CHAPTER 4: The Bloody Past

331 5 0
                                    

"RUBINA!", sigaw ng isang lalaking duguan na tila gumagapang sa damuhan palapit sa batang Rubina. Panay ang iyak niya habang hawak-hawak ang kanyang teddy bear.

Lalapit na sana sya ng biglang may lumapit sa lalaki at tinutukan ng baril ito.

"Tumakbo ka na!", sigaw sa kanya ng lalaking nakahandusay bago pa ito paputukan ng baril.

Dahil sa sobrang takot ay kaagad na tumakbo si Rubina. Isang mabilis na pagtakbo. To escape her death. Until she heard the fire of the gun. Alam nyang patay na ang kanyang ama. Doon napaiyak sya ng todo. She was seven years old at that time and she experienced the torture of the world.

Alam nyang papalapit na sa kanya ang lalaking bumaril sa kanyang ama. Kaya nagpatuloy sya sa pagtakbo palayo sa lugar na iyon. Until she reached the end. Isang bangin, kung saan isang malaking ilog ang kanyang susuungin if ever na tumalon sya. Lumingon sya muna para makasiguradong hindi na sya maabutan. Hanggang sa tumalon sya doon. She faced her fear. She need to survive from this hell approaching to her. One single bullet and she will die.

Isang malakas na hampas ng agos ng ilog ang unti-unting pumapatay sa kanya. She is drowning. Her breathe, so tight, that she cannot afford to take and out air underwater.

Until.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Ruby. She found herself in the bath tub. Muntik na syang malunod sa tubig. Nakaidlip pala sya habang pinagmamasdan ang city lights dahil nasa tabi ng bintana ang bath tub nya. May mga rose petals na nakalutang sa tubig at ilang mga candles. A perfect time to relax, but gives her a scary scenario.

Napaluha si Ruby habang iniisip nya ang kanyang nakaraan. Maghihiganti sya sa taong gumawa nito sa kanila. Her eyes are so strong kahit may namimintanang mga luha.

After a while, ay umahon na sya sa bath tub at nagsuot muna ng bath rob to dry herself. May kinuha syang bote ng alak at nilagyan ang kopitang nakalapag sa mesa. Almost full. Napansin nya ang isang picture frame na nasa mismong kinalalagyan ng wine glass. Isang family picture. Sya, ang kanyang ama at ang kanyang ina. Ang babae ay tila pamilyar. Si Margarita Cuenvilla!

At saka tumikim sya habang dahan-dahan syang naglalakad papunta sa terrace ng kanyang condo. Isinandal nya ang kanyang braso sa bakal na balkonahe at umuusbong ang galit sa kanyang mga mata at mga labi.

Pinagmamasdan ni Ruby ang kanilang pamilya. Iniisip nya ang mga sandaling masaya sila noon.

"Papá", naluluha na si Ruby habang pinagmamasdan ang kanyang ama. "If were strong at that time, sana naligtas kita from that man! Sana niligtas kita from Eduardo!"

Eduardo ang pangalan ng naging kasintahan ni Helena at Margarita noon, at posibleng ama nina Ruth at Victoria.

Ibig sabihin ba nito ay magkapatid sa ama sina Ruth at Victoria?

Ano ang koneksyon ni Margarita kay Ruby o kay Rubina Rojo? Siya kaya ang tunay na anak ni Marga kung kaya't hindi nya kayang mahalin si Victoria?

"Mamá", napahagulhol si Ruby habang kinakausap ang litrato ni Margarita Cuenvilla. "You were once Margarita Cuenvilla Rojo before you left us at sumama kay Eduardo. Pero kahit iniwan mo kami ni Papa, hindi ako nagtanim ng galit sa'yo".

Cuenvilla is not the real surname of Margarita. Ang totoo nyang apelyido ay Rojo, dahil kasal sya sa ama ni Ruby.

Hinagkan ni Ruby ang picture frame habang dinadamdam ang sakit na kanyang nararamdaman. She wants to shout dahil gusto nyang ilabas ang kanyang nais isumbat sa mundo.

Isang alaala ulit ang biglang sumagi sa kanyang isipan...

Makikitang nag-aaway sina Margarita at ang kanyang ama na si Armando. Nakasilip lang ang batang si Rubina sa siwang ng pinto ng kwarto ng kanyang mga magulang. Nakita nyang sinasaktan ng kanyang ama ang kanyang ina habang panay ang sigaw nito.

"Sinabi ko na sa iyo di ba na huwag ka nang makikipagkita kay Eduardo! May asawa ka na Margarita! May anak ka na!", habang sinasakal ni Armando ang asawa at saka sinapak. Napasubsob ang mukha ng babae sa kama habang umiiyak.

"Hindi na kita mahal, Armando!", matapang na sinigawan ni Margarita ang lalaki at saka binigyan naman sya ng isang malakas na sampal.

"Hindi ka dito aalis! May plano pa kayong umalis ng bansa. Hindi mo ba alam na may asawa na si Eduardo? Alam mo bang buntis si Helena? Magkakaanak na sila, Margarita! Makakasira ka ng pagsasama nilang dalawa! Nakakahiya sa ating pangalan!", pasigaw na sinabi ni Armando sa babae.

At saka umalis ng kwarto. Tumakbo kaagad si Rubina sa kanyang kwarto at sumilip nang bahagya. Nakita nya na kinandaduhan ng kanyang ama ang kwarto at pagalit na bumaba. Naawa sya sa kanyang ina. Pero mas naawa sya sa kanyang ama dahil alam nyang mahal na mahal nito ang kanyang ina kahit hindi na sya mahal nito.

Dahan-dahan syang lumapit sa kwarto ng kanyang ina at idinikit ang kanyang tenga sa pinto. Naririnig nya ang hagulhol ng kanyang ina na tila nakasandal sa pinto.

"Mamá?", malumanay na tinawag ni Rubina ang kanyang ina.

Nabigla si Margarita nang narinig nya ang kanyang anak. Nagkaroon sya ng pag-asa. Pinaggagagalaw nya ang door knob para mapansin ng anak na nasa labas ng kwarto.

"Get me out of here, my princess. Sumama ka kay Mamá. We will leave your Papá. Sasama tayo kay Tito Eduardo", may pag-asang bumabalot sa tono ni Margarita. Pinagtatapik nya ang pinto para tawagin ang pansin ng anak.

Namimintana na ang mga luha ni Rubina. Nais nyang tulungan ang kanyang ina, pero napalingon sya sa kanyang ama na kanina pa pala sya pinagmamasdan. Isang nagmamakaawang mukha ang pinakawalan ni Armando sa anak na nais magpahiwatig na huwag makialam.

Rubina is daddy's girl. Kung kaya ay mas sinunod nya ang kanyang ama at nagbingi-bingian sa hagulhol ng kanyang ina.

Kinarga sya ng kanyang ama pababa at bumungad sa kanila ang mga maleta. Aalis sila. Sila nalang ang aalis.

"Papá, saan tayo pupunta?", tanong ni Rubina sa ama.

"Mas mabuting tayo na lang ang umalis, anak", malungkot na sinabi ni Armando.

"How about Mamá?", tanong ni Rubina.

Namimintana na ang luha ni Armando ngunit kailangan nyang maging malakas. Hindi dapat sya paghinaan ng loob.

Hindi na nya pinansin ang tanong ng anak at dali-dali silang umalis ng mansion habang dala-dala ng mga kasambahay nila ang mga maleta palabas ng looban.

While on their way to the airport ay may napansin si Armando na tila may sumusunod sa kanila. Isang kotseng pamilyar sa kanya. Ang kotse ni Eduardo. Ilang sandali ay pinaputukan sila ng lalaki. Tumama ito sa gulong kung kaya't biglang huminto ang sasakyan.

Napasigaw si Rubina at dali-dali syang kinarga ng ama at lumabas ng kotse. Makikita naman si Eduardo na lumabas ng kotse at nakatutok ang baril sa lalaki habang may dala-dala itong sanggol at saka ibinalik ulit sa silid ng kotse.

Sino ang sanggol na dala-dala ni Eduardo sa gabing tatakas sila ni Margarita?

"Nasaan si Margarita?", ang mga mata ni Eduardo ay punong-puno ng galit. Sumabay pa ang kulog at kidlat mula sa madilim na kalangitan.

Hindi sya pinansin ni Armando at dali-dali itong tumakbo sa masukal na kapunuan upang makapagtago at tumakas sa kamay ni Eduardo.

At doon, nangyari na ang isang madugong pangyayari. Ang nakaraan na pumukaw sa isipan ni Rubina.

Tres Amantes 2: THE LAST CHAPTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon