CHAPTER 5: The Escape

290 4 0
                                    

NAPANSIN ni Olive na may mga bagong dalang damit si Bianca buhat mula sa ibang bayan. Isa-isang nilapag ng babae ang mga mamahaling mga alahas na nakalagay pa sa velvet box at ilang mga sapatos. Namangha si Olive. She miss all of
these stuffs. She is missing her life, when she was once a queen.

Napansin ni Bianca ang mga matang di maalis-alis sa mata ni Olive. At saka may iniabot syang dalawang pares ng sapatos at isang kwintas. Nabigla si Olive sa ginawa ng kaibigan.

"B-Bianca. Ano ka ba. 'Wag na. It's all yours", aniya.

"Huwag tatanggihan ang grasya", nakangiting sinabi ni Bianca sa kaibigan.

Hindi naman makatanggi si Olive. She cannit deny the fact na hindi na nya kayang mabili ang lahat ng mga iyon. Zero ikanga.

"Bakit ba ang dami-dami mong ganito? Saan ka naman nakakakuha ng pambili?", tanong ni Olive sa babae.

Isang misteryosong ngiti ang pinakawalan ni Bianca na tila may nais ipahiwatig sa babaeng kausap.

"Sabi pa nga nila, it takes pain and pleasure", makahulugang sinabi ni Bianca sa kanyang kaibigan.

Hindi naman masyadong makuha ni Olive ang nais ipahiwatig ni Bianca. All she know that her friend is just working in that resort as a waitress.

Malalim na ang gabi nang tila naalimpungatan si Olive ng isang nakakatakot na hikbi. Nagmumula ito mula sa banyo. Napakunot-noo sya dahil hindi nya matukoy kung sino ang umiiyak sa ganung oras. Nilingon nya ang kama ni Bianca, at wala ang babae doon. Nakadama sya ng takot kaya dali-dali syang bumangon at pinuntahan ang babae sa banyo.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng banyo at bumungad sa kanya ang mga sugat sa likod ni Bianca. Nakaharap si Bianca sa salamin kaya nang pumasok si Olive doon ay nabigla ito.

Mangiyak-ngiyak si Olive nang makita ang mga bakas ng hampas ng mga latigo sa likod ni Bianca. She is suffering from the scourged of hell.

"Bianca, what is this all about?", tanong ni Olive sa babae. Hindi naman makasagot si Bianca.

Medyo tumaas ang boses ni Olive dahil sa galit na kanyang nararamdaman.

"Bianca, tell me!", bulalas ni Olive na umalingawngaw sa buong looban.

Dahan-dahan namang lumingon si Bianca sa kanya. Parang nakadikit ang kanyang mukha sa salamin dahil nahihirapan syang harapin ang kaibigan. Naghahabol naman ng hininga si Olive. Hindi nya makayanan ang kanyang nasasaksihan.

Napaiyak nang napakalutong si Bianca nang makita ang kaibigan. She badly needs her comfort. Dali-dali naman syang inalalayan ni Olive at hinagkan. Maging si Olive ay nahawa sa kaibigan.

"What did you do? A-anong nangyari? Bakit ka nagkaganito?", hindi mapakali si Olive sa mga sandaling iyon.

"I'm so sorry, Olive", panay ang iyak ni Bianca sa harap ng kaibigan. "I'm so sorry".

"Bakit? Hindi ko maintindihan?", tanong ni Olive sa kanya na tila natatakot na.

Ilang sandali ay biglang may umalingawngaw na putok ng baril. Nabigla ang dalawa, lalo na si Bianca. Bakas sa kanyang mukha ang kilabot at takot na kanyang nararamdaman.

"A-ano yun?", tanong ni Olive sabay yakap sa kaibigan at kaagad na sinara ang pinto ng banyo.

"The wife", sagot ni Bianca. Isang makahulugang tingin ang pinakawalan ni Olive sa kaibigan. A horrible question she wanted to ask.

"Bianca? Anong nangyayari?", tanong ni Olive na tila kinakabahan na.

"I'm so sorry, Olive. Baka nasundan ako ni Mrs. Elizalde", hindi mapakali si Bianca sa nangyayari.

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon