CHAPTER 1: The Beginning of the End

676 7 1
                                    

MAKALIPAS ANG TATLONG TAON. Ang bagong kabanata ng kanilang mga buhay ay unti-unti nang nagsisimula. Ngunit may mga lihim pang hindi pa nabubunyag na tila nananahimik pa sa kadiliman ng gabi. Marami na ang nagbago. Marami na ang naglaho.

TANYA HERALVA now owns the biggest fashion company in the Philippines. Still, one of the top billionaires with a net gross of ten billion dollars. Bawat sulok ng bansa ay mukha nya ang makikita. Ngunit hindi pa alam ng mga tao na may taong nasa likod ng mapagpanggap na maskarang pinupuri nila. Kasalukuyang nasa Amerika sya for the fashion week at para mag-unwind sa lahat ng nangyari sa kaniya. But she is ready for the changes of her life. Sooner, she will reveal her identity.

Alexis Heralva is a successful jeweler in Asia. She makes and sells jewelries and watches for the rich Asians and Westerns. She is now with Tanya dahil tinutulungan ito sa mga projects in abroad.

Leonardo Fuentes owns her family's company. Siya na ang namumuno sa paggawaan ng mga sapatos. He is so in-love with Tanya, at hanggang ngayon hindi pa sya sumusuko na mapaibig nya ang babaeng minsan nyang minahal, bilang si Ruth.

Marco Montrillo runs his chocolate company together with his parents. Masakit pa rin para kay Marco ang nangyari sa kanyang anak after the tragedy. He is madly in-love with Tanya, and he knows that Leo is one of his rival in terms of battle for love.

And Tamara Laurel is now in New York. Isa sya sa mga investors ng isang company ng pabango. She is also a fashion model in some magazine company. Hindi pa rin niya makakalimutan ang pagkamatay ng kanyang anak. And she is ready to take her chance. She is ready for her vengeance.

NGUNIT, sa isang tahimik na lugar, makikita ang isang pamilyar na mukha na tila unti-unti nang binabago ng panahon. Ang marka ng sugat ng kahapon sa kanyang mukha ay hindi pa 'rin nawawala. Si Victoria! She is still alive and breathing. Nakasuot sya ng isang polo shirt na tila uniform ng isang resort na iyon. Ang kanyang makinis na balat ay tila nangingitim na. Ang kanyang mukha at mga mata ay punong-puno ng lungkot at tila nahihirapan na sya. She is totally suffering. No fame. No wealth. And no name!

"Olive!", tawag ng isang babae na tila katrabaho nya. Olive na ang kanyang pangalan.

She changed her identity and name for her security, after all hindi na sya mamumukhaan ng mga taong minsan na syang nakilala.

Napalingon si Olive sa babaeng iyon. Pero tinapos nya munang punasan ang mesang pinaggamitan ng customer ng resto bar na iyon. Linapitan nalang sya ng babaeng iyon.

"Olive, tila kanina ka pa", sabi ng babae.

"Bianca", tawag nya sa babae. Napangiti lang sya. Hindi alam ni Bianca ang tunay nyang pagkatao. Morena ang babae at may angking kagandahan.

"Tingnan mo", sabay pakita sa dyaryo na hawak nito. Ipinakita ang isang balita na lumalaman tungkol kay Tanya. "Ang ganda nya 'no? Babalik na raw sya dito sa Pilipinas".

Habang pinagmamasdan ni Olive ang dyaryo ay namumuo ang kanyang puso sa galit. Gusto man nyang sumigaw ngunit hindi pwede. May plano pa sya. Hindi dapat malaman ng mga tao na sya si Victoria-ang numero unong hinahanap ng kapulisan.

Dahil hindi nakayanan ni Olive ang kanyang nakikita ay sya na lang ang umiwas dito.

"Magpapahinga muna ako. Nakakapagod ang araw na ito", sabay alis na tila nagbago ang kanyang pakiramdam.

Tumungo sa isang munting bahay si Olive na syang tinutuluyan ng mga empleyado ng resort na iyon.

Habang papasok sya sa looban ay doon bumuhos ang kanyang nararamdaman. She is so mad like she wants to free her anger. Ang kanyang mga luha ay kasing-init ng kanyang nararamdaman ngayon. Galit at inggit ang bumabalot sa kanyang puso. Even she is Olive for now, still, she was Victoria na kinilala ng mga tao.

Hindi nya pa rin makakalimutan ang sakit na pinaranas sa kanya ni Tanya. And now, kailangan nyang umipon ng lakas at yaman para sa kanyang muling pagbabalik at paghihiganti. She will make sure that this will become bloodier than ever.

Napahiga sya sa kanyang kama habang iniisip ang lahat ng nangyari at mga mangyayari.

May kinuha sya na tila isang latang pabilog na lalagyan ng biscuit. Binuksan nya ito ay may mga lamang pera iyon na tila pinag-ipunan nya simula nang pumasok sya sa trabahong iyon. Three years ago. May kinuha sya sa kanyang bulsa-ang kanyang naipon sa araw na iyon. Nag-iipon sya ng lakas ng loob at pera para makabangon muli, bilang isang bagong babae.

"Mababawi ko ulit ang lahat ng mga kinuha niyo sa akin. Humanda ka Tanya dahil sa pagbabalik ko, ikaw ang unang makakatikim sa paghihiganti ko!", nanggigigil na sinabi ni Olive sa kanyang sarili habang tumutulo na ang kanyang mga luha.

Ilang sandali ay may dinukot si Olive mula sa ilalim ng kanyang unan. Mga dyaryong naglalaman ng balita. Pinaghahanap na sya ng mga pulisya na mahigit tatlong taon na. Ngunit hindi na sya makikilala pa, dahil may iba na syang pangalan at pagkatao. Bilang si Olive Marasigan. At gagamitin nya ito para muling makabangon at makapaghiganti.

Ilang sandali ay binuksan nya ang telebisyon sa kanyang kwarto. Wala pa si Bianca sa mga oras na iyon dahil magka-roommates sila.

Bumungad sa kanya ang mukha ni Tanya Heralva na mas lalong nagpainit sa kanyang galit. Nanggigigil sya habang nakikita nya ang mukha ng babae. Her anger turns herself into a beast. Ang impyernong inihain ni Tanya para sa kanya ay ramdam na ramdam pa nya. Binato nya ng remote control ang telebisyon sa sobrang galit. Doon, nasaksihan ni Bianca ang mga pangyayari. Labis itong natakot sa inasal ni Olive. Dali-dali itong pumunta sa kanilang kusina at kinuha ang gamot ni Olive upang pakalmahin ang kaibigan.

Hindi nya alam ang pagkatao ni Olive, pero alam nyang mababa ang pasensya nito. Labis nyang iniintindi ito dahil sila lang dalawa ang magkaibigan sa islang iyon.

"Olive, kalma ka lang. Andito na ako", niyakap ni Bianca ang kaibigan habang pinapakalma dahil humahagulhol na. Nahihirapan itong makahinga dahil sa sobrang galit.

"Maghihiganti ako, Bianca. Papatayin ko silang lahat!", nanggigigil si Olive.

Doon nagulat si Bianca. For three years na magkasama sila, ngayon nya pa lang narinig ang salitang iyon mula ay Olive. Dahan-dahan siyang lumingon mula sa telebisyon at doon, bumungad ang press con ni Tanya.

Tanya Heralva!

Biglang napaisip si Bianca. Isang palaisipan tungkol sa tunay na pagkatao ni Olive.

Sino si Olive Marasigan?

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon