CHAPTER 14: The Secret Enemy

103 0 0
                                    

PUMASOK sa loob ng opisina ni Tanya si Messy. Tila may gagawin syang hindi kaaya-aya dahil panay ang lingon nya sa buong paligid. Naalala nya na may CCTV pala ang looban kaya umarte syang may ihahatid lang syang papeles sa mesa ng kanyang amo. Napatingin lang say sa may bandang CCTV para makakuha ng perfect spot sa kanyang gagawin. May dinukot syang recording device na napakaliit. Magnetic ito kung kaya madali lang ito makakapit sa kahit anong metal.  Itinago nya sa likod ng mga papeles ang kamay nya kung saan naroon ang recording device. Nang inilapag nya ang mga papeles ay kaagad na inilagay nya ito sa ilalim ng mesa ni Tanya kung saan may mga metal plates na naroon. Napataas sya ng kilay at napangiti. Parte ito ng plano nila para malaman ang mga susunod na plano ng mga Heralva. Ilang sandali pa ay dumating si Tanya.

"Messy", nagtatakang sinabi ni Tanya sa babae. Papalapit ito. "What are you doing here?".

"Miss, I just brought your papers here", sagot ni Messy. "Mga financial statements sa mga ginastos for your upcoming fashion show".

Napataas ng kilay si Tanya. Tila may nararamdaman syang kakaiba. Ngunit hindi dapat sya mabahala sapagkat nagtrabaho ang babae sa kanya for two years.

"I told you that you will get into my office if nandito ako, di ba?", tanong ni Tanya.

"I'm sorry, Miss", sagot ni Messy na umarteng nagmamakaawa. "Inihatid ko agad sa opisina mo ang mga papeles dahil importante ang mga ito. Baka kasi ma-misplace ko kaya I decided to bring them here kaagad nang ibinigay na sa akin ng auditor".

"Okay", sagot ni Tanya at lumakad nang napaka-sexy papunta sa kanyang upuan at uminom ng wine.

Yumuko si Messy sa kanya at kaagad tumalikod na para lumabas. Bago pa ito makalabas ay tinawag sya ni Tanya.

"Messy", tawag ni Tanya sa kanya. Napalingon naman si Messy. "Where's Alba? Hindi ko sya nakita ngayon. Ngayon pa sya wala kung saan kailangan padaliin ang lahat dahil malapit na ang fashion show".

Hindi makaisip ng maisasagot si Messy. Nasa lungga kasi ngayon nina Vicky at Ruby si Alba.

"Hindi ko po alam", sagot ni Messy. "H-hindi naman po kami close noon".

Napataas ng kilay si Tanya at napangisi. "Really? Nakita ko kayo na magkausap noon. Ano ba ang pinag-uusapan nyo?".

"Ah, that time po kasi ay may itinatanong sya sa akin about sa mga gagawin nya", sagot ni Messy.

Hindi naman nagpatalo si Tanya. "Hindi gawain ng assistant ko na mag-orient ng mga bagong aplikante sa kompanya ko", sagot ni Tanya. "Hindi ka naman siguro manager or director ng designers department".

"Hindi po sa ganon", sagot ni Messy. "Nagtatanong sya about sa kailangan nyang gawin kapag kakausapin ka po".

Napataas ng kilay si Tanya. Hindi na nya kailangan pa pagdudahan si Messy. Siguro ay nagtatanong lang talaga si Alba sa kanyang assistant sa mga oras na iyon.

"You can go now", mataray na sinabi ni Tanya kay Messy.

Nang nakatalikod naman si Messy ay biglang sumama ang mukha nito. Sinundan naman ng tingin ni Tanya si Messy. May kung anong kumirot sa kanyang isip na tila may kakaibang nangyayari. Hindi nya dapat pangunahan ang kanyang nararamdaman kay Messy. Messy is loyal to her, and she knows it.

Ilang sandali ay biglang dumating si Alexis  with her beige fitted dress and white stilletos. Nakadagdag ang fierceness nito because of her mattee brown lipstick and bolder eyeliners. Nagulat si Tanya sa pagdating ng kapatid dahil akala nito may pupuntahan itong client sa Manila.

"I thought you are in Manila?", nagtatakang sinabi ni Tanya kay Alexis. Alexis has this serious face na tila naiinis kay Tanya.

"What have you done?", diretsahang tanong ni Alexis sa kapatid. "I know what happened. Bakit ka nagpadakip kay Leo? You know naman na hindi pa nya alam ang plano natin!".

Napatayo si Tanya at napangisi. "Let me talk to him. Pinangunahan naman ni Leo ang emosyon nya. All of these are parts of our plan. Sana binigyan nya muna ako ng oras na makapagpaliwanag about what he saw".

Nilapitan ni Alexis si Tanya at tila pinagbabantaan ang kapatid. "Don't do this again, Tanya. Ito ang dahilan kung bakit mas pinili ni Marco si Ruth!".

Napakunot ng noo si Tanya. Hindi nya alam ang totoong nangyari kung bakit nga ba iniwan ni Marco ang totoong Tanya.

"And don't let that happened again na iwan ka ni Leo dahil sa pagpili mo kay Marco!", sagot ni Alexis.

Hinawakan ni Tanya si Alexis sa kamay nito na nakalapag sa kanyang mesa. She is trying to calm her down dahil ayaw nyang mag-away sila dahil mas magiging complicated ang lahat if sila na ang nagtatalo.

"Ayokong palakihin ito, Alexis", sagot ni Tanya. "All we need to do is to know who the hell are these Red sisters".

"I have a plan", sabi kaagad ni Alexis kay Tanya. "Ito ang paraan para malaman natin ang totoo. Invite Vicky and Ruby Red for a dinner, and we will make sure if magtutugma ang DNA nila. If not, they're not sisters at all. At ang pinakamalaking gagawin natin ay ang hukayin ang bangkay ni Margarita to have some DNA sample from her. If all of their DNAs will match to each other, maybe Ruby is the long lost daughter of Marga at tinutulungan nya si Victoria na makapaghiganti sa atin".

Napataas ng kilay si Tanya. "I'll make sure of that", at saka kinuha ang kanyang phone at tinawagan si Vicky.

Kaagad namang sinagot iyon ni Vicky.

"Can I invite you for a dinner?", tanong ni Tanya kay Vicky.

Natuwa si Vicky sa yaya ni Tanya. "Sure why not? Kelan ba 'to? Marami pa kasi akong gagawin this coming weeks".

"If you're available tomorrow", napangiting sinabi ni Tanya kay Vicky.

Napataas lang ng kilay si Vicky. "Sure. Bakit ko naman tatanggihan ang nag-iisang Tanya Heralva?".

"Also inform your sister. Napag-isip-isipan namin ni Alexis na why we don't have some little bonding. You know, sisters bonding?", sabi ni Tanya.

"Asahan nyo kami bukas", sabi naman ni Vicky.

"All right!", maririnig sa boses ni Tanya na masaya sya sa sagot ni Vicky tungkol sa alok nya at saka nagpaalam.

Napatingin si Tanya kay Alexis na tila unti-unti na nilang nakukuha ang loob ng magkapatid. Ngunut hindi nila alam na tila may nagtatagong kaaway sa loob ng opisina nila.

Isang recording device na diretso kaagad sa linya nina Vicky at Ruby Red at kanina pa pala sila pinakikinggan ng magkapatid.

"So, they are planning na ipa-test tayo?", napangising sinabi ni Ruby kay Vicky. "Poor Heralvas. Ni hindi nila alam na pinaglalaruan natin sila".

Vicky laughed like she won the game. "Kung yan ang gusto nila, kayang-kaya natin silang paukitin. At least, we are now aware of their plans at ang mga susunod nilang plano sa atin".

"Paano naman kung madakip ng magkapatid na iyon ang mga alaga natin?", tanong ni Ruby. "Knowing Tanya, madali nyang makilala ang mga tao".

"We will kill Messy kapag nadakip sya. That will stop her from telling the truth", sagot ni Vicky.

Ngunit hindi nila alam na naroon si Alba na kanina pa nakikinig sa kanilang mga plano. Nagulat sya sa kanyang narinig. Tunay ngang born evil si Victoria dahil wala itong pinipiling ipinapapatay. Napataas ng kilay si Alba.

"Hindi kami mamamatay ni Messy, kayo at ang mga Heralva ang tunay naming kaaway", bulong ni Alba sa kanyang sarili at saka umalis nang may matapang na mukha at matalim na paningin.

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon