CHAPTER 6: The Savior

276 4 0
                                    

ISANG PUTOK ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar na bumalot ng kababalaghan. Sumabay pa ang kulog at kidlat. A very scary scenario you do not want to see. Kinakabahan si Olive kaya dali-dali syang nagtago sa may mga matataas na halaman ng gubat na iyon. Maririnig mo ang mga yapak ng mga paa ng mga tauhan ni Eva.

Napasilip sya at nakita nya ang babae na may namumuong galit sa mukha kahit medyo malayo pa. Dala-dala nito ang baril na handang pumatay sa kanya. Eva is a monster you don't want to face with. A wife monster.

Malapit na ang mga ito sa kanya nang biglang may dumating. Mga tauhan din ng babae na tila kanina pa sya hinahanap. "Ma'am Eva, nilibot na po namin ang paligid pero di pa rin namin mahanap ang babae".

Nanggagalaiti si Eva dahil nais nyang mapatay ang babaeng iyon.

Nag-iisip si Olive kung paano sya makakaalis sa impyernong kinalalagyan nya. She need to escape from Pulang Bato. Pero malayo na sya sa may dalampasigan kung saan naroon ang mga bangka na sasakyan nya paalis ng bayan na iyon.

Ilang metro na lang ang layo ay kabahayan na. Pero lalakbayin nya muna ang maluwag na palayan bago sya makapunta sa malapit na presinto ng Pulang Bato.

"Hindi ka mamamatay, Victoria", bulong nya sa kanyang isipan. "Hindi kang mamatay na isang talunan".

Ilang sandali pa ay dahan-dahan syang patakbong lumakad habang nakayuko. Nakikita na nya ang liwanag ng mga street lights sa gilid ng mabatong kalye. Nahihirapan na sya pero kinakaya nya ang lahat dahil babalik at babalik pa sya sa Ciudad de Oro.

Until..

Isang putok ang pinakawalan sa kalangitan ni Eva na syang nagpatigil sa kanya. Nakita na sya ni Eva at ng mga tauhan nito. Alam ni Olive na nakatutok na ang baril nito sa kanyang likod kung kaya tinaas nya ang kanyang mga kamay at humarap sa mga ito.

"Well, well", Eva said with a psycho tone. "I finally got you". Habang pinapalibutan sya nito ng baril.

Hinawakan si Olive ng mga tauhan ni Eva at sinuntok sya nito sa tiyan. Napapilipit sya sa sobrang sakit. Hinampas din sya ng baril sa mukha kung saan nabasag ang kanyang ilong. Nawawalan na sya ng malay pero kinakaya pa nya.

"Kilala mo ba kung sino ako?", tanong ni Eva. "I kill mistresses, I kill young ladies like you na bumabangga sa akin!".

Dinuraan ni Olive si Eva sa mukha. She spits blood. Nandiri si Eva sa ginawa ng babae kung kaya pinahid nya ang dugo gamit ang kanyang palad at sinampal ito sa mukha ni Olive. Limang malalakas na sampal ang ibinigay nya.

Itinaas nya ang baril nito at tinutukan sya sa ulo.

Ngunit bago pa barilin ni Eva si Olive ay nagbanta ang malapit nang mamatay na babae.

"Kung papatayin mo ako, huwag mo na akong bubuhayin pa", pagbabanta ni Olive kahit nahihirapan na sya. "Dahil hahanapin kita at papahirapan ko kahit ang kaluluwa mo!".

Kakalabitin na sana ni Eva ang gatilyo nang biglang may nagpaputok. Isa sa kanyang mga tauhan ang nabaril na agad na nagdala sa kanila ng takot. Napalingon sya sa harapan kung saan maraming mga kotse ang paparating. Nagsitakbuhan naman ang mga tauhan nya na nagbabantay doon.

"Ma'am", tila may isusumbong ang kanyang tauhan na sugatan. "Narito po ang kampon ni Red Queen".

Napasigaw si Eva at kaagad na pinaputukan ang mga paparating na mga tauhan ng kilalang Red Queen.

Nakasuot ang mga iyon ng mga tuxedong itim with a black masks and a red necktie. Malalakas na putukan ang maririnig at swerteng natumba si Olive sa lupa.

"Ewan nyo na ang babaeng yan!", utos ni Eva sa mga tauhan nya at saka tumakbo ito palayo.

Nakadama naman ng takot si Olive sa mga papalapit na mga tao na tila parte ng isang sindikato. Dinampot sya ng mga lalaking nakamaskara at bumungad ang sirang mukha nya dahil sa ilaw ng sasakyan.

Isang pamilyar na babae ang lumabas mula sa kotse.

Si Ruby Red!

Nakasuot sya ng pula at may hawak itong baril. Nagtataka sya sa kanyang nakitang babae.

"Oh my god!", bulalas nya. "It's her!".

"Red Queen", sabi ng lalaking naka-maskara. "Saan natin sya dadalhin?".

"Siya ang hinahanap ko", sagot ni Ruby Red. "Put her inside the car now!", sigaw nya at kaagad namang binuhat ng mga ito ang nawalan na ng malay na babae.

SA ISANG HIDEOUT itinungo si Olive ng mga tauhan ni Red Queen, also known as Ruby Red. May pribado silang doktor na nag-aasikaso sa babae. Isang babaeng medyo may kapayatan at singkit na may straight na buhok ang lumapit kay Ruby Red, si Alba, her bestfriend.

"How was last night?", tanong ni Alba sa babae habang pinagmamasdan nila si Olive na mahimbing na namamahinga. "So, she's the one you are looking for".

"Muntik na syang makuha ng kampo ni Eva", sagot ni Ruby Red.

Napangisi si Alba. "Until now, hindi pa rin alam ng killer wife na iyon na ikaw ang numero uno nyang kaaway pagdating sa black market".

"Camouflage", sabi ni Ruby Red kay Alba. "Kung marunong kang magpabago-bago ng kulay at anyo mo para makatago sa kalaban, gagawin ko".

"So, what are you going to do with this girl?", tanong ni Alba kay Ruby Red.

Napatingin sa kawalan si Ruby Red na tila may mga poot at galit sa kanyang mga mata. "The Reyeses, the Heralvas—they are the one who made my life miserable", napalingon sya kay Olive. "And this girl is the evidence of their cruelty. Pinatay nila ang ina ko, at pinatay rin ng mga Reyes ang ama ko. Kaya gagawin ko ang lahat para pagdusahan nila ang madugong hustiyang babawiin ko".

Nabigla si Alba. Mas naintindihan na nya ang mga plano ni Ruby Red nang binanggit nya ang Reyes at Heralva na tugmang-tugma sa mga naging laman ng balita noon three years ago patungkol sa kalaban nitong Queen of Philippine Fashion.

"Oh my god!", hindi pa rin makapaniwala si Alba sa kanyang nakikita. "Is this Victoria Cuenvilla?".

"Yes", makahulugang sagot ni Ruby kay Alba. Ngunit seryoso ito at tila may kinikimkim na galit.

Ilang sandali pa ay nagising si Olive mula sa pagkakatulog. Masakit pa rin ang ulo at katawan nya. Nang makita nya ang dalawang babae ay nagulat ito at panay ang sigaw. She is experiencing trauma.

Seryosong paningin lang ang ipinakita ni Ruby Red sa kanya.

Doon kumalma si Olive. "Who are you? Bakit ako nandito? Nasaan ako?".

"You are in my lair now", seryosong sagot ni Ruby Red. "Welcome back, Victoria", sabay ngiti ng malalim.

Nabigla si Victoria dahil nalaman na nito na sya ang numero unong pinaghahanap ngayon ng publiko at kapulisan. Napaiyak sya. Nakikita na nya ang kanyang sarili na makukulong na sa likod ng mga nagbabagang rehas.

"Let me out of here!", sigaw ni Victoria. Lumabas na ang pagiging Victoria nito.

"Sa tingin mo papakawalan kita nang hindi kita napapakinabangan, Victoria.", sagot ni Ruby Red sabay ngiti.

"Who are you? Bakit mo ko kinuha? I have no power! I have nothing! Wala kang mapapala! Wala kang mapapala sa akin!", pasigaw na sinabi iyon ni Victoria habang napapaiyak na.

"Just call me Ruby Red", sagot niya. "I saved you from the wrath of the killer wife. I saved your life and I save yoir soul. At simula ngayon you will work with my bloody kingdom sa ayaw at sa gusto mo. Malaki ang atraso mo sa akin Victoria, malaking-malaki!", pagbabanta ni Ruby Red sa kanya at saka umalis ito.

Hindi alam ni Victoria ang mga nangyayari sa kanya. May bago na namang karakter sa buhay nya. Hindi nya alam kung magiging kakampi nya ito o makakasama nya ito sa mga listahan na dapat nyang babanggain.

Tumatak na sa kanyang isipan...

SINO SI RUBY RED?

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon