya na ikinagulat ni Vicky. Kaagad namang umiba ang reaksyon sa mukha ni Vicky.

"Oh, Tanya. W-what are you doing here?", tanong ni Vicky.

"Naisip kong kailangan kong mag-retouch", mataray na sinabi ni Tanya sabay lapit sa kanya at lapag ng pouch na may lamang press powder at lipstick.

"You know, I was thinking lately, after this, you can come to our home", yaya ni Vicky kay Tanya na labis na pinagtakahan ng babae.

"Hindi ba masyadong gabi na? Well, thank you for inviting me tonight, pero baka yang invitation mo, parang ibang usapan na 'yan", napatigil si Tanya sa pag-retouch at napalingon sa kausap.

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon